Banner Before Header

Ipakulong ang mga tusong negosyante

0 180
UNTI-unti nang nagbubukas ang ating nasalantang ekonomiya dulot ng pandemya.

“Wagas” ang paghihirap ng taumbayan dahil sa kawalan ng trabaho.

Hanggang ngayon ay marami pang negosyo ang sarado o hindi makaporma dahil sa kawalan ng kostumer.

Ang iba naman, kahit bakunado, alanganin pang lumabas ng bahay dahil sa takot na mahawa ng COVID-19.

Hindi natin masisisi ang mga taong takot lumabas ng bahay. Takot silang mahawahan dahil  damay ang lahat sa bahay.

Perhuwisyo talaga kaya ibayong pag-iingat ang marami sa atin.

Kagaya nang madalas nating sabihin, hangga’t walang gamot ang COVID-l9 ay mahirap bumalik ang dati nating pamumuhay.

Kaya dapat gawing prayoridad ang pagtuklas ng gamot sa nakakamamatay na sakit na kumitil na ng maraming buhay sa buong mundo.

Naniniwala tayo na hindi magtatagal ay makatutuklas na ng gamot para sa COVID-l9.

Ang problema lang, saan kukuha ng pera ang mga Pinoy para tustusan ang pagtuklas ng gamot laban dito at iba pang sakit.

Alam naman natin na baon na sa utang ang ating bansa.

***

Hirap na hirap na ang mga tao pero patuloy pa rin ang pagsipa ng presyo ng mga pangunahing kailangan ng taumbayan.

Lalo pang tataas ang presyo ng mga bilihin kung hindi mapipigilan ang pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang produktong petrolyo.

Dapat gumawa ng paraan ang administrasyong Duterte para matulungan ang publiko.

Ang masakit, nagsasamantala pa ang mga hoarder at profiteer.

Marami talaga tayong mga kababayan na walang puso.

Patuloy pang nagsamantala sa panahong nahihirapan ang lahat.

Papalapit na ang eleksyon.

Kapag nagkataon, ang sisisihin ng taumbayan ay ang mga namumuno.

Kaya marapat lang na habulin at ipakulong ang mga tusong negosyante.

Pati mga drayber at konduktor na naniningil ng sobrang taas na pamasahe, turuan din ng leksyon.

***

Noong Biyernes ay naka-intercept na naman ang mga taga-BoC ng mga party drug na nagkakahalaga ng P8.6 milyon.

Ang mga party drug ay nakita sa tatlong kargamento na dumating sa central mail exchange center (CMEX) at Fedex warehouse sa Pasay City.

Ang dalawang paketeng naglalaman ng 4,547 pirasong ecstasy tablets ay nagkakahalaga ng P7.7 milyon.

Ang pangatlo namang pakete na nanggaling sa Malaysia ay naglalaman ng ketamine.

Ang unang pakete ay nanggaling ng Netherlands samantalang ang pangalawa ay mula Germany.

Kinumpirma ng mga field test na ang mga substance ay mga ecstasy at ketamine.

Inilipat na ng BoC-NAIA ang pag-iingat ng mga droga sa PDEA.

Ito ay para sa ”further profiling” at ang pagsasampa ng kaso laban sa mga taong nasa likod ng pagpaparating ng mga iligal na droga sa bansa.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #(0969)037 7083/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Leave A Reply