Banner Before Header

Iba talaga kapag may kuwarta sa ‘Pinas!

0 236
MAY isang linggo na ngayon na “nakasubaybay” ang mainstream media at social media hinggil sa nangyaring pagkamatay ni ‘Bree Jonson’ sa isang beach resort sa La Union noong nakaraang Sabado, Setyembre 18, 2021.

Hindi natin personal na kilala itong si Jonson subalit ayon sa mga ulat, isa siyang ‘up and coming’ and ‘most promising’ sa hanay ng mga local Pinoy artists na magaling sa pagpipinta (art painting/visual art).

Kontrobersyal ang nangyari dahil ang kanyang boyfriend, si Julian Ongpin, ay anak ni Roberto Ongpin, trade and industry minister sa administrasyong Marcos (1979 -1986); ang mga Ongpin ay isa sa mga “oligarkong pamilya” sa ‘Pinas.

Si Julian at Bree ang huling magkasama sa isang resort sa La Union nang matagpuang walang malay si Bree noong Sabado. Ang version ni Julian, ‘suicide’ ang nangyari; hinala ng pamilya ni Jonson, biktima siya ng ‘foul play’ kung saan ang unang suspek (siyempre) ay si Julian.

Natutuwa naman ang mga miron na agad ipinag-utos ni Chief PNP Guillermo Eleazar, ang “malalimang imbestigasyon” sa insidente upang lumabas ang katotohanan.

Ang direktiba ay ibinigay niya mismo kay PRO-1 regional director, P/BGen. Emmanuel Peralta.

Subalit, ang nakapagpataas ng kilay natin at ng mga miron, ay ang ginawang ‘RFI’ (release for further investigation) ng piskalya ng La Union dito kay Julian—kahit nakuhanan siya ng 12.6 gramo ng ‘cocaine’ at nagpositibo pa sa paggamit nito!

Translation? “Sabog” sa cocaine si Julian ng makausap ng mga pulis.

Malinaw ang sinasabi ng batas laban sa iligal na droga, RA 9165, Section 11(4):

“Section 11. Possession of Dangerous Drugs. – The penalty of life imprisonment to death and a fine ranging from Five hundred thousand pesos (P500,000.00) to Ten million pesos (P10,000,000.00) shall be imposed upon any person, who, unless authorized by law, shall possess any dangerous drug in the following quantities, regardless of the degree of purity thereof…

“xxx (4) 10 grams or more of cocaine or cocaine hydrochloride… xxx”

Translation? Sino man ang “mahulihan” ng cocaine, 10 gramo pataas, “life sentence” (no bail) ang parusa, tama ba, PDEA director general, Wilkins Villanueva?

At dito kay Julian Ongpin, malinaw din sa mga ulat, “12.6 grams” ng cocaine ang nahuli sa kanya, kaya ang tanong, bakit siya “pinalabas” ng piskal, DOJ secretary Menardo Guevarra, Sir?

Bagaman nga ‘disputable’ ang isyu kung “ano” ang ikinamatay ni Jonson kaya talagang puwede siyang ‘release for further investigation,’ eh, itong nahuling cocaine sa kanya, hindi ba… dapat naka-detain pa rin siya ngayon?

Sa garapal na ‘oversight’ ng piskal dito sa kasong ito, nagtataka rin tayo na wala man lang sa ating mga awtoridad—PNP, PDEA, DOJ, Senado, Kongreso, Malakanyang, etc., ang nagkuwestyon, eh, bakit kaya? Aber, kahit nga ang ibang mainstream media, biglang “nakalimutan” ang probisyong nabanggit ng RA 9165.

At sa insidente pa ring ito, hindi ba dapat mabahala si Pang. Digong? Dahil bukod pala talaga sa problema natin sa shabu, aba’y mukhang “talamak” na rin ang bentahan ng cocaine!

Wala rin bang balak ang PDEA at Malakanyang na imbestigahan kung “saan” o “kanino” bumibili ng droga itong si Julian?

O sadyang “iba” kapag may kuwarta ka sa Pilipinas?

Hay buhay, tsk!

Leave A Reply