Banner Before Header

Harinawang hindi masayang

0 164
SA darating na Agosto 6, 2021, 10 Pinoy ang “kikilalanin” at “pararangalan” ng ‘Association for the Promotion of Philippines – China Understanding’ (APPCU).

Sa nabasa nating mga ‘press statement’ ng APPCU, ang mga nasabing indibidwal ay “malaki” ang ambag sa pagpapalalim at pagpapatibay ng relasyon ng ‘Pinas at Tsina sa mga nakaraang panahon.

At ‘on top of the list’ siyempre ay si ex-First Lady Imelda Romualdez Marcos (“nganga” na naman ang mga Dilawan, hehe) at, Amb. Francis Chua, sa ‘Hall of Fame Category.’

“Pasok” naman sa ‘Outstanding Contribution Category’ sina:

Philippine Association for Chinese Studies (PACS) President, Dr. Rommel Banlaoi, Global Talk News Radio/Radyo Pilipinas “Ang Maestro” Host, Herman “Ka Mentong” Laurel, Kaisa Para Sa Kaunlaran, Inc. Founder, Teresita Ang-See, at si Dr. Lourdes Tanhueco-Nepomuceno, Director of Confucius Institute, UP Diliman.

Nasa ‘Major Contributions Category’ naman sina:

Founding President, Peking University Overseas Students’ Alumni Association, Prof. Jaime FlorCruz; Physician, Lawyer and International Law Professor, University of San Agustin’s College of Liberal Arts, Iloilo, Dr. Mario Leonardo Emilio Aportadera; President/ Editor-In-Chief of Sovereignph.com, Adolfo “Ado” Paglinawan; at, 51Talk Brand Ambassador John Nicolo Fernandez.

Bukod sa ilan sa kanila, personal nating hindi kilala ang karamihan sa mga ‘awardees.’ Bagaman, dahil dumaan sa masusing pagbusisi, naniniwala tayong ‘deserving’ ang bawat isa sa kanila, partikular si Madam Imelda na totoo namang tumulong ng malaki upang pormal na magkaroon ng pormal na relasyon ang Pinas at Tsina noong Hunyo 6, 1975, matapos ang pagbisita ng pamilya Marcos sa bansang Tsina. Sinasabing kahit sina Chairman Mao at Premier Zhou Enlai ay “nabighani” sa “karinyo” at ganda ni Mrs. Marcos kaya “napabilis” ang “pirmahan” ng ‘diplomatic agreement’ ng Tsina at Pilipinas.

Sa ganang atin, maganda ang layunin APPCU—palalimin pa at patibayin ang relasyon ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.

‘Yun nga lang, “nakasalalay” ang lahat ng ginagawa nilang “pagpupunyagi” sa resulta ng halalan sa 2022.

Naniniwala kasi tayo na sa sandaling hindi na katulad ni Pang. Rody—sa pag-iiisip at diskarte—ang mananalong presidente, muling malalagay sa “peligro” ang ating relasyon sa Tsina—masahol pa kung “tuta” (na naman) ni ‘Uncle Sam’ ang maluklok sa Malakanyang.

Dangan kasi, sa ilalim ni Pang. Rody, talagang “hirap na hirap” ang mga alipores ng mga Kano na gumawa ng mga isyu at gulo sa pagitan ng Tsina at Pinas—para muli tayong bumalik sa “pundilyo” ng Washington. At magamit bilang “pambala sa kanyon” sa ikinakasang gera ng Amerika laban sa Tsina.

Translation? Harinawang hindi masayang ang pagpupunyagi ng APCU sa sandaling magpalit na tayo ng pangulo sa isang taon.

Abangan!

Leave A Reply