Banner Before Header

Imperyalismo sa bakuna.

0 405
ANG kontinente ng Asya ang pinakamalaki sa mundo na may pinakamaraming populasyon at nararapat lamang na isang taga-Asya ang maging katuwang sa pagsalba ng buhay na mga Asyano sa gitna ng pandemya.

Ang bagong taon ay nagbibigay ng pag-asa upang malabanan ang COVID19 sa paglabas ng mga bakuna mula sa laboratoryo ng iba’t ibang bansa.

Ang paggawa ng bakuna ay mistulang naging “paligsahan” na at ginagamit na rin upang manggoyo ng mga lider ng mga bansa.

Ang iba ay gumagamit pa ng mga bayarang media at politiko upang magtahi-tahi ng kasinungalingan.

Sa kadahilanang gustong mauna ng US sa paggawa ng bakuna, iniutos ni dating US president, Donald Trump, ang “Warp Speed” noong Mayo 2020 na ginastusan ng ilang bilyong dolyar para makagawa ng bakuna.

Ang mga “Big Pharma” sa US o yung mga higanteng pagawaan ng gamot ang nagtulak upang tumaas ang presyo nito sa merkado.

“Kinasabwat” nila  ang mga bayarang media para sa “hype” na ang mga bakuna ay may 95 porsiyento na epektibo dahil sa paggamit ‘mRNA technology;’ sa ngayon naman, mukhang dumarami ang nagdududa kung makatotohanan ang kanilang mga datos.

Ang nagiging probema ng mRNA na bakuna ay ang paghalo ng “nanoparticle” na “polyethylene glycol” na nagiging dahilan sa grabeng allergic reaction sa iba, lalong lalo sa mga senior citizens. Iyan ang nangyari sa Norway na 23 matatanda na nabakunahan ng ‘Pfizer vaccine’ ang kumpirmadong namatay, at sa California, USA, 10 pasyente and tinamaan ng ‘anaphylactic shock’ (allergic reaction) kaya pansamantalang pinatigil ang paggamit doon sa isang komunidad na 330,000 dosis ang pinagsusupetsahan na gawa naman ng ‘Moderna.’

Masasabi na hindi patas maglaro ang US dahil kinampanya nito ang paninira sa mga bakunang gawa ng China, Russia at Cuba.

Habang tinutulungan ng China ang ibang bansa sa paggawa ng bakuna, ang mga “Western/Big Pharma” ay nagbabalita ng ikasisira ng ibang bakuna. Ito ay matatawag natin na ‘vaccine imperialism.’

Sa panig ng China sa halip na manira ay nakikipag-isa ito sa pagbuo ng bakuna sa mga bansa mula ASEAN hanggang Timog Amerika, Gitnang Silangan, Africa at sa Europa at sa Serbia na nakasubok na ng bakuna mula China.

Sa milyun-milyong bakuna mula China na napamahagi na sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay wala pa naman naibabalita na may grabeng side effects ang naranasan.

Sa gitna ng mga pangyayaring nagaganap na may kinalaman sa mga bakuna, may maganda at mahalagang nangyari sa pagbisita sa ating bansa ng Chinese State Councilor at Foreign Minister na si HE Wang Yi.

Bukod sa pag-alok ng libreng bakuna para sa first batch ng Chinese vaccines sa atin, tutulong din si Minister Wang Yi upang mapadali ang pagbili pa natin sa mga susunod na batch ng bakuna.

Hindi natin malaman kung bakit nagngingitngit ang ilang senador sa pagkuha ng bansa ng bakuna mula Sinovac ng China.

Sobrang halata naman ang kanilang pinapaboran ay ang gawa ng Pfizer at Moderna.

Dahil naman sa mga masasamang nangyayari sa dalawang brand na iyan, sabi ng DOH ay maghinay-hinay sa pagbili at paggamit ng mga nasabing brand.

Sa huli naging matalino pa rin ang DOH na bakuna mula China ang ating tangkilikin.

(Samahan si Ka Mentong Laurel at mga panauhin sa “Power Thinks” tuwing Miyerkules @6pm Live Global Talk News Radio (GTNR) sa Facebook at sa Talk News TV sa You Tube; at tuwing Linggo 8 to 10am sa RP1 738khz AM sa radyo.)

Leave A Reply