Banner Before Header

‘Happy birthday’ po, PBBM!

0 196
“NABUDOL” daw ang maraming botante sa pagboto kay Sen. Loren Legarda — na noong kainitan ng kampanya — ay itinakwil ng isa niyang anak na lalaki.

Kasi ibinisto ni Loren ang sarili na BFF pala niya si CPP-NPA-NDF Supremo Joma Sison sa kanyang speech sa Senado na sinabing hindi naman daw ‘masama” ang maging komunista.

Ibinando pa ni Legarda na ipare-repeal niya ang Anti-Terrorism Law na pinagtibay ng Supreme Court, at dahil dito, bumabaha ang panawagang mag-resign siya, hindi lang sa Senado kungdi bitawan na ang pagiging full Colonel sa Reserve Officers Corps ng AFP.

Sabi nga ng isang kolumnista, si Legarda ay isang “user” at “opportunist” na daig pa ang paruparo na dumadapo sa mga partido at taong kanyang mapakikinabangan.

Walang delicadeza ang babaeng ito, sabi ng kanyang mga kritiko, kasi nga, kahit ayon sa Constitution, eh, limitado lamang sa two-six terms ang isang senador, aba tumakbo pa uli at eto, nakabudol, nyahahaha.

Payag ba kayo sa panawagang “Resign Loren?”

***

Pwede nang hindi magsuot ng face mask sa mga open spaces, sa mga indoor na may magandang ventilation at sa mga lugar na hindi matao.

Pero sa mga malls, simbahan, mga PUVs, tren at mga government offices, obligado pa rin tayo na mag-face mask, ito ay para sa ating kalusugan laban sa pandemic COVID-19, ayon sa Executive Order No. 3 ni Presidente Bongbong Marcos at Acting Agri Secretary na nag-celebrate ng kanyang ika-65 kaarawan nitong Setyembre 13, dalawang araw naman matapos ang ika-105 kaarawan ng kanyang “erpat” na si PFEM (President Ferdinand Edralin Marcos) noong Setyembre 11.

Happy Birthday po, your Excellency President Ferdinand Romualdez Marcos Jr.!

***

Dismayado po ang ating local poultry raisers kasi patuloy pa rin ang importation ng frozen chicken, ayon kay Gregorio San Diego Jr. ng United Broilers Raisers Association (UBRA).

Salamat at ginagawa ni PBBM ang lahat para matiyak na matutulungan ang ating local poultry raisers at salamat sa masigasig na pagbabantay ng Bureau of Customs (BoC) laban sa agri product smugglers.

Siguro, dapat tutukan ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang mga cold storage na pinag-iimbakan ng mga imported frozen chicken na itinatago muna at hindi inilalabas sa market, sa intensiyon na itaas ang presyo, lalo ngayong parating ang holiday season.

Ayon kay San Diego, 212 million kilos ng iladong (frozen) manok ang inimporta mula January-July 2022, at alam nyo ba, nag-iimport na rin tayo ng itlog mula sa Spain, pati ang mga pinipisang itlog para maging sisiw — na kaya naman nating gawin dito sa atin.

Kaylaking problema talaga itong iniwan ng dating Agri Sec. William Dar na ang inasikaso ay puro importation na pumapatay sa ating magsasaka at mga hog, livestock at poultry raisers.

Grabeng krisis sa kabuhayan ni Dar and Company ang idinulot sa atin, na lalo pang magbabaon sa kahirapan sa milyon-milyong Pinoy, ngayon na bagsak ang piso natin na P56 or more bawat dolyar.

Yan ang nagpapasakit sa ulo ni Presidente Marcos Jr., at sana ang mga bagong appointed DA officials niya ay magtrabaho nang husto para ligtas tayo sa gutom at buhaying muli ang sektor ng ating agrikultura, fisheries at mga meat raisers.

***

Salamat naman at naibalik sa kanilang puwesto ang anim na Customs officials na napatunayang walang ginawang mali, walang kasalanan sa pagpasok ng suspected smuggled sugar sa Subic.

Ayon kay BoC Commissioner Ruiz, balik-trabaho na sina District Port Collctor Maritess ‘Meeks’ Martin; Deputy Collector (Assessment) Maita Acevedo; Deputy Collector (Operations) Giovanni Ferdinand Leynes; Assessment Division Chief Belinda Lim; Enforcement and Security Service Distritrict Commander Vincent Mark Malasmas; at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Field Supervisor Justin Geli.

Ayon sa imbestigasyon, walang nakitang pagpapabaya sa tungkulin ang mga sinuspinde sa noon ay pagpigil sa 140,000 sako ng refined sugar noong Agosto 12 na mula sa Thailand na inexport ng Ruamkamlarp Export Co., Ltd. at ang consignee ay Oro-Agritade Inc.

Sa imbestigasyon ng Internal Inquiry and Prosecution Division (IIPD) ng CIIS, nakita na dumaan sa lahat ng legal na proseso at sumunod sa probisyon ng taripa sa Customs ang kargamentong asukal.

Terminated na ang imbestigasyon, inanunsyo ni Commissioner Yogi, lalo at nakita na kumpleto sa SRA clearances ang shipment.

Sabi ni Comm. Ruiz, walang nakitang prima facie nor substantial evidence para kasuhan ang mga nabanggit na opisyal ng Customs sa Subic Port.

Ayan, maliwanag na po: walang anomalya, walang nakitang ebidensiya dahil dito, tuloy na uli sa maayos na pagtatrabaho ang mga naibalik na opisyal ng Subic Port.

At ‘anyare ba? “Guni-guni” lang ng ilan sa mainstream media ang bintang na ‘recycled permit’ ang ginamit sa importasyon, ganoon nga ba?

Mabuhay kayo!

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com).

Leave A Reply