Banner Before Header

BoC performance, gumanda sa liderato ni Comm. Guerrero

0 268
KAILANGAN na lang makakolekta ang Bureau of Customs ng P9l.3 bilyon sa nalalabing dalawang buwan ng taon para makamit nito ang kanyang target collection sa 202l.

Umabot na kasi ng P525.4 bilyon ang koleksyon mula Enero hanggang Oktubre.

Ayon kay BoC Chief Rey Leonardo Guerrero, malaki ang naitutulong ng fuel marking program para gumanda ang collection performance ng ahensya.

Alam kasi kaagad kung hindi ipinagbayad ng buwis ang itinitindang gasolina at iba pang produktong petrolyo sa merkado.

Lahat ng mga produktong walang marka ay mga puslit at dapat kumpiskahin ng gobyerno at kasuhan ang mga may-ari.

Nandiyan din ang post-audit ng mga importer na isinasagawa ng BoC.

Dahil sa post-audit, nakakolekta ang BoC ng dagdag na Pl.4 bilyon sa unang sampung buwan ng taon.

Pinaigting din ang kampanya laban sa ismagling.

Mula Enero hanggang katapusan ng Oktubre ay umabot ng P23 bilyon ang halaga ng nakumpiskang puslit na produkto,

Ito ay malaki pa sa P20.6 bilyon at P10.6 bilyon na nakumpiska sa buong taon ng 20l9 at 2020, ayon sa pagkakasunod.

Nakapagsampa rin ang BoC ng 87 kaso laban sa mga pinaghihinalaang ismagler sa Department of Justice.

Hindi lang ‘yan ang nagawa ng BoC nitong nakalipas na sampung buwan.

Binawi rin ang accreditation ng 590 erring importers at l9l customs brokers.

Marami ang natutuwa sa ipinapakitang sipag ng mga opisyal at kawani ng BoC.

Ito ay sa kabila ng patuloy na pagragasa ng pandemyang COVID-l9 sa bansa.

Hindi alintana ng mga tauhan ni Commissioner Guerrero ang maaaring mangyari sa kanila sakaling mahawa sila ng nakamamatay na sakit sa pagganap ng kanilang tungkulin.

Ang sa kanila, kailangang magampanan ang kani-kanilang tungkulin.

Nagpapasalamat nga sila kay Pangulong Duterte dahil sa patuloy nitong ”trust and confidence” kay Sir Jagger.

Naniniwala sila na mananatili sa puwesto si Sir Jagger hanggang sa matapos ang termino ni PRRD.

Matatapos ang anim na taong panunungkulan ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30, 2022.

***

Mabuti naman at isinusulong na ang panukalang “tandem vote” para sa presidente at bise presidente.

Ang ibig sabihin nito, ang boto para sa pangulo ay boto na rin para sa kanyang bise presidente.

Ito ay para maiwasan ang sitwasyon na ang pangulo at pangalawang pangulo ay galing sa magkaibang partido.

Kagaya na lang nang nangyayari kina Pangulong Duterte at VP Leni.

Dahil hindi magkapartido, lagi silang nagbabangayan.

Kaya mas mainam na mabago na ang Saligang Batas para payagan na ang tandem vote.

Gayahin natin ang Estados Unidos para maiwasan na ang bangayan ng presidente at bise presidente.

Suportado ng taumbayan ang panukalang ito ni Senador Win Gatchalian.

Kung pwede nga, ibalik na sa two-party system para hindi ganyan karami ang kandidato.

Sa ganitong paraan, makasisiguro tayo na angkop sa puwesto ang ihahalal nating mga opisyal ng bansa.

Tama ba, mga kabayan?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #(0969) 0377083/email: tingnannatin08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Leave A Reply