Banner Before Header

Isang “ngiti” naman d’yan, Comm. Jagger

0 273
MULING nalampasan ng Bureau of Customs sa ilalim ni Comm. Rey Leonardo ‘Jagger’ Guerrero, ang ‘collection target’ ng ahensiya para sa buwan ng Hunyo—at para sa kalagitnaan ng taon (midyear collection target).

Batay sa opisyal na rekord, 11.2 porsiyento o higit P5.27 bilyon ang aktwal na koleksyon ng Aduana sa buwan ng Hunyo nang “humamig” ito ng P52.447 bilyon, kumpara sa ‘assigned target’ na P47.175 bilyon.

Simula Enero hanggang Hunyo, nakakolekta na rin ang BOC ng higit P302.744 bilyon, lampas ng P10.911 bilyon kumpara sa target nitong P291.833 bilyon.

At kumpara naman sa kaparehong panahon noong isang taon, nagrehistro ng ‘positive variance’ na halos 20 porsiyento (19.6 porsiyento) ang Aduana dahil sa sobrang koleksyon na P49.653 bilyon.

Hindi lang yan. Marami ring miron na “nangangarap “sumalto” si Comm. Jagger ang walang nagawa kundi ang “maghinagpis” dahil simula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, palaging ‘above target’ ang BOC sa koleksyon nito kaya walang “maibutas” ang kanyang mga kritiko na dapat na siyang palitan dahil sa matumal na koleksyon ng buwis.

Sa atin pang pagmimiron, hindi lang ngayong taon, bagkus, noon pang Hunyo 2020, nagsimula ang “buwenas” ni Comm. Jagger dahil sa buwan na ito nagsimulang magrehistro ng ‘surplus collection’ ang kanyang ahensiya hanggang sa buwan na ng Disyembre.

***

Bukod sa magandang pasok ng koleksyon, “aprub” din sa atin ang polisiya ni Comm. Jagger na sirain, wasakin, ang mga nakukumpiskang ‘smuggled goods’ kahit pa ang mga mamahaling sasakyan upang ipakita sa buong mundo na walang pakinabang ang mga smuggler sa kanilang pinalusot na mga kargamento at mas mainam pa na sumunod na lang sila sa mga regulasyon.

Dati-rati kasi, “ngising aso” pa ang mga smuggler kahit mahuli ang kanilang kargamento dahil alam nilang “mababawi” nila ito kapag idinaan sa ‘auction’ ng BOC.

“Aprub” din sa atin ang walang humpay na pagsasampa ng kaso ng ‘BATAS,’ isang tanggapan sa ilalim ni Depcomm. Vener Baquiran upang iparating pa rin ang “mensahe” na sa korte na “magpapaliwanag” ang mga customs broker at mga importer na nagsasabwatan sa kanilang iligal na transaksyon.

Sa ating huling bilang, nasa 42 na ang nasampahan ng kaso ng BATAS ngayong taon sa DOJ, kaya, ‘congrats’ sa BATAS at kay Depcomm Vener.

Sa magandang mga kaganapan ngayon sa Aduana, eh, siguro naman, Asscomm. Jett Maronilla, “bihira” nang ‘mahigh-blood’ itong boss ninyo, hehehe!

Aber, kahit nga “kinukulit” ako ng ilang miron kung may “tsansa” o “pag-asa” pa kaya na “mapalitan” si Comm. Jagger, ang palagi kong sinasabi, ‘zero chance’ na, hehehe. At kung may “nag-aambisyon” pa rin, ang palagi kong payo?

‘Next year na kayo…kapag nagpalit na ng administrasyon,’ tam aba Comm. Jagger?

Isang ngiti naman d’yan at isang tasang kape, puwede kaya?

Leave A Reply