Banner Before Header

Ang BOC-IU ’10-minute rule,’ hehehe!

0 289
MARAMI sa ating mga miron sa pantalan ang naiiyak, ehek, natatawa na lang, sa ipinagyayabang na ‘10-minute rule’ nitong karagdagang burukrasya sa BOC para mamerwisyo, agh, mag-eksamin ng mga kargamento, ang ‘Inspection Unit’ (IU).

Ang IU ay sinasabing nasa ilalim ng ‘Enforcement Group’/Customs Police (EG-ESS).

Kung bakit naman itong ating kaibigan na si DCI (deputy commissioner for intelligence) Ranier Ramiro ang nagiging ‘spokesman,’ ayy, “tagapagtanggol” nitong IU, samantalang dapat ay si DCE Atty. Teddy Raval o ESS director Yogi Filemon Ruiz, eh, bakit nga ba, hehehe!

Nang matanong pa nga natin siya kung ano ba ang “silbi” nitong IU sa ilalim ni POM ESS commander, Atty. Gilbert Ordoña, eh, ‘na-impress’ naman tayo na kahit paano, Comm. Jagger, ay may “kontribusyon” naman pala sa ‘anti-smuggling campaign’ mo itong IU, kaya, yeheyy!

Ang patunay dito, aniya, yun palang higit P32.7 milyon na sigarilyo na nahuli sa MICP noong Hulyo 2, ‘accomplishment’ pala ito ng IU, kaya, “mahusay,” hindi ba, kasamang William Depasupil ng Manila Times?

At marahil, ARTA director general, Atty. Jeremiah Belgica, agaran din na ipinaalam nitong IU kay Comm. Jagger na sa libo-libong ‘container vans’ na dumarating sa POM at MICP bawat linggo, 10, as in SAMPU, ang napagbayad nila ng “ADTs”—additional duties and taxes, bwahaha, ayy, yeheyy!

***

Ayon pa rin sa ibang mga kaibigan natin sa pantalan, hindi lang para mabigyan ng ‘job description’ at ‘ma-justify’ ang suweldo ng kanilang mga kasamahang dating militar na ngayon ay nasa Aduana na rin, ang ‘vision’ ni Comm. Jagger para dito sa IU.

Anila pa, ang “plano” para sa IU ay ‘random inspection’ LANG ng mga kargamento.

Naisip tuloy natin na talagang “magaling” din itong ating kaibigan na si Comm. Jagger dahil malinaw na ‘counter-balance’ itong IU sakaling magtangkang “palusutan” siya ng mga “beterano” d’yan naman sa Assessment Division at kahit nang mga “beterano” pa rin d’yan sa XIP.

Ang paniwala pa ni DCI Ranier, halos wala nang ‘human intervention’ sa “pagpili” ng mga ‘shipment’ na aabalahin, ayy sus, dadaan sa ‘spot checking’ nitong IU, dahil ang ‘selection’ ay dumaraan na rin dito sa ‘automated selectivity system’ o ‘computerized’ na rin. Ito ang paniwala niya, dear readers, marahil batay na rin sa mga boladas, err, paliwanag sa kanya, ng kanyang mga tauhan.

At kung naniniwala rin sila ni Comm. Jagger sa sinasabing ‘10-minute rule’ para sa ‘spot checking’ ng IU sa ano mang kargamento kaya hindi masasabing nagkaroon ng ‘delay,’ eh, di… wow!

Ayy, pasensiya na, mga “bosing,” kayo lang yata ang naniniwala dyan, hehehe!

Dangan kasi, paano masasabing malapit sa katotohanan ‘yang ’10-minute rule’ samantalang “pag-aayos” pa lang ng isang container, partikular ngayong may pandemya, “suwerte” kung magawa sa loob ng kalahating araw?

At paano rin maniniwala ang mga miron na hindi ‘selective’ itong IU sa mga shipment na peperwisyuhin, ayy, dadaan sa kanilang ‘spot check,’ samantalang may mga consignee na kada buwan—yes, Comm. Jagger—kada buwan, isinasalang nila sa inspeksyon eh, isang klase lang naman ng kargamento ang dumarating, aber?

At hindi pa nakuntento, ginawang ‘every 2 weeks’ ang inspeksyon ng IU!

Hindi pa rin nakuntento, ginawang ‘every week’ at ngayong linggo, nalaman pa natin, lahat ng dumating na shipment, aba’y hold” na lahat!

Asan ang ‘random selection’ d’yan, DCI Ranier, Sir?

Mainam siguro, “ipaayos” ng BOC itong ‘Selectivity’ dahil parang may problema sa sistema—palaging may “tama” ang mga consignee na mistulang “trip” lang nila, hehehe, ayy, huhuhu!

Ang masakit pa, walang inilagay na ‘container number’ kaya ano ang mangyayari?

Eh, di… LAHAT ng dumating na container, “sasalain” nitong IU, hindi ba, kasamang Rey Domingo? Eh, ilang oras yan, bago matapos?

Kaya ang tanong: “Makatotohanan” ba ‘yang 10-minute rule’ na ‘yan?

Sagot ng mga miron: Ang maniwala d’yan, “may problema,” hehehe!

Ang suspetsa naman ng iba, “bobo” raw yata itong mga “napag-iinitan” ng IU?

Hindi raw ba sila marunong “makahalata?”

Aber, ang Davao Group ba at iba pang mga “pinagpala,” “inaabala” ba ng IU? Oo nga naman, hindi ba, Mr. Michael Y?

Anila pa, sa mistulang “pamemersonal” nitong IU sa mga “walang kapit” na consignees at brokers, dapat “alam na this,” hindi ba, hehehe!

O sige, magkan, err, paano ba, ang dapat nilang gawin, hane?

Bukas naman ang pitak na ito sa paliwanag ninyo, mga bosing.

Abangan!

Leave A Reply