Banner Before Header

Dapat laging may proteksyon ang kalusugan ng mga Pinoy

0 254
SALAMAT at hanggang ngayon, our country is still – up to now – breathing and trying hard to survive.

Maraming salamat sa mga bilyong dolyares our bayanis, the OFWs are sending to their families here that we have the dollars to make our economy going.

Kung hindi dahil sa mga bayaning ito, malamang lumpong-lumpo na ang ating ekonomiya.

The Duterte government has promised time and again that it will give millions of jobs… but where are those works? Nada. Nothing.

Kaya hindi po rin natin masisi ang iba: “Mas nakatatakot manatili sa Pilipinas, dito mamamatay rin kami at ang pamilya namin … sa gutom!”

Still despite the threats of rape, maltreatment and death, our Pinay maids, nanny, domestics, are lining up at the POEA and other Middle East countries embassies para makakuha ng working visa.

“Kahit impiyerno magtrabaho sa Middle East, titiisin ko… mas impiyerno dito sa ating bansa!”

Ano ang madalas na sinasabi ng pamahalaan sa tugon ng mga pobreng manggagawa? Ang sagot: “Ginagawa po namin ang lahat ng paraan.  Magtiis po lamang tayo at makaaahon din po tayo.”

Puro mga salita. Big words.

Meron akong nakilala, an old man na ganito ang pagkasabi sa wikang Ingles: “You know what is the correct definition of a crazy man?”

He continued: “A crazy man is one who always do the same thing a thousand times in the hope that the result will not be the same disaster.

“That is what we do, every election year. We vote in the hope that the leaders we put in power will do us good service. Pero iyun at iyun din ang nangyayari. We always f—k ourselves to death. Di ba kabaliwan yun?”

Crazy we are indeed. That’s why we called our system – “demo-crazy,” democracy!

Bukod tanging nagsasalba ng ating ekonomiya ay ang balikbayans, our DHs, our anak, our nanay, our tatay, lolo, lola abroad facing deaths every single minute in order that they will be able to send us precious dollars to buy us food, medicine, tuition for our schooling and for our luxuries.

Mahalin natin sila… ‘Wag nating sayangin ang kanilang paghihirap. Huwag nating biguin ang kanilang mga pangarap.

***

Sinasabi ng Bureau of Customs (BoC), mahigit sa 90 porsyento ng import dairy and meat products from China were covered by import permits issued by the Bureau of Food and Drugs and the Bureau of Animal Industry.

Ibig bang sabihin, kung may nakalulusot na contaminated meat at dairy products, walang kasalanan ang BoC, ganun?

Sa unang tingin – parang ganoon nga, dahil nga, may permit ang marami sa mga inaangkat na mga produktong karne, gatas at iba pa.

Kung may permit, walang magagawa ang mga opisyal ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero kungdi i-release ang mga kargamento, dahil may legal na papeles, at ipinagbabayad naman ng tamang buwis.

Ito ay kung “malinis” ang mga dokumento, walang hokus-pokus ang mga papeles, permit at iba pang dokumento.

Ganun nga ba, mga suki?  Na kung may may legal na dokumento – lusot na?

***

Kahit na nga may legal, nasa maayos at ayos na ayos ang mga dokumento, dapat ay maging istrikto rin ang mga opisyal at tauhan ng Customs.

Kasi po, minamahal nating mambabasa, kaya po mayroon tayong Customs laws sa pagpasok at paglabas – sa bansa – ng mga kargamento, mga produkto at iba pa ay upang maproteksiyonan ang kalusugan at ilayo sa panganib ang mamamayang Pilipino.

Ibig sabihin, kung sinusuring mabuti ang mga kargamento, kahit na may mga papeles at legal documents ang mga ito, at naipagbayad ng correct taxes and duties, dapat pigilin, kumpiskahin kung may iba pang regulasyon na nilalabag.

Inyong mapapansin, maraming produkto na galing sa China – na kuno ay may permit from BFAD at BAI – ay ano po: nakasulat ang mga markings o palatandaan ng manufacturers, mga contents at iba pang impormasyon sa kung paano ito ginawa at sinangkapan, sa wikang Mandarin o Cantonese o Fookien.

Mga lengguwahe marami sa atin ay hindi nauunawaan kung ano ang kahulugan ng markings na iyon.  And according to what I know, may karapatang pigilin ang mga ganitong produkto at kung makitang okay naman, matapos na maisalin sa wikang English o Filipino ang markings at makitang ‘ligtas, safe at walang peligro o panganib sa kalusugan ng iinom o kakain ng produktong angkat.

At kasunod niyon, dapat ay may five percent duty pa sa mga produktong nakasulat sa foreign markings na hindi nakasulat sa English o wikang naiintindihan ng consumer.

***

Saka, ang pagkaalam natin, foodstuff shipment should be subjected to 100 percent (repeat: 100 percent) physical examination in the presence (repeat, in the presence) of BFAD and BAI representatives.

Kaya kailangan ang mga kinatawan ng BFAD at BAI bago payagang mailabas ang mga kargamentong pagkain at dairy sa layuning matiyak sa pamamagitan ng laboratory tests na walang sangkap na anumang toxic elements, kemikal na mapanganib sa kalusugan ng publiko, lalo na sa tumatangkilik (consumers) ng mga produktong gawa o yari sa China.

Dapat ay laging pro-active ang mga ahensiya ng pamahalaan,  sa halip na “reactionary” o kumikilos lamang matapos mangyari ang panganib at may namatay na.

The other mandate ng BoC, BFAD at BAI ay proteksiyon ng consumer, ng mga mamamayang Pilipino at ang kaligtasan ng Republika. Iyon po.

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com).

Leave A Reply