May mga bansa na dito sa ating rehiyon – ang Timog Silangang Asya– ang isa-isa nang bumibili o nag-oorder ng mga bakuna mula sa Tsina.
At ngayon ngang Enero 13, 2021, ang Indonesia na may pinakamalaking populasyon sa buong rehiyon ay magsisimula ng magturok ng bakuna sa mga mamamayan nito.
Ang kanilang Pangulo, si Joko Widodo, ang siyang unang babakunahan sa Jakarta, sentro ng Indonesia. Susunod ang ibang rehiyon sa Enero 14 at 15 gamit ang bakuna ng SinoVac Biotech ng Tsina.
Matatandaan na ang Indonesia ang matinding tinamaan ng COVID19 sa SE Asia, na may 779,548 ang nagkasakit at 23,109 na ang namatay.
Kamakailan lamang, may 7,445 ang nagka-COVID19 at 198 ang nasawi sa loob lamang ng 24 oras, ayon sa kanilang mga awtoridad.
Katulad din sa ibang bansa, may mga Indonesians ang nag-aalangan magpa-bakuna sa ilang kadahilanan gaya ng kung ito ba ay ligtas, epektibo at walang halong karne ng baboy.
Mahalaga ang huling salik dahil 87 porsiyento ng 273 milyong Indonesians ay Muslim.
At mauuna nang magpaturok si Widodo at kasunod ang ibang opisyal ng pamahalaan upang mahikayat ang kanilang mamamayan na ito ay ligtas.
Ang Bio Farma ng pamahalaang Indonesia at Sinovac ng Tsina ay nakatutok sa huling yugto ng pagsubok (third phase; clinical trial) ng bakuna sa Western Java. May 760,000 na dosis ng bakuna galing Sinovac ang napamahagi na sa 34 probinsiya mula noong Martes, Enero 5, 2021.
Sumunod ang Thailand na kumuha ng bakuna sa Sinovac Biotech Ltd. Ng Tsina na nahahati sa 3 bahagi (batches) una sa Pebrero – 200K, may 800K naman sa Marso at 1 milyon sa Abril.
Marami pang mga bansa ang kumuha na rin ngg bakuna mula sa Tsina, sa Europa, Gitnang Silangan hanggang sa Timog Amerika. Mukhang sasakupin ng mabisang bakuna ng Tsina ang mga kontinente ng mundo.
***
Sa kabilang banda naman, may mga hindi magandang reaksyon o side effects ang bakuna ng Pfizer laban sa COVID19. Sa ulat ni Peter Marks, director ng Center for Biologics Evaluation and Research ng FDA-USA, nagbabala sila sa mga tao na may allergic reactions sa mga sangkap na nasa Pfizer at Moderna.
Ang sabi ni Marks ang sangkap na polyethylene glycol (PEG) at lipid (fat) ay mga sangkap ng mga bakuna ng Pfizer/Moderna na posibleng sanhi ng allergy.
Batay sa MIT (Massachusetts Institute of Technology) – “PEGs are basically tiny, greasy spheres that are used in COVID vaccines to protect the active ingredient (mRNA) and help it penetrate cells. It is within cells that the mRNA can go to work priming the immune system.
PEGs have also been confirmed to cause allergic reactions in rare cases, but how rare is not known.
PEGs, a class of macrogols similar to polysorbates, are widely used compounds in medicines, foods, and cosmetics and are generally referred to by their molecular weights, e.g. PEG-2000.”
Masalimuot ang paggawa ng mga bakuna lalo na kung may pressure sa oras at panahon na kailangang-kailangan na.
Buong mundo ang naghihintay ng mabisa at murang bakuna na may maliit na tsansa na magdudulot na masamang side effects.
Lumalabas na ang bakuna ng Tsina pa lang ang pasado sa nakararami na nakasubok na nito.
(Samahan si Ka Mentong Laurel at mga panauhin sa “Power Thinks” tuwing Miyerkules @6pm Live Global Talk News Radio (GTNR) sa Facebook at sa Talk News TV sa You Tube; at tuwing Linggo 8 to 10am sa RP1 738khz AM sa radyo.)