Banner Before Header

‘Malunggay’ panlaban sa malnutrisyon—Imee Marcos

0 427
PORMAL na ipinanawagan ni Sen. Imee Marcos ang pagtatanim at pagkain ng ‘Malunggay’ bilang epektibong tulong upang maging malusog ang mga Pilipino, partikular na ang mga kabataang Pinoy.

Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong Nobyembre 12, 2020, nagpunta ang mambabatas sa lalawigan ng Cebu upang pasimulan ang ‘#Imeelunggay planting activity’ sa bayan ng Consolacion, kasama si Mayor Joannes Alegado kung saan namahagi ng mga ‘malunggay cuttings’ sa mga mahihirap na residente.

Tumutubo at yumayabong ang malunggay at “itinatanim” kahit walang ugat.

Ayon pa sa mambabatas, tinatarget nilang makapamahagi ng 35,000 malunggay cuttings sa Cebu ngayong taon.

Bukod sa Cebu, nagkaroon din ng malunggay planting activity sa Brgy. Tumana, Marikina City nitong Nov. 9 at  namahagi  ng 15,000 malunggay cuttings ang grupo ni Sen. Marcos sa 14 barangays sa Marikina City.

Namahagi rin ng 5,000 malunggay cuttings sa district 1 sa Maynila nitong Miyerkules, Nov. 11.

Ipinaliwanag pa ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, na batay sa pag-aaral ng mga eksperto, 33.4 porsiyento ng mga bata na may edad limang taon pababa ang malnourished o patpatin.

Ayon kay Marcos, dahil sa kulang sa nutrisyon, napipigilan ang pagtangkad ng mga paslit at halos 30 porsiyento na mas maliit ang utak ng mga bata na kulang sa nutrisyon, isang kondisyon na dadalhin nila habambuhay.

“Malunggay has 50 times more vitamin B2 than bananas, 50 times more Vitamin B3 than peanuts, 36 times Magnesium than eggs, 25 times more iron than spinach, 7 times more vitamins than oranges, 4 times more calcium than milk and 4 times more vitamin A than carrots and 3 times more vitamin B than pork,” aniya pa.

“Sa malunggay ang inyong anak ay busog sa lusog, pati din ang mga magulang,” dagdag pa ni Marcos.

Ang livelihood project na inilunsad ni Marcos ay naglalayong magbigay din ng kita para sa mga benepisyaryo habang naka-lockdown sa bahay dahil sa Covid-19 pandemic sa bansa.

Leave A Reply