Banner Before Header

Eleazar, para sa kapakanan ng bayan at mamamayan

0 292
KUNG pagbabatayan ang popularidad at imahe ng isang lingkod-bayan, sigurado na ang panalo ni dating PNP Chief Gen Guillermo Lorenzo T.Eleazar sa darating na 2022 election.

Si Eleazar, na tubong Tagcauayan, Quezon, ay kandidato sa pagka-senador sa May 9, 2022.

Kasama siya sa senatorial ticket nina Sen. Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto.

Noong siya ay nasa Philippine National Police pa ay mabangong-mabango ang pangalan ni Sir Guilor, lalo na sa mga peryodista, taga-radyo at telebisyon.

Sa totoo lang, isa siya sa mga tinaguriang “darling of the press” sa bansa.

Kahit noong hepe na siya ng PNP, hindi nagbago ang ugali, prinsipyo, paninindigan ni Eleazar.

Nanatili siyang “fair and just” sa kanyang mga desisyon.

Kaya naman lalong bumilib sa kanya ang taumbayan.

Naniniwala tayo, kasama ang milyun-milyong Pinoy, na magiging isang magaling na Senador si Eleazar.

Alam nina Lacson at Sotto na maaasahan si Eleazar kung ang pag-uusapan ay kapakanan ng bayan at mamamayan.

Good luck at Merry Christmas Sir!

***

Patuloy ang pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-l9 sa bansa.

Ito ay kahit nasa Pilipinas na ang Omicron variant, na sinasabing mabilis makahawa.

Magandang balita ito dahil sa Biyernes ay Christmas Eve, ang pinakahihintay ng lahat.

Sa tingin ng marami, talagang isinapuso ng taumbayan ang paulit-ulit na panawagan ng gobyerno sa publiko na sumunod sa mga health at safety protocol.

Nagkukusa ng magsuot ng face mask ang mga tao at laging naghuhugas ng kamay.

Alam nila na hindi biro ang tamaan ng COVID-l9.

Ang masakit nga lang, kailangan pang may mga mamatay para matuto tayong sumunod sa mga simpleng patakaran ng gobyerno.

Ganyan katitigas ang ulo ng iba nating kababayan.

Sa isang banda, tuloy naman na ang pagbangon ng ating sumadsad na ekonomiya.

Ang kailangan lang ay bantayan natin ang paggamit sa pondo ng bayan para masigurong hindi mapupunta sa mga malalalim na bulsa ng mga tiwaling opisyal at kawani ng gobyerno.

Tama ba, Finance Sec. Sonny Dominguez?

***

Ang isa pang magandang balita ay wala pa tayong nababalitaang nasaktan dahil sa paggamit ng paputok at pailaw.

Nakatutuwa ito. Noon kasi Setyembre pa lang ay marami ng nagpapaputok ng rebentador.

Ngayon, siyam na araw na lang, nandiyan na ang tinatawag na “New Year revelry” pero tahimik pa rin ang paligid.

Siguro dahil na rin sa hirap ng buhay.

Kaysa ibili ng paputok o pailaw, binibili na lang pagkain.

Pero asahan na natin na  sa bisperas ng Bagong Taon, sa isang Biyernes,  may mga gagamit pa rin ng paputok at pailaw. Sila ang mga nakaririwasa sa buhay na handang mag-aksaya ng pera at sumira ng kalikasan.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag text sa #0917-8624484/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Leave A Reply