Banner Before Header

‘Mayor Kois’ hinamon sa debate ni Gadon!

“Ampaw” lang daw ang utak, “alaga” ng mga komunista

0 854
BAGAMAN “magkumpareng-buo,” tahasang hinamon ni Atty. Larry Gadon si Manila mayor, Isko ‘Mayor Kois’ Moreno, sa isang debate sa paniniwalang “ampaw” ang utak ng alkalde.

Sa kanyang ‘social media post’ noong Linggo, Setyembre 26, 2021, na agarang ‘nag-viral,’ kinastigo ni Gadon si Moreno dahil sa tinuran nito, sa bukod na panayam ng ‘Philippine Daily Inquirer,’ na “mababago” ang kasaysayan ng Pilipinas sakaling manalong presidente si dating senador, Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Una nang nagdeklara ng kanyang ambisyong maging pangulo ng bansa si Moreno noong Setyembre 22, 2021.

Bagaman wala pang pormal na pahayag, marami naman ang umaasa, kasama na si Gadon, na tatakbo ring pangulo ng bansa si Bongbong o ‘BBM’ kung saan makakatunggali niya si Moreno, Sen. Manny Pacquiao at Sen. Panfilo Lacson.

“Ikaw, Yorme, magkampanya ka kung ano ‘yung kaya mong gawin, huwag ‘yung maninira ka… tingnan ko nga kung ano ang utak mo eh, ampaw ka lang naman eh… Ikaw ay alaga ng komunista” — Gadon

Bukod sa paghahamon ng debate, tinawag din ni Gadon na ‘Iskomunista Jomagoso,’ si Moreno sa kanyang paniwala na ang alkalde ay “kandidato” rin ng Partido Komunista ng Pilipinas (CPP) na itinatag noon pang 1968 ni Jose Maria ‘Joma’ Sison.

Si Moreno ay bahagi ng ‘peace negotiating panel’ ng National Democratic Front/Communist Party of the Philippines sa ilalim ng nabigong usapang pangkapayapaan ng mga komunista sa administrasyong Duterte (see also Pinoy Exposé article, October 28, 2020; ‘Is Mayor Isko with government in fight versus terrorism?’).

“I am challenging Iskomunista Jomagoso to a debate on economics, food security, national security, foreign relations, Constitution, energy, etcetera,” pahayag pa ni Gadon sa media.

“I will prove, ‘ampaw’ ang utak mo!” dagdag pa nito.

Nawala ang pagtitimpi ni Gadon sa tinuran ni Moreno sa panayam sa alkalde ng PDI, dahil ani Gadon, ang mga Aquino at mga Dilawan ang totoong nagbago sa kasaysayan ng bansa upang palabasing masama si dating Pang. Marcos at ang batas militar.

“Ikaw, Yorme, magkampanya ka kung ano ‘yung kaya mong gawin, huwag ‘yung maninira ka… tingnan ko nga kung ano ang utak mo eh, ampaw ka lang naman eh…

“Ikaw ay alaga ng komunista… tumigil ka sa mga propaganda ninyo na ‘yan.

“Hinahamon kita, ilalampaso ko ‘yang utak mo… dahil ang utak mo, ampaw, hindi ka puwedeng presidente,” banat pa ni Gadon.

Leave A Reply