Banner Before Header

AEO Program ng PH at China

0 163
BATAY sa nabanggit ni BoC Commissioner Yogi Filemon Ruiz, malapit ng matapos ang libreng pagdedeliver ng Bureau of Customs sa mga pamilya ng overseas Filipino workers (OFW) ng mga abandonadong “balikbayan boxes.”

Ang mga “balikbayan boxes” na ito ay nasa ibat-ibang collection districts na sa buong bansa para mapadali ang pag-deliver o pagkuha ng mga recipients sa kani-kanilang shipment.

Matatandaan na bago pa man mag-Pasko ay sinimulan na ng BoC na  i-deliver ang mga boxes na ito na inabandona ng mga “unscrupulous consolidators” sa labas ng bansa.

Ang problema lang ay may mga recipient ng “balikbayan boxes” na nakatira sa mga liblib na pook.

Pero sinisikap ng mga taga-BoC na mai-deliver lahat ng “balikbayan boxes” para ma-kumpleto ang kaligayahan ng mga mahal sa buhay ng ating mga kababayang nagtatrabaho sa labas ng bansa.

Ang mga taga-Port of Clark nga ay 69 boxes na ang nai-deliver nila sa Pampanga, Bulacan, Tarlac, Nueva Ecija at Aurora.

Ang recipients ng “balikbayan boxes” ay puwedeng i-claim ang kanilang mga “regalo” galing abroad sa mga collection districts.

Kagaya ng ibang opisina ng gobyerno, ang mga collection districts ng ahensiyang pinamumunuan ni Commissioner Ruiz ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes (8 a.m.-5 p.m.).

Ang libreng pag-deliver ng abandonadong “balikbayan boxes” sa recipients ay pagtalima sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. kay Sir Yogi Ruiz.

Mabuhay kayo, Pangulong Marcos at Commissioner Ruiz.

***

Kamakailan ay pinirmahan ng Pilipinas at China ang Mutual Recognition Arrangement (MRA) “on the Authorized Economic Operator (AE0) Program.

Naganap ang pirmahan nang bumisita si Pangulong Marcos sa China noong Enero 3 hanggang Enero 5, 2023, kung saan kasama sa delegasyon ang ating customs chief at finance secretary Ben Diokno.

Sa harap nina Pangulong Marcos at Chinese President Xi Ping ay pinirmahan nina Commissioner Yogi Filemon Ruiz at China Minister of Customs Yu Jianhua ang MRA.

Ang AEO program “is a partnership pursued globally by customs administrations to secure and facilitate trade,” ayon sa isang kalatas ng BOC.

Sa ilalim ng nasabing programa ay nabibigyan ng insentibo ang mga “traders working jointly with customs administrations to improve supply chain security.”

“The parties will develop an implementation plan for the recognition, trade facilitation benefits, and exchange of information before its implementation six months from the signing,” BoC said.

Marami ang naniniwala na malaki ang magagawa ng pinirmahang kasunduan para lalong mapaganda ang “trade relations” ng Pilipinas at ng higante nating kapitbahay.

Ang totoo niyan, ang China ang pinakamalaking “trade partners” ngayon ng ating bansa.

Kaya dapat lang na maging “smooth” ang export at import transactions sa pagitan nila.

***

Kailangan nating huwag magpakampante kahit na nakontrol natin ang “spread” ng nakakatakot na coronavirus disease (COVID-19).

Sa tingin ng marami, kasama na tayo, hindi na kakayanin ng mga otoridad na magbigay ng mga ayuda kung magkakaroon muli ng “surge of COVID-19 cases.”

Nagkautang-utang ang gobyerno sa labas ng bansa dahil sa laki ng ginastos nito para lang ma-address ang mga problemang dulot ng epidemyang ito.

Kaya, tumulong tayong lahat sa gobyerno para huwag kumalat muli ang COVID-19.

Iwasan natin ang mga bagay-bagay na puwedeng  pagsimulan ng “breakout” ng iba’t ibang nakakamatay na sakit, lalo na ang mga madaling makahawa.

Kung maaari lang ay huwag natin tigilan ang pagsusuot ng maskara kahit hindi na ito sapilitan at regular na paghuhugas ng kamay.

Tama ba kami, officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire ng Department of Health?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/rmail: tingnannatin08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).

Leave A Reply