Banner Before Header

Eleazar, pinapalansag ang PAGs

0 244
PAPALAPIT na ang May 9, 2022 elections.

Marami ang naniniwalang magiging mainit ang pangangampanya dahil presidential election ito.

Kaya naman ngayon pa lang ay iniutos na ni PNP Chief Guillermo Lorenzo Eleazar na paigtingin pa ang kampanya laban sa mga ‘private armed groups’ o PAGs.

Ang gusto ni Eleazar ay lansagin lahat ng PAGs sa bansa bago pa man magsimula ang pangangampanya.

Ang mga miyembro kasi ng PAGs ang ginagamit ng mga ”unscrupulous” na politiko para manalo.

Ginagamit nilang panakot sa mga kalaban sa politika ang mga heavily-armed na tauhan.

Tinatakot din nila ang mga botante na hindi nila makuha sa kinang ng salapi.

Ang kailangan natin ay isang malinis, mapayapa at ‘credible elections’ sa Mayo 9, 2022.

Huwag natin pabayaang bastusin ng mga tiwaling politiko ang eleksyon.

Karapatan nating iboto ang gusto nating kandidato.

***

Pasukan na naman ng mga mag-aaral ngayong Lunes, Setyembre 13, 2021.

Hindi pa rin puwede ang ‘face-to-face (F2F) classes’ dahil sa patuloy na banta ng COVID-l9.

Sa katunayan, lalo pang dumarami ang nagkakasakit ng COVID-l9 sa bansa.

Ang mahirap, may mga humihikayat kay Pang. Duterte na payagan ng magkaroon ng F2F classes sa mga lugar na kaunti ang kaso ng Covid-l9.

Marami pa rin ang kontra sa panukalang ito dahil hindi nga natin alam kung saan nanggagaling ang nakamamatay na virus

Hindi natin puwedeng ipagsapalaran ang buhay ng mga bata at guro.

Ang problema natin sa F2F classes ay ang pagkukumpulan ng mga bata.

Bawalan man natin ang mga bata ay siguradong gagawin pa rin nila iyan.

Paano na lang kapag nagkahawan?

Kawawa ang magiging lagay ng mga bata at guro!

***

Pati pala ngipin ng pating ay ipinipuslit na sa bansa.

Nalaman ito nang makakumpiska ang Bureau of Customs sa Subport of Mactan ng mga puslit na shark teeth.

Ayon sa report, ang 4.98 kilong ngipin ng pating ay idineklarang ”fashion accessories.”

Ang mga ngipin ng pating ay nakalagay sa mga plastic bag, ayon kay BoC Cebu-subport of Mactan Port Collector Gerardo Campo.

Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na mga ngipin ng pating ang mga kinumpiska.

Ang mga regulated goods ay kailangang may kaukulang permit at clearance bago mailabas sa aduana.

Ang nagbibigay ng permit to import ay ang BFAR.

Ang masakit, misdeclared pa ang laman ng shipment.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #(0969) 037 7083/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Leave A Reply