Banner Before Header

BoC-NAIA, ‘all-out’ laban sa iligal na droga

0 222
ALL-out ang suporta ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport sa kampanya ng pamahalaan  laban sa iligal na droga.

Kitang-kita ito sa ginagawa ng ‘Team BoC-NAIA’ sa pangunguna ni Collector Mimel Manahan-Talusan.

Ayon sa record, sa taong ito ay nagkaroon na nga ng 25 drug busts.

Sa kabuuan mula 2018 ay nakapagtala na ng 86 drug busts ang BoC-NAIA.

Kamakailan lang ay nakasakote na naman ang mga tauhan ni Collector Mimel ng tatlong parcels na naglalaman ng ecstasy at marijuana.

Ang ecstasy at high-grade marijuana ay nagkakahalaga ng P2 milyon.

Ang unang pakete ay naglalaman ng limang daang gramo ng ecstasy at 547 gramo ng marijuana.

Galing ito sa Netherlands at naka-consigned sa isang Mark Chavez ng Pasay City.

Ang pakete ay idineklarang naglalaman ng “gift and toys.”

Ang pangalawang pakete ay galing ng United Kingdom ay naglalaman ng kush marijuana.

Walang pangalan ang consignee na  nakatira daw sa Marikina City.

Deklarado itong naglalaman ng “adult toys.”

Ang pangatlong pakete ay naglalaman naman ng 500 piraso ng ecstasy.

Walang shipment details ang parcel pero naka-consigned ito sa isang taga-Cebu City.

Ang mga droga ay isinalin sa pangangalaga ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Kagaya ng ibang frontliners, hindi alintana ng mga taga-BoC-NAIA ang banta  ng Covid-19.

Ito ay upang hindi makapasok ang mga kontrabando sa bansa, lalo na ang mga iligal na droga.

Pero sinisiguro ng mga tauhan ni Collector Mimel na sundin ang lahat ng health protocols.

Alam nila ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask, pag-observe ng social distancing, paggamit ng alcohol, at palagiang paghuhugas ng kamay.

***

Naka-isang taon na sa puwesto ang mga nanalong opisyal noong nakaraang eleksyon.

Sa mga lokal na opisyal, pitong pangalan ang naging matunog.

Hindi natin sinasabing hindi magaling ang ibang mga lokal na opisyal.

Kaya lang ang pito ay laging nasa balita dahil sa magkakaiba nilang estilo nang pamamalakad, na ikinagagalak ng kanilang nasasakupan.

Ito ay sina Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, Davao City Mayor Sara Duterte Carpio, Baguio City Mayor Benjie Magalong, Makati Mayor Abigail Binay, Pasig City Mayor Vico Sotto, Taguig City Mayor Lino Cayetano at San Juan City Mayor Francis Zamora.

Mabuti naman ‘yan para lagi silang alerto, lalo pa nga at nandiyan, at magtatagal pa, ang Covid-19.

Medyo angat lang si Mayor Isko dahil bukod sa dating artista, siya lang sa pito ang dating basurero na naging matagumpay dahil sa kanyang mga “sterling qualities.”

At huwag natin kalimutan na ang bulto ng ating populasyon ay mga mahihirap, na karamihan ay nasa Maynila.

***

Bakit ba maraming bata ang hindi pa nagpapa-enroll hanggang ngayon?

Takot ba ang mga magulang dahil nandiyan pa ang nakakamatay na Covid-19,

o alam nilang magastos ang online education?

Isa pa, may matututunan kaya ang mga bata kapag wala sila sa loob ng klase?

Kaya naman marami pa rin ang nananawagan na huwag munang buksan ang mga klase.

Malaking problema talaga ang kinakaharap ng Department of Education.

Mahirap pa niyan, bukod sa nga Internet dead spot, ngayon pa lang ay sobra na ang bagal ng internet dahil sa dami ng gumagamit.

Eh, papaano kaya kapag nag-umpisa na ang online classes?

Pano na ‘yan, DepEd Secretary Leonor Briones?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email: vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).

Leave A Reply