AYON kay Dr. Anthony S. Fauci, ang kilalang Amerikanong Immunologist at kasama sa White House Task Force on COVID19, ang China noon pa man sa Wuhan episode ay nagsagawa na ng mga pagsusuri at ginamit nila ang pagkakasunud-sunod (sequence) batay sa mga datos kaya sa ngayon hindi na kailangan kumuha ng sampol ng COVID-19 at ‘(genetic) sequence’ na lang ang kailangan upag mapag-aralan ito ng husto.
Matatandaan na noong mga nakaraang linggo ng buwan ng Enero ngayong taon, ang mga laboratoryo sa buong mundo ay nag-umpisa nang lumikha ng bakuna laban sa COVID19, isang pandemya na kumitil at patuloy na pumapatay sa milyun-milyong tao sa daigdig. Ngayon ay nalalapit na tayong makalikha ng bakuna.
Sa mga nakalipas na ilang linggo ay may mga ulat na mula sa iba’t ibang antas ng bisa ng mga bakuna galing sa US – Pfizer (90 porsiyento) at Moderna (95 porsiyento), Russia– Sputnik V (92 porsiyento) at ayon kay Zhong Nanshan ng China, ang bakuna nila ay 90 porsiyento na epektibo.
Dalawang pamamaraan ang ginagamit sa paggawa ng bakuna: classical at new platform.
‘Yung classical ay nasubukan na sa mga huminang virus o hindi na aktibo, at ang new platform ay gumagamit ng DNA o mRNA, mas mabilis at epektibo pero ang mga pangmatagalang epekto sa mga babakunahan ay inaalam pa ng mga siyentipiko.
Sa gitna ng mga paglikhang isinasagawa sa mga bakuna ay nahaharap naman sila sa kung paano ang pag-iimbak at ang kailangang temperatura at ang itatagal nito habang nakaimbak (shelf life). Ang temperatura ng bakuna sa pag-iimbak ng Pfizer ay ‘minus’ (-) 20 antas Celsius at ang Moderna ay “-70” antas Celsius subalit hindi rin puwede na magamit kaagad ng “bultuhan” (volume) kahit sa US dahil 6 na buwan lang ang shelf life nito.
Ayon sa pag-aaral ng CoronVac, ang mga bakuna ng Tsina – ang Sinoharm at CanSino Biologics– ay may normal na temperaturang 2 hanggang 8 antas Celsius at tatagal ng tatlong taon kaya ito ay praktikal na naaangkop sa Pilipinas.
Habang ang Sputnik V ng Russia ay kailangan ng -18 antas Celsius (cold storage) pero gumagawa sila ngayon ng “freeze-dried” na medyo matatagalan pa.
Ang presyo ng mga bakuna laban sa COVID-19 ay mahalagang konsiderasyon para sa mga umuunlad na bansa katulad ng Pilipinas.
Dahil nasa unang yugto ng paglikha pa lang ang mga bakuna, ito ay napabalitang nagkakahalaga ng $30 – $70 sa isang dosis (dose) at 2 dosis ang kailangan bawat isa.
Ang bakuna ng US ay magtataas pa ng presyo dahil naubos na ang pondo ng kanilang gobyerno para sa bakuna.
Ngunit ang pamahalaan ng Tsina ay nangako na magpapamahagi ng kanilang bakuna sa mga umuunlad na bansa sa mas murang halaga para sa ikabubuti ng nakararami. Kasama pa ang alok na pautang o loan package.
Salamat sa Tsina at magkakaroon ng pag-asa sa muling pagbangon ang mga umuunlad na bansa kagaya ng Pilipinas na sinalanta pa ng mga malalakas na bagyo.
Ang pagkakamit ng bakuna para sa mabilis na pagbawi upang makausad sa praktikal at murang halaga ay nariyan mula sa ating kaibigan na may puso at may makataong pamahalaan – ang Tsina.
Lahat ng mga ito ay naging posible dahil sa ‘independent foreign policy’ ni Pang. Duterte kaya salamat po Mr. President!
(Join: “Power Thinks” with Ka Mentong Laurel and guests; Every Wednesday and Saturday 6pm Live on Global Talk News Radio (GTNR) on Facebook and Talk News TV on YouTube)