Banner Before Header

Comm. Guerrero: paghahain ng kaso laban sa mga ismagler magpapatuloy

0 396
KAGAYA ng problema natin sa ‘vote-buying’ tuwing eleksyon, mahirap talagang patigilin ang ismagling sa bansa.

Hangga’t may mga tiwaling lingkod bayan ay tuloy ang ligaya ng mga ismagler.

Kahit sino pa ang pangulo ng bansa at hepe ng Bureau of Customs o BoC.

Mayroon pa ring magtatangkang magparating ng mga kontrabando.

Kaya tama ang ginagawa ni BoC Chief Rey Leonardo Guerrero.

Hindi siya tumitigil sa paghahain ng mga kasong kriminal laban sa mga taong hinihinalang sangkot sa ismagling.

Noon lamang Marso 12 ay kinasuhan ng BoC sa Department of Justice (DoJ) ang dalawa pang pinaghihinalaang ismagler.

Ito ang F. E R. N. Freight Enterprises at Primeace Corporation.

Kasama ring kinasuhan sa DoJ ang mga customs broker ng dalawang kompanya.

Ang F. E. R. N. ay kinasuhan ng diumano’y unlawful importation at misdeclaration ng mga branded na gamot at ointment.

Ang mga gamot at ointment, na nagkakahalaga ng P20.3 milyon, ay dumating sa MICP.

Ang Primeace naman at ang kanyang broker ay kinasuhan ng misdeclaration ng ibat-ibang printing equipment at materials na nagkakahalaga ng P2,062,475.

Ang kargamento ay dumating sa PoM noong Agosto 1, 2020.

Sa tingin natin ay makatutulong ng malaki sa anti-smuggling drive ang patuloy na paghahain ng kaso laban sa mga pinaghihinalaang ismagler.

Ang mga kaso ay inihain ng mga taga-BoC-BATAS (BOC Action Team Against Smugglers) sa ilalim ng tanggapan ni DepCom. Vener Baquiran.

***

Buo ang suporta ni BoC Chief Rey “Jagger” Guerrero sa “full implementation” ng ‘National Single Window’ (NSW) system sa bansa.

Ang NSW ay isang internet-based system “that allows parties involved in trade to lodge information and documents with a single entry point to fulfill all import, export and trade-related regulatory requirements.”

Ang NSW ay proyekto ng gobyerno na mandated ng Executive Order No. 482 na pinangungunahan ng BoC.

Si Customs Commissioner Rey Guerrero ang chair ng NSW-Technical Working Group (TWG).

Sa dalawang magkasunod na cluster meeting ng NSW-TWG, inulit ni Guerrero ang kahalagahan ng proyekto.

Sa isang pahayag, sinabi ng BoC na “(Customs Commissioner) Guerrero highlighted the importance of the trade regulatory government agencies (TRGAs) in the country’s pursuit to advance a single window environment.”

Ang NSW ay magsisilbing isang “reliable institutional platform for inter-agency collaboration.”

Dito nagkakaroon ng “exchange of trade data among the participating TRGAs.”

Dahil sa all-out support ni Commissioner Guerrero, marami ang naniniwala na maipapatupad ng buong-buo ang NSW system.

Siyempre, gaganda ang serbisyo sa Aduana.

***

Dapat matigil na ang paglobo ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.

Isang taon na tayong nagtiyagang sumunod sa mga health protocol.

Huwag natin sayangin ang mga sakripisyong nagawa natin.

Patuloy tayong sumunod sa mga protocol.

Kaunting tiis na lang.

Nandiyan na ang mga bakuna.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Leave A Reply