SORRY, paumanhin ng kampo ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso dahil na-postpone ang panunumpa niya bilang bagong kasapi at matibay na haligi ng partido Aksiyon Demokratiko (AK) nitong Huwebes, Agosto 5.
Kailangan kasing aksiyunan agad ni Yorme Isko ang pananabotahe ng – obvious ay kalaban niya sa politika –, sa magandang sistema ng vaccinatioon program ng Maynila.
Salamat at nabigo ang 133 beses na tangkang pag-hack sa vaccination portal ng Maynila kaya nagkagulo ang maramihang pagbabakuna noong Miyerkules, Agosto 11, 2021.
Kaysa unahin ang panunumpa, inuna muna ni Yorme Isko ang kapakanan ng mga tao; mas nangibabaw sa isip ng alkalde na pigilan ang mass vaccination.
Humble si Yorme na inamin na hindi perpekto ang sistema ng pagbabakuna, lalo na at may mga grupong nais siyang pasamain sa publiko – na alam natin, pakana ng mga kalaban niya sa politika.
Ay, mas uunahin ni Yorme Kois ang welfare, ang kabutihan ng mga Batang Maynila, kesa politika.
Sabi nga niya, unahin muna ang problema sa pandemya; mas priority ang pagbibigay-ayuda at pag-aasikaso kung paano hindi magugutom ang taumbayan ngayon na nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) uli ang Metro Manila, at MECQ ang maraming lugar sa bansa.
***
Bakit kumalas si Yorme Isko sa National Unity Party (NUP) at sasapi siya sa Aksiyon Demokratiko – na itinatag ng yumaong Sen. Raul Roco?
Kasi, sabi niya, katugon ng adhikain niya ang partidong Aksiyon Demokratiko na nagtataguyod ng MBN (minimum basic need) ng taumbayan.
Sa paniniwala ni Yorme Isko, ang NUP raw e nakatuon ang pansin sa interes ng iisang tao lamang?
(Sa Aksyon Demokratiko, itinalagang “presidente” ng partido si Mayor Kois, kumpara sa National Unity Party, kaya saan ka pa, aber—Editor).
Naalaala ko, nitong Hunyo, nasabi ni Isko na hindi raw siya kakampi at boboto sa isang tao dahil sa siya ay “anak ni ganito.”
Walang binanggit na pangalan ang alkalde, pero alam na natin kung sino ‘yung “anak ni ganito” – na balitang ayaw raw tumakbong Pangulo sa 2022.
***
Ay, ano ba, DILG at kinakastigo n’yo si Yorme Isko sa hindi raw nito pagsunod sa utos ng National Drug Abuse Council Audit noong 2018?
Napaghahalata kayo, DILG: inaasar ba nyo si Yorme, e hindi pa siya mayor noong 2018 at noon lang 2019 siya naging alkalde ng Maynila.
“Anak yata kayo ni Ganito,” hehehe.
***
Sana, sabi ni retired boxer, comedian Onyok Velasco ay matanggap ng mga nanalo ng mga medalya ang mga ipinangakong gantimpala at incentives sa ginaganap na 2020 Tokyo Olympics.
Ayon kay Onyok, hanggang ngayon, hindi pa naibibigay ang P2.5M gantimpala at iba pang bonus na ipinangako sa kanya nang manalo siya ng Silver Medal noong 1996 Summer Olympics.
Gold medalist si Onyok sa 1994 Asian Games.
Good news, idol Onyok: gagawan ng paraan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte na maibigay ang napakong pangako sa iyo ng gobyerno.
***
Sa katatapos na Tokyo 2020 Olympics, ang Pilipinas ay nakasungkit ng apat na pinangunahan ni Hidilyn Diaz na nakauwi ng gintong medalya, Nesthy Petecio at Carlo Paalam na naiuwi ang Silver Medal at Bronze Medalist Eumir Marcial.
Nagbunyi ang mamamayang Pinoy matapos na maipanalo ni weightlifter Hidilyn Diaz ang unang Gold Medal natin.
Simula nang sumali tayo sa Olympics noong 1924, wala tayong naiuwing Gold medal, kaya historic, sabi nga ang panalo ni Hidilyn sa 127kg clean and jerk event laban kay Liao Qiuyun ng China.
National pride natin ang lahat ng ating Pilipinong atleta, kasama ang nagpakita ng husay sa maraming competition na sinalihan nila.
Patunay ito na sa tiyaga, pagsisikap at maayos na suporta ng gobyerno ng taumbayan, mauulit natin ang panalo nina Hidilyn, ilver Medalist Carlo Paalam, Bronze Medalist Middleweight Eumir Marcial; Silver Medalist Featherweight Nesty Petecio – unang babaeng nagwagi sa boxing.
***
Sana maging aral sa atin ang pagkawala ni Grandmaster Wesley So na dahil sa politika sa Philippine Chess Federation ay namamayagpag ngayon sa world chess na dala ay bandera ng Amerika.
Ilan sa mga premyong tinanggap at tatanggapin pa ni Hidilyn ay Php 10-M ayon sa takda ng RA 10699; Php30-M mula sa Philippine Sport Commission; Php10-M kaloob ni Ramon Ang ng San Miguel Corp.; Php3-M mula kay 1-Pacman partylist Cong. Mikee Romero; P3.5-M mula sa Zamboanga City LGU;
Php5-M mula sa Siklab Atleta Sports Phoenix Petroleum ni Dennis Uy; Php3-M house and lot mula kay Pres. Duterte; P14-M house and lot mula sa PHirst Park Homes at isa pang house and lot sa Tagaytay City mula kay Philippine Olympic Committee chair, Cavite 8th District Cong. Bambol Tolentino.
Bukod pa rito ang milyon-milyong pisong endorsement na iniaalok kay Hidilyn.
Siyempre, tatanggap din ng mga ganitong premyo ang iba pa nating 2020 Olympic medalist at bonus sa ating mga atletang hindi man nag-uwi ng medalya ay nagpamalas ng kahanga-hangang galing at tibay ng loob sa kanilang sinalihang kompetisyon.
Mabuhay ang Pilipinas!
(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com).