Banner Before Header

Endangered species, marijuana huli sa NAIA

0 231
LALO pang pinaigting ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang pagbabatay sa mga bodega at mga air cargo terminals sa NAIA.

Ito ay upang bantayan ang mga pagtatangkang magpasok sa bansa ng mga iligal na produkto at bagay na nangangailangan ng ‘import permit’ mula sa ibang ahensiya ng gobyerno.

Sinabi ni BoC-NAIA District Collector Mimel S. Manahan-Talusan na may utos si BoC Chief Rey Guerrero, na higit pa ngang paigtingin ang border protection campaign.

Kaugnay nito, noon ngang nakaraang linggo ay naka-intercept ang BoC-NAIA ng mga puslit na  tarantula at scorpion.

Sa isang pakete ay nakita ng mga tauhan ni Coll. Talusan ang 20 tarantula at 8 scorpion.

Parehong makamandag at endangered species, ang mga gagamba at scorpion ay galing Thailand.

Ang pakete ay idineklarang naglalaman ng mga “teaching equipment.”

Kaagad na ibinigay ng BoC-NAIA ang mga kontrabando sa Department of Environment and Natural Resources.

Noong Oktubre 2020 ay nakakumpiska ang BoC-NAIA ng mahigit isang daang tarantula galing Poland.

Ang mga gagamba ay nakalagay sa mga degomang sapatos.

Ang BoC ay kaisa ng DENR laban sa  tinatawag na wildlife smuggling.

Isang “lucrative” na negosyo ang pagpupuslit ng mga endangered species na mga hayop at halaman.

***

Dalawang lalake ang inaresto ng Bureau of Customs (BoC) habang kini-claim ang isang air parcel galing Estados Unidos.

Ang pakete ay naka-consigned sa isang Dimitria Escalona ng Batangas.

Ang pakete ay naglalaman ng 500 na gramo ng tuyong dahon ng marijuana at hindi “musical instruments.”

Dumating sa bansa ang parcel sa pamamagitan ng Fedex-Pasay city.

Ang air parcel ay padala ng isang Niña Manuel ng California, USA.

Ang mga hinuli ng BoC-NAIA, PDEA at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ay sina Van Joshua Magpantay at Johnyengle Hernandez.

Ang marijuana ay nagkakahalaga ng P600,000.

Noong isang linggo ay nakasakote rin ang BoC-NAIA ng 535 ecstasy tablets sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Nagkakahalaga ng P1 milyon, ang droga ay galing sa the Netherlands.

Congrats sa mga taga-sa BoC-NAIA.

***

Nagsimula ng magparamdam ang mga kakandidato sa darating na national at local elections.

Sa Oktubre na kasi ang paghahain ng mga Certificate of Candidacy (CoC) para sa May 9, 2022 polls.

Sa tingin natin ay kanya-kanya ng bulong ang mga nagbabalak tumakbo sa mga lider ng mga partido politikal.

Lalo na sa mga nagbabalak na kumandidato sa pagka-presidente, bise presidente at senador.

Sa dami ng gustong kumandidato, sigurado na naman ang “batuhan ng putik.”

Kinakabahan na rin ang mga opisyal ng BoC.

Ang mahirap kasi, baka may mga nagbabalak na namang manghingi ng campaign fund sa kanila.

Sana wala, kawawa naman ang mga kaibigan natin sa Aduana.

Hindi naman nila “pinupulot” ang pera.

Kung may mangilan-ngilan na gumagawa ng kalokohan, karamihan naman sa kanila ay

pinaghihirapan ang pagkita ng pera.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan)

Leave A Reply