Banner Before Header

Walang away, walang intriga sa kampo ni Yorme Kois

0 357
MAS ‘winnable,’ mas kuwalipikado, mas lumalakas pa kaysa dati, mas popular sa mga katunggali, si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, yan ang sinasabi ng mga survey, kaya bakit siya aatras?

Top choice nga si Yorme Isko at mas malaki ang tsansa niya na manalo sa eleksiyon sa Mayo 2022.

Kung sinoman ang may pakana ng online clamor na bumitaw na si Yorme Isko sa karera sa Malakanyang, malinaw na nakakaamoy ng pagkatalo ang kanilang kandidato.

Shoot ba uli sa inodoro o iiyak sila at maglilitanya nang “Nadaya ako!”

#WithdrawIsko ay gawa ng mga binabangungot sa nalalapit nilang pagkatalo, sabi ng Aksiyon Demokratiko.

Eh, bakit nga paaatrasin eh malinaw mas pabor ang maraming botante na manguna si Isko sa pagbabangon sa bansa mula sa lugmok na kahirapan laban sa perwisyong gawa ng pandemya, bagsak na ekonomya at nakalulunod na pagkabaon sa trilyon-trilyong pisong  utang.

Kung ang mga kalaban ni Yorme ay di makaalpas sa awayang Marcos at Aquino at akusasyon at paninirang puri, mas pokus siya sa COVID-19.

“I-address muna natin ang life and livelihood, eh paano tayo magmo-move forward kung hindi tayo makababalik sa normal. Focus muna tayo sa pagtulong, focus muna tayo sa tao,” sagot niya sa panawagang umatras sa kandidatura.

Tama na mag-move-forward na at iwan muna ang mga Marcos, pero dapat “hindi tayo makalilimot sa nakaraan. We will always remember their mistakes and successes,” sabi niya.

Hindi siya makalilimot sa magagandang bagay sa nakaraan, at kanya pang idu-duplicate, babaguhin ang mali, upang pagandahin.

Kaya bakit magwi-withdraw, sabi nga ni Aksyon Demokratiko chairman Ernest Ramel.

Kung kailan naaamoy ang panalo, saka pa bibitaw si Yorme Isko?

***

Nitong Oktubre 13, pumalo na sa 2,596,791 ang naiturok na bakuna sa Maynila at 96.51 porsiyento ang  nakatakdang bigyan ng second dose ng bakuna.

Kararating lang ng 2,000 Remdisivir vials para maprotektahan ang masang Manilenyo at ito ang aasikasuhin ni Yorme kaysa sagutin pa ang mga bira na wala nang katuturan.

Ito ang mas iniintindi ni Isko, kasi mas unahin ang tao, sabi niya, at nang makabalik na tayo sa normal.

Sabi nga natin, hindi makukuha sa mababaw na retorika at paiyak-iyak at pa-FB-FB lang ang pagpapakita ng serbisyo publiko, lalo nang itinaas sa Alert Level 3 hanggang Okt. 31 ang Maynila laban sa COVID-19.

Kaya nga tama ang desisyon ni Yorme Isko na kuhaning katiket si Dr. Willlie Ong na isang expert cardiologist para siya ang maggiya sa bansa para makabawi sa pandemya at maisaayos ang programa sa serbisyong medikal na kailangang-kailangan ng lahat.

“I need a doctor to manage COVID-19,” sabi niya at tamang desisyon ito.

Para maibangon ang lakas ng bansa, dapat ligtas sa sakit ang mga Pilipino, at kung magkakasakit, mabilis na kilos para sa pagpapagamot.

Io-overhaul ni Dr. Ong ang programa ng Department of Health at ang PhilHealth na alam nating talamak sa anomalya at korapsiyon.

Si Dr. Willie ang “gamot” sa virus ng DOH.

Kasi raw, sabi ni Yorme, malaking oras ang nauubos niya sa pag-aksiyon sa problema ng pandemya sa Maynila.

Kung ito pa rin ang ookupa ng oras niya kung siya ang Pangulo, paano ang maraming problema ng bansa?

Nasa abnormal na panahon tayo, at nang mapag-usapan nila ni Doc Willie ang problema sa pandemya, ang dating balak na pagtakbong senador ay nagbago.

Mas naniwala si Doc Willie na makatutulong siya kung bise presidente at hahawakan niya ang problema sa pandemya at kalusugan ng bansa.

***

Hindi adhikang maghiganti ang vision ng Isko-Willie tandem kungdi ang gamutin ang mga sugat ng pagkawatak-watak.

Kaya Bilis-Kilos ang sigaw ng Aksiyon Demokratiko at nang makabangon na tayo sa krisis ng kabuhayan, banta ng kamatayan at ang pagbawi sa ekonomiya at mabigyan ng trabaho ang milyon-milyong Pilipino.

Ayaw na ayaw ni Yorme Isko na painugin ang mundo ng mga Pilipino sa awayan ng mga maka-Marcos at maka-Aquino.

***

May nang-iintriga na kaya raw nag-resign si Dr. Cesar Chavez na chief of staff ni Isko, kasi may bakbakan daw sa kuwadra ng alkalde.

Health reasons ang dahilan at may kailangang asikasuhin na ilang bagay sa kanyang pamilya si Chavez.

Ayaw makialam ni Yorme, lalo at ang lagi niyang sinasabi, unahin ang pamilya.

“Dahil sa pamilya niya, kaya, I respect that,” ani Yorme.

Desisyon ding personal ni Noli de Castro kaya siya umatras sa kandidatura bilang senador.

Walang pressure na anoman at personal reason daw iyon ng dating vice president.

Sinusuportahan niya ang desisyon ni Kabayang Noli, at hindi totoong kumalas ito sa Aksiyon Demokratiko.

Mas Ok raw siya na sumuporta sa partido kung mananatili siya sa media at brodkast, sabi ni De Castro.

Walang awayan, walang intriga sa kampo ni Yorme Isko, period!

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com).

Leave A Reply