Banner Before Header

Isko: ‘Matigas man ang bulalo, lalambot din ‘yan!

0 477
MAY request si ‘Doc’ Willie Ong kay Pang. Duterte. At ito kung “puwede” na  magtayo ng isang ‘Task Force’ para paghandaan – kung sakali nga na magpasabog ng nuclear bomb si Russian Pres. Vladimir Putin.

Delikado iyon kasi nakamamatay ang radioactive na siguradong aabot sa atin, if ever – na sana nga ay hindi mangyari at mahimasmasan si Putin at Ukraine Pres. Volodymyr Zelensky na ayusin na ang kanilang away.

Handa raw niyang kalimutan muna ang eleksiyon, at nag-volunteer si Doc Ong na pamunuan ang IATF radio active emergency response, kung mangyari ang kinatatakutang bomba nukleyar

Sana raw ay makinig si Pres. Digong at bumili ng potassium iodide para may maigamot sa mga mabibiktima ng radiation.

‘Yan ang vice president na gusto ko, maagap, masipag, masakripisyo sa sarili at mapagmalasakit, makalinga at maka-Diyos.

Ganyan naman ang mga taga Aksyon Demokratiko, laging ‘God First” at buhay at kabuhayan ng Tao ang most important sa lahat.

At imbes na magwala ka, Ms. ‘Sharon Negatron,’ gayahin mo si Doc Willie na pag pitada ng alas 3 ng hapon, nagdarasal na ‘yan para sa kapayapaan ng mundo, para gumaling ang mga maysakit at iligtas ang Pilipinas sa krisis ng giyera sa Ukraine at ‘wag tayong madamay sa away-away ng mga superpowers.

Eh, ang iniintindi ng misis ni Mang Kiko ay ang pagkagalit niya kay Atty. Panelo dahil lang sa kanta niya.

Well, next time, ang kakantahin namin ay “Sana Wala Nang Lakas” si Kiko at Madam Lu, ay sori, joke lang, hehehe.

***

Oh, mga igan, kaliwa’t kanan na, mula Camarines Sur hanggang Camarines Norte, sunod-sunod ng nagpahayag ang mga lokal na opisyal sa Bicol region ng suporta para sa LUNAS Partylist para sa darating na halalan.

Opo, dear readers, tagumpay ang pagbisita ni LUNAS Partylist first nominee nito na si Brian Raymund Yamsuan sa dalawang malalaking probinsiya ng Bicol kamakailan.

Mismong si Camarines Sur 2nd District Congressman at dating Deputy Speaker LRay Villafuerte at Camarines Sur Governor Migz Villafuerte ang nanguna sa pagsasabing LUNAS ang pambato na partylist ng Bicol sa Mayo 9.

Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta sa LUNAS Partylist sa Camarines Norte ay ang mga tumatakbo para sa pagka-Mayor na sina Vice Mayor Diday Abaño ng bayan ng  Jose Panganiban; Engr. Boyet  Valeros ng Vinzons;

Vice Mayor Juancho Ramores ng Talisay; Vice Mayor Jimmy Hernandez ng San Vicente; Board Member Godfrey Parale ng Daet; Herny Zabala ng Basud; at, Board Member Allan Quibral ng San Lorenzo Ruiz.

Suportado rin ng tumatakbong Councilor Lydia Racelis ng Vinzons; Board Member Noel Pardo; Councilor Lougene de Quilla ng Daet; Councilor Bernie Patiag at, Alex Delos Angeles ng Talisay ang LUNAS Partylist.

Ayon sa kanila, mas magiging epektibong ang pagtulong nila sa pangangampanya para sa LUNAS dahil silang mga lokal na opisyal ang humaharap araw-araw sa mga taga-Camarines Norte sa kani-kanilang mga munisipalidad.

Ayon naman kay Cong. LRay Villafuerte, napapanahon at dapat suportahan ang layunin ng LUNAS na bigyang proteksyon at mga benepisyo ang mga freelancers at ‘no-work, no-pay’ workers na siya rin niyang tinutulak sa Kongreso.

Aprubado rin sa mga lokal na opisyal ng Camarines Sur at Norte ang plataporma ng LUNAS na patibayin pa ang kapasidad ng mga local government units.

Ang LUNAS Partylist ay Numero 58 sa balota sa halalan sa Mayo.

***

Binalewala ng kampo ng Team Isko-Doc Willie ang resulta ng Pulse Asia survey ng nakaraang buwan.

Sa ambush interview ng media sa Silay City, Negros Occidental kamakailan, sinabi ni Yorme Isko na ang datos ng Pulse Asia ay hindi nagpapakita ng kasalukuyang pulso ng mamamayan dahil may isang buwan na ang lumipas mula noong ginawa ang survey, that’s mind conditioning.

“Natutuwa kami na kahit saan lugar sa Pilipinas, at kahit na teritoryo ng mga ibang kandidato ay mainit naman ang pagtanggap ng ordinaryong tao sa atin,” sabi ni Yorme Isko.

“Patuloy kami na manunuyo, patuloy kaming makikiusap, patuloy kaming hihingi ng inyong tulong at sa awa ng Diyos, maipapanalo natin ang laban na ito,” sabi ni Isko.

Ani Yorme Isko, ang nagpapalakas ng loob sa akin ay ang mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanilang kampanya, at masaya ako sa piling ng mga tao.

Mahalaga, sabi ng pambatong kandidato ng Aksyon Demokratiko, nararamdaman niya ang mainit na pagtanggap ng mga tao kahit saan sila magpunta, na halos iwan ang sinaing at i-cancel ang pagpasok sa trabaho makita lang tayo kaya taliwas ito sa mga numero na inilalabas ng ibang survey firms.

“Focus lang kami ni Doc Willie Ong, kandidatong bise presidente at mga kandidatong senador former Agrarian Sec. John Castriciones, Samira Gutoc, Dr. Carl Balita at Jopet Sison, at sana sa inyong puso, kung maluwag pa naman, isama nyo kaming anim, hindi namin kayo bibiguin,” sabi ni Yorme Isko.

Lalo siyang nagiging inspirado, paliwanag ni Yorme Isko dahil sa maraming dumadalo sa miting niya ay gumagastos ng sariling pera.

“Most of them spend their own money, or if not, spend their time just to be here. Yung marami nagdadala pa ng pagkain, ng tubig, ng pammeryenda. Nakaka-inspire ang pagmamahal nila na ipinapakita sa amin,” sabi ni Yorme Isko.

“Uulitin ko po, ang internal numbers na nakukuha namin na mas malapit sa kasalukuyang panahon ay mas malaki ang pagkakaiba hambing sa numero ng Pulse Asia,” sabi ni Yorme Isko.

Anoman ang maging resulta ng mga political survey, sinabi ni Yorme Isko na tulad ng matigas na bulalo, “lalambot din iyon,” at makukuha nila ang simpatya, puso at pulso ng mamamayang Pilipino.

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com).

Leave A Reply