Banner Before Header

MGA ‘KALABAN’ KO BAKUNAHAN GAMIT ANG BAYONETA

Utos ni PDigong sa militar kapag may COVID-19 vaccine na

0 465

By Pinoy Expose News Team

INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar, sakaling magkaroon na ng bakuna laban sa COVID-19, na bakunahan ang kanyang mga kalabana gamit ang bayoneta.

Ginawa ni Duterte ang pahayag noong Huwebes sa Malacañang at inatasan ang militar na siyang manguna o mangasiwa sa immunization program kapag lumabas na ang gamot o bakuna laban sa coronavirus.

“Military ang tutusok sa iyo. Iyong mga kalaban ko, sabihin ko sa military, ‘Do not use the needle. Bayoneta ang gamitin mo,’” ang pahayag ng Pangulo sa pamamagitan ng state-run PTV nitong Biyernes.

Sinabi rin ng Pangulo na tatablahin sa libreng bakuna ang mga tulak ng droga para hayaan na silang mamatay kapag nahawahan ng nasabing sakit.

Ikinagalak naman ng AFP ang utos ng Pangulo na sila ang gawing ‘implementing arm’ sa COVID-19 vaccine program.

Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na tinatayang 20 milyong Filipino ang mabibigyan ng libreng COVID-19 vaccine.

May tatlo aniyang pharmaceutical companies mula sa China, isa sa Great Britain at isa sa US na nasa advanced stage na ng pagde-develop ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Dominguez, ang bakuna ay bibilhin sa pamamagitan ng Philippine International Trading Corporation sa ilalim ng Department of Trade and Industry at iti-turn over ang mga ito sa Department of Health. PE News Team

Leave A Reply