Banner Before Header

Comm. Rubio: Ismagler ng asukal, sigarilyo, kakasuhan!

0 289
SA bisa ng mabigat na utos ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Bienvenido ‘Bien” Rubio laban sa ismagling, limang kargamento ang natuklasang may ipinuslit na asukal at sigarilyo, na sa tantiya ay nagkakahalaga ng P90-milyon.

Natuklasan ito ni Comm. Rubio, kasama si Intelligence Group (IG) Deputy Commissioner Juvymax Uy at Manila International Container Port (MICP) District Collector Arnoldo Famor sa ginawang pagbusisi sa mga kargamentong nasa MICP nitong Biyernes, Pebrero 17, 2023.

Nanggaling ang kontrabando sa Hong Kong at China, ayon sa pagsusuri ng Customs Intelligence and Investigation Service-MICP (CIIS-MICP) na agad na nagpaisyu ng Alert Orders laban sa kargamento.

Sa pagkakumpiska sa kontrabando, tiniyak ni Rubio na laging alisto ang BoC laban sa mga ismagler na nais maglagay sa peligro sa kabuhayan at kalusugan ng mamamayang Pilipino.

“I’d like to assure everyone that we are equally relentless in our efforts to keep our borders secure from these smuggling activities,” sabi ni Comm. Rubio.

Lahat ng pagkilos laban sa ismagler ay ginagawa ng ahensiya, sabi pa ni DepCom Uy at lahat ng kargamentong pumapasok ay mahigpit na isinasailalim sa monitoring.

Hindi papayagan sa liderato ni Comm. Rubio ang pagpasok ng mga ilegal na produkto, sabi ni Uy, kasunod ang babala sa mga kontrabandista/iligalista na hindi tumitigil ang Customs sa paglaban sa kanilang iligal na gawain.

Ipinadala na sa Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) ang lahat ng rekord ng kinumpiskang kontrabando para masampahan ng mabibigat na kaso sa korte.

***

Patunay ng masigasig ang operasyon ng BoC laban sa ilegal na droga, nasabat ng pinagsama-samang lakas ng BoC-Ninoy Aquino International Airport (BoC-NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang isang balikbayan box na natuklasang may lamang ‘kush marijuana’ na nagkakahalaga ng P16.8 milyon.

Isang uri ng high-grade marijuana ang kush na kinumpiska sa Pair Cargo Warehouse sa Pasay City, kasunod ang pagkadakip sa consignee sa operasyong ginawa kamakailan sa Antipolo City, Rizal.

Idineklarang personal effects ang laman ng balikbayan box na dumating sa NAIA mula California, USA.

Sa examinasyon ng PDEA, natuklasang mapanganib na droga ang kush na labag na ipasok sa bansa, ayon sa Republic Act (RA) 9165, also known as the Anti-Illegal Drugs Act.

Mabibigat na kasong paglabag ang haharapin ng consignee sa paglabag sa RA 9165 at sa RA 10863 or the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Sa liderato ni Customs Comm. Rubio, tiniyak na patitindihin at palalakasin ang kilusang laban sa ismagling at ang pagdakip, at pagpaparusa sa mga lalabag sa batas laban sa ilegal na droga at batas ng Aduana.

***

Nagbabala ang PhilVocs na posibleng mangyari ang pagguho ng mga gusali sa Metro Manila tulad ng nangyari sa Turkey at Syria na daan libo na ba ang namatay?

Naalaala ko yung balita noong Agosto 2, 1968 nang bumagsak ang Ruby Tower sa kalye Doroteo Jose, Santa Cruz, Manila.

Parang karton na nalukot ang Ruby Tower sa tama ng 6.2 lindol, na nakitang mahina ang mga semento, bakal at pundasyon nito.

Kaya sana, ngayon pa lang, e mag-inspeksyon na ang mga building officials at engineers ng mga LGUs, at susmaryosep, mahirap nang maghukay ng buhay pa at patay na pag may mga gumuhong bahay, tulay, gusali pag dumanas tayo ng lindol na gaya nang nangyari sa Turkey.

Kundangan kasi, kahit mahina ang poste, kulang sa timpla ng semento at mahina ang bakal, okey lang sa korap na gin-gineer at matatakaw sa alak at pulutang builders.

***

In two-year times, magiging ‘sufficient’ na raw tayo sa bigas at iba pang agri products, sabi ni PBBM, kasi aayusin na ang lahat ng programa, ayuda sa mga farmers at fishermen at livestocks raisers natin

High breed na palay ang gagamitin at ang irrigation system ay aayusin, at magtatayo ng cold storage sa mga probinsiya, at mismong gobyerno na ang mangangasiwa sa trading ng agri products.

At magiging sobrang higpit na ang Department of Agriculture (DA) at ang Bureau of Customs laban sa mga ismaglers at hoarders ng imported agri products.

Buo ang tiwala ng pitak na ito kay Comm. Bienvenido Rubio na magagawa niyang sugpuin ang ismagling at korapsiyon sa Aduana.

At magawa lang na maging P20 kada kilo ng bigas, magmura ang GG, tilapya, at iba pang isda, karne at manok, , tama nga ang desisyon ng 31 milyon plus na iboto ang ating Pangulong BBM.

Maligayang pagbabasa sa inyong lahat!

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com).

Leave A Reply