Banner Before Header

Isang bukas na panawagan kay Comelec Comm. Inting

0 238
ISANG “pagsaludo” ang ating ibinibigay kay Comelec Second Division presiding commissioner, Socorro Inting, mga kabayan.

At ito ay dahil sa kanyang “matapang” na “pagtindig” sa inihaing reklamo ng gobyerno, sa pamamagitan ng ‘National Task Force to End Local Communist Armed Conflict’ (NTF-Elcac), dito sa ‘Gabriela Party List.’

Alam naman kasi ng lahat na itong Gabriela ay isa sa mga “prenteng organisasyon” ng ‘Communist Party of the Philippines’ (CPP), ayon na rin mismo sa naging “pag-amin” ni CPP founder, Jose Maria Sison. Aniya, ang Gabriela ay ilang lang sa mga ‘legal democratic forces’ ng CPP.

Kaya sadyang “matapang” lang na opisyal ang “kokontra” sa mga katulad nitong Gabriela dahil sa banta naman ng ‘ambush’ mula sa New People’s Army (NPA)—na umamin na “nagpakalat” na sila ng ‘Sparu Units’ upang paslangin ang mga “kaaway ng rebolusyon” (translation: lahat ng kontra sa kapritso ng CPP at mga organisasyon nito katulad ng Gabriela).

Kaya nga, sa kabila ng panganib, “kinontra” ni Comm. Inting ang “hirit” ng Gabriela na “huwag kilalanin” ng Comelec ang NTF-Elcac bilang reklamador, ehek, ‘petitioner,’ na gustong maalis ang Gabriela sa listahan ng mga ‘partylist groups’ na puwedeng tumakbo sa eleksyon.

At dahil sinabi ni Comm. Inting, na may ‘legal standing’ ang NTF-Elcac na kuwestyunin ang pananatili pa ng Gabriela sa partylist, eh, malaki na ngayon ang posibilidad na sa 2022 election, “tsugi” na ang Gabriela—at kung talagang “mamalasin” sila—tsugi na rin na lumahok sa darating na eleksyon ang iba pang mga katulad nitong organisasyon sa ilalim ng “Makabayan Bloc.”

***

Halos kasabay namang inihain sa tanggapan ni Comm. Inting, noong 2019, ang ‘electoral protest’ ni ex-Candaba, Pampanga mayor, Engr. Dan Baylon, laban dito kay ‘incumbent mayor’ Rene Maglangque.

Hindi natin kilala itong si yorme Maglangque, mga kabayan, pero itong si Engr. Baylon ay matagal nang sikat at kilala dahil sa kanyang bukas-palad at taos-pusong pagtulong sa ating mga kababayan sa kasagsagan ng “lockdown” noong isang taon dahlia sa pandemya ng ‘COVID-19.’

And yes, Comm. Inting, isa ang hanay ng media, sa pamamagitan ng National Press Club, sa “nabiyayaan” ng “ayuda” ni Engr. Baylon.

At hindi lang ‘yan. Higit 4,000 katao ang nakinabang sa isinagawang ‘feeding program’ ng NPC sa komunidad ng Intramuros (kung nasaan din ang tanggapan ng Comelec) noong panahon ng lockdown—dahil pa rin sa tulong ni Engr. Baylon!

Sa ganang atin naman, kung nagawang desisyunan ni Comm. Inting ang petisyon ng NTF-Elcac, eh, baka naman… puwede na rin niyang aksyunan ngayon ang protesta ni Engr. Baylon, hindi ba, mga kabayan?

‘Just around the corner’ na lang ang susunod na eleksyon at sa panig ni Engr. Baylon at ng mga mamamayan ng Candaba, kasama na si Mayor Maglangque, mabuti nang malaman nila kung ano ba talaga, Kuya: may nangyari bang dayaan o wala?

Kilos na, Comm. Inting at muli kang manindigan para sa katotohanan at katarungan.

Abangan!

Leave A Reply