IPINAGDIWANG ng Aduana ang ika-35 anibersaryo ng pagkakatatag ng ng Enforcement and Security Service (ESS) ng Bureau of Customs (BOC), na mas kilala bilang ‘Customs Police.’ Ang ESS ang ‘operating arm’ ng Enforcement Group.
Pinangunahan ni BOC Chief Bienvenido Y. Rubio at iba pang opisyal ng ahensya ang simple pero makahulugang selebrasyon na ginanap noong nakaraang Lunes, Marso Marso 27, 2023.
Matatandaan na ang unang trabaho ni Commissioner Rubio ay bilang
Special agent’ sa ESS.
“He rose from the ranks,” wika nga ng mga kakilala ni Rubio na tubong Ilocos Norte at kababayan ni Pang. Bongbong Marcos.
Kaya naman talagang alam na ni Rubio ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga taga-ESS sa Aduana, na tinagurian ng iba na “snake-infested.”
Noong 2022 ay nakakumpiska ang mga operatiba ng ESS ng 397 shipments na naglalaman ng produktong nagkakahalaga ng mahigit P1.044 bilyon.
Sa unang tatlong buwan pa lamang ng taon ay nakasakote na ang mga taga-ESS ng 81 shipments na nagkakahalaga ng P999.4 milyon, ayon sa preliminary reports.
Sa kanyang talumpati, sinabi pa ni Rubio na mahalagang papel ang ginagampanan ng ESS “in the successful implementation of the Fuel Marking Program.”
Ang programang ito ng gobyerno ay naglalayong matigil o mabawasan ang ismagling ng fuel products para lumaki ang revenue collection ng BOC at Bureau of Internal Revenue.
Sa ilalim ng nasabing programa, ang mga imported na fuel products ay nilalagyan ng marker para masigurong nababayaran ang mga ito ng tamang buwis sa gobyerno.
At ayon sa mga report, mula nang ipatupad ang programa ay lumaki ang koleksyon ng buwis mula sa imported fuel products, kagaya ng gasolina, krudo at iba pang produkto.
Noong 2022 ay minarkahan ng ESS ang 18 bilyon na litro ng petroleum products. Sa unang first quarter ng 2023, umabot naman ng 4 na bilyong litro ang namarkahan na ng ESS.
“With this kind of performance, the ESS is evidently of great help and is necessary in attaining our 5-Point Priority Program,” diin pa ng BOC chief.
Dagdag pa ni Rubio: “ESS has a myriad roles to execute within and even outside the BOC.”
Sa ngayon ay pinangungunahan ni Special Police Chief Isabelo ‘Butch’ A. Tibayan III ang ESS, na nasa ilalim naman ng Enforcement Group ni Deputy Commissioner Atty. Teddy ‘Sandy’ Raval.
Belated happy birthday, ESS!
***
Ginanap sa Pilipinas, mula Marso 21 hanggang 23, ang 34th meeting ng ASEAN Customs Procedures and Trade Facilitation Working Group (CPTFWG).
Ang tatlong araw na miting ng mga opisyal ng ASEAN Customs ay ginanap sa Mactan, Cebu.
Ang host ng pagtitipon ay ang BOC, na pinamumunuan ni Commissioner Bievenido Y. Rubio.
Ayon BOC “the programs on ASEAN Customs cooperation under the CPTFWG and its Sub-Working Group (SWG) and the implementation and commitments relative to the WTO-Trade Facilitation Agreement were comprehensively discussed during the meeting.”
Sa kanyang welcome remarks, sinabi ni OIC-Depcom for Internal Administration Group Michael C. Fermin na ang ASEAN CPTFWG “confronts an extensive range of challenges.”
Ang mga “hamon” na ito ay kinabibilangan ng pag-simplify, harmonize, standardize at i-modernize ang ASEAN customs at procedures para masiguro ang resilient, marginal trade environment.”
Idiniin din ni Fermin ang kahalagagan ng tinatawag na “customs-to-customs” at”Customs-to-Business” partnerships.
Saludo rin si Fermin sa “hard work” at “dedication” ng ASEAN Customs para maabot ang objectives.
Sinabi naman ni Lim Teck Leong ng Singapore at chairman ng ASEAN CPTFWG na ang mga miyembro ng ASEAN ay “recovering from the COVID-19 pandemic.”
Ang Philippine delegation sa 34th meeting ng ASEAN CPTFWG ay pinangunahan ni Port of Cagayan de Oro District Collector Marietta D. Zamoranos.
Ang mga miyembro ay sina Clarence S. Dizon. acting director, Port Operations Service, Assessment and Operations Coordinating Group;Julito L. Doria, chief, Prosecution and Litigation Division, Legal Service, Revenue Collection Monitoring Group; at Collector Wilnora L.Cawile, chief, EAO-IAG.
***
Paalaala sa mga mobile subscribers sa bansa!
Mayroon na lang kayong hanggang Abril 26 upang ipa-rehistro ang inyong mga SIM cards.
Ayon sa Deparment of Information and Communications Technology (DICT) ang mga SIM card na hindi rehistrado ay hindi puwedeng gamitin pagkatapos ng nasabing deadline.
Napilitan ang gobyerno na iutos ang registration ng lahat ng SIM cards dahil nagagamit ang mga ito sa iba’t ibang klaseng panloloko sa kapwa, kagaya ng pananakot.
Kaya, iparehistro na ang inyong mga SIM cards para tuloy-tuloy ang ligaya.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0927-8624484/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).