Banner Before Header

Isang taon na po tayo at bakit naman Ms. Ces Drilon?

0 470
BAGO ang lahat, pagbati muna at pasasalamat sa lahat ng mga indibidwal at mga grupo na nagtiwala, patuloy na naniniwala at patuloy na sumusuporta sa ating pahayagan, ang Pinoy Exposé.

Sadyang napakabilis ng panahon at sa kabila ng malalaking hamon at mabibigat na pagsubok nang magdesisyon tayo na magbukas ng bagong dyaryo noong nakaraang taon, sa kasagsagan ng ‘lockdown’ dahil sa pandemya, “nagtagumpay” naman tayo.

Opo, isang taon na ngayon ang Pinoy Exposé! Nang simulan natin ito, partikular ang ating ‘print edition,’ tanging lakas-loob ang ating “puhunan” dahil nga sa kakaibang sitwasyon ng bansa at ekonomiya. Ang hangad lang naman natin ay “patunayan” na hindi pa “patay” ang malayang pamamahayag sa bansa, taliwas sa sinasabi at ikinakalat ng ibang grupo.

At ngayong nakaisang taon na ang Pinoy Exposé, mas mataas na ang ating tiwala na maitutuloy natin ito sa tulong na rin ng ilang mga kaibigan na nagtiwala sa ating kredibilidad at kakayahan.

Hanggang sa susunod at marami pang anibersaryo ng ating pahayagan!

***

Marami ang “naguguluhan” at nahihirapang maniwala sa anunsyo na ang bagong “katambal” ng sikat at iginagalang na broadcast journalist na si Ms. Cess Drilon ay walang iba kundi si Rep. Alfred Delos Santos ng ‘Ang Probinsiyano’ Party-list.

Sa mga nagtatanong kung bakit marami ang naguluhan at nahihirapang maniwala ay dahil “ibang klase” ang pagiging “sikat” ni Cong. Delos Santos, aka, ‘Boy Umbag.’

Marahil, malaki ang epekto sa career ni Ms. Drilon sa pagsasara ng ABS-CBN noong isang taon matapos hindi mabigyan ng bagong prangkisa ng Kongreso? Kung sabagay, aanhin mo nga naman ang kredibilidad kung wala ka namang kwarta?

Kung babalikan, si Cong. Delos Santos ay ‘nag-viral’ noong 2019 matapos makunan sa isang video clip ang kanyang “pananapak” sa isang ‘waiter’ sa isang ‘restaurant’ sa Legazpi City, Albay.

‘Of all people,’ wika nga, kahit tayo ay hindi maitindihan kung bakit pumayag si Ces maging katambal ito samantalang napakarami namang mga mga matitino at magagaling na broadcasters na pwede sana.

Kapag i-type mo nga sa Google ang pangalan ni Cong. Delos Santos, hanggang ngayon eh, makikita mo agad ang  mga nagkalat na video at mga news articles tungkol sa kanyang pang-uumbag dahil lango ito sa alak.

Sa kanya namang desisyon, napansin natin na “kinuyog” ng mga ‘bashers’ si Ces Drilon sa kanyang Instagtram account matapos niyang ianunsiyo ang kanilang programang “Basta Promdi Lodi” ni Cong. Boy Umbag, err, Cong. Delos Santos.

“Marami pang ibang interview po. There (is) nothing good that congressman brings anywhere. Pro tip po!!haha,” turan  ni genevievecaparas sa kanyang comment.

“Talaga bang co-cost mo yan?Hahaha you can get more way way credible people. You have more time po!” banggit naman ni tifftoneysoriano.

“Nice comeback @cesdrilon BUT THAT GUY?? Will affect your reputation and good public character. Beware po, “sabi naman ni iamkinsleyboucher.

Marahil, isang blocktime program ang kanilang talkshow o binayaran ang istasyon upang magkaaroon ng time slot sa radyo.

Wala naman talaga kasing  “K” itong si Delos Santos para maging radio host. May “pagka-bulol” pa nga ito kung nagsasalita at ang babaw kung mag-isip, ayon pa sa mga miron.

Ang tanong ngayon ay kung kaninong pera galing itong ipinambabayad para sa blocktime slot nila?

At ano na nga pala ang nangyari sa kanyang ethics case sa Kongreso? Bakit hindi siya napatawan ng kahit anong kaparusahan at bagkus ay ginawa pa siyang deputy majority leader?

Ang “nakakaawa,” para sa mga miron, ay itong si Ces Drilon dahil tiyak na masisira ang kanyang kredibilidad dahil nagpagamit siya kay ‘Boy Umbag.’

Sayang naman dahil magaling naman talaga siya bilang  mamamahayag.

Leave A Reply