Banner Before Header

‘Happy’ na si Yorme Isko na makapagligtas ng tao!

0 246
BAKIT nga ba kung sino pa ang pasaway, mahilig makinig kay ‘Marites’ (tsismis), eh, siya pang gustong bigyan ng pribilehiyo ng gobyerno?

Tama si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na ‘unfair,’ hindi ito patas sa masunuring tao na nagpakapagod, nagkusa na magpabakuna at nagpa-booster shot pa.

Mali nga ‘yung plano ng gobyerno na bigyan ng incentives ‘yung tolongges. At “korek” si Yorme Isko!

Sabi nga niya, ‘yung masunurin sa batas, ‘yung mga bakunado ang dapat na bigyan ng bonus.

“Sila (masunurin at bakunado) ang dapat na purihin at bigyan ng privileges, hindi ang mga nakikinig kay ‘Marites,” sabi ni Yorme Isko – na sang-ayon tayo.

Teka, magandang balita: ‘yung mga batang edad 5-11, pwede nang bakunahan, sabi ng 24/7 mayor ng Maynila.

At eto ang maganda, pag dumating ang Pfizer na inorder ni Yorme Isko sa US, sa magara, magandang New Manila Zoo ang gagawing vaccination site para bakunahan ang mga musmos na batang Maynila.

Double purpose nga naman, kasi bago at matapos mabakunahan, maipapasyal pa ng mga magulang o ng kanilang lolo at lola ang mga paslit-Maynila.

E, maaliwalas ang bagong Manila Zoo, may restoran, may mapaglalaruan ang mga bata, may fountain pa at makikita ang mga bagong wild animals na para kang nakapunta sa Singapore Zoo.

At yung wala pang bakuna, kahit hindi taga-Maynila, libreng magpabakuna, mantakin mong kaygandang serbisyo nito sa tao.

Baka naman, Yorme Isko, ganahan ka pang magpameryenda, aba, sobra na ‘yan, hehehe.

***

Kung ano man ang opinyon ng Commission on Human Rights (CHR) sa health restrictions sa mga hindi bakunado, wala nang pakialam si Yorme Isko.

Basta siya, kung ano ang iutos ng gobyerno, susunod siya; sabi nga ni Isko, mas mahalaga ang buhay ng tao kaya tuloy lang siya sa pagkumbinsi sa mga anti-vax na magpabakuna na.

Basta sa Maynila, magbabakuna, magbibigay ng booster shots ang 47-anyos na presidential aspirant ng Aksyon Demokratiko, at kung dumating ang utos ng gobyerno na pagbawalan na gumala o mamasyal sa labas ang hindi vaccinated, “handa kaming sumunod.”

‘Yung mga tao na hindi nabakunahan sa kanilang siyudad o bayan, welcome kayo sa Maynila, sabi ni Yorme, hanggang may bakuna, hanggang may gamot kontra-COVID, magseserbisyo siya.

Tao, buhay ang mahalaga, eh, ano raw ba kung maubos ang gamot, basta ang makapagligtas ng maysakit, “happy na ako,” sabi ni Yorme Isko.

‘Yan ang presidente ko: totoong magserbisyo, may liderato at higit sa lahat, makatao na, maka-Diyos pa.

God first, sabi nga ni Yorme Isko.

***

Ibinaon daw sa utang na P15 bilyon ni Yorme Isko ang gobyerno ng Maynila, upak ng isang kandidato sa isang radio interview.

Para namang walang LGU na hindi umutang para itustos sa mga proyekto para mapakinabangan ng taumbayan?

Ginamit po ang inutang sa ‘Build, Build, Build’ program ni Yorme Isko, at ilan sa mga ito ay masayang pinakikinabangan ngayon ng taumbayan.

Sobrang ganda ang New Manila Zoo na maikukumpara sa sikat-sa-mundong Singapore Zoo at maraming naidagdag na pasilidad na state-of-the art.

Malapit nang mapakinabangan ang itinayong Tondominium 1 & 2 sa Vitas, Tondo at Binondominium 1 & 2 sa Binondo;

Pinapakinabangan na ng may 229 families ang BaseCommunity, the in-city townhouse public housing project sa Baseco, Port Area;

Malapit nang tumanggap ng pasyente ang modernong Ospital ng Maynila; yung itinayong COVID-19 Field Hospital sa Luneta; pagtatayo ng bagong paaralan (Rosauro Elem. School), at upgrading ng mga pasilidad ng public schools and colleges sa Maynila; pagsasaayos ng Manila Science High School; Dr. Albert Elem. School.

Tinatapos na rin ang itinatayong pabahay sa mahihirap tulad ng San Lazaro Residences, San Sebastian Residences at Pedro Gil Residences sa San Andres;

Ang President Cory Aquino Gen. Hospital, mga vaccination sites at testing centers; pag-aayos sa iconic clock tower sa tore ng City Hall, pagpapaganda sa mga parke at sa Arroceros Forest Park at maraming iba pa.

Dahil sa mga proyektong ito, nabigyan ng trabaho at hanapbuhay ang maraming tao; umikot ang pera at nakatulong ito sa pagbangon sa ekonomiya na hanggang ngayon ay pineperwisyo ng pandemyang COVID-19.

Wala yata sa hulog ang kandidatong ito na ang expertise ay manira pero wala namang maipakitang matinong gawa.

***

Sabi e hindi raw corrupt si VP Leni, talaga?

Pero iba ang paniniwala ng isang Benjie Daisy Contreras at ang mga tanong niya: saan daw kinuha ni Nanay Pinklawan ang ginastos sa pag-aaral ng anak nito sa Harvard eh, ayon sa SALN ni VP Leni noong 2007, ang networth lang niya ay ano – P1.1 million.

Saan daw kinuha ni VP at ng mga anak nito ang ginastos sa maraming travel abroad, panonood ng playoff ng dalawang anak nito sa laro ng Boston Celtics at Cleveland Cavaliers sa TD Garden na ang “pinakamababang ticket price sa bleacher ay $663 o P34,873.80 per seat kaya sa kanilang dalawa ay P69,747.60.”

Sabi pa ni Contreras, ” … base sa picture, mukhang sa ringside o box seats sila nakaupo na ang minimum price ay $5,803.14 o P305,245.16 per ticket or a whooping P610,490.32 para sa kanilang dalawa.”

***

Sabi ng isang netizen, baka raw naman ‘yung bayaw ni VP Robredo ang gumastos sa dalawang dalaga niya?

Sa isang balita ng GMA News (Aug. 30, 2018), iniulat na “tumakas” papuntang US si Butch Robredo kasi, ito raw ang tinukoy ni Presidente Rodrigo Duterte na sangkot sa illegal drug trade sa Naga City.

Sa balita ng GMA News na isinulat ni Virgil Lopez, pinatotohanan daw ni dating Naga City Councilor Luis Ortega na sangkot nga sa bawal na gamot ang bayaw ni VP Leni at tumakas pa-US para makaiwas sa war on drugs ng Pangulo.

Sana hindi totoo ito.

Tanong pa ni Contreras kay VP Leni Robredo: Kaya bang suportahan ng P1M na yaman ang pagkuha ng kursong medisina sa Ateneo de Manila ng isang anak nito (na doktor na raw ngayon!)?

Kaya bang suportahan ang lifestyle nilang mag-anak ng yamang P1M sa pagbili ng designer clothes, jeans, bags at shoes tulad ng Louis Vuitton, Yves Saint Laurent, Gucci, Ferragamo at iba pa?

Kayo na readers ang sumagot sa tanong na ito.

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com).

Leave A Reply