Banner Before Header

Koleksyong buwis sa ‘FMP’ umabot sa P112.35-B

0 197
“AMININ” man o hindi, ang isang kinatatakutan ng mga ismagler ng mga produktong petrolyo ay ang “fuel marking program” ng gobyerno.

Walang kawala dito ang mga ismagler at mga taong sangkot sa iligal na pagbebenta ng hindi markadong  produktong petrolyo.

Simula nang umpisahan, kitang-kita ang bisa ng programang ito sa laki ng nakolektang buwis.

Mula Setyembre 2019 hanggang Setyembre 17, 2020 ang buwis na nakolekta ng gobyerno ay umabot ng P131.17 bilyon.

Ayon sa rekord ng Department of Finance (DoF), ang bulk ng buwis ay nakolekta ng BoC na pinamumunuan ni Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero.

Ang buwis na nakolekta ng BoC, na umabot ng P112.35 bilyon, ay galing sa 20 oil companies.

Ayon pa rin sa datos ng DoF, may 7.92 bilyong litro ng diesel ang namarkahan, 4.73 bilyon litro naman para sa gasolina.

Seventy-five percent ng mga namarkahang produkto ay sa Luzon.

Ang Mindanao at Visayas ay 20 percent at 5 percent, ayon sa pagkakasunod.

Nagsimula ang implementasyon ng fuel marking programa noon lang Setyembre 2019.

Kahit may  Covid-19 pandemic ay tuloy-tuloy ang implementasyon ng programa sa buong bansa.

Huwag natin kalimutan na ang programa ay naglalayong matigil ang ismagling ng mga produktong petrolyo.

Ang programa ay pinangangasiwaan ng DoF, BoC at Bureau of Internal Revenue.

Malaking tulong ito para matustusan ng gobyerno ang mga gastusin ng bansa,  lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Sa panig ng BOC, ang fuel marking program ay nasa superbisyon ni Enforcement Group (EG) deputy commissioner Atty. Teddy Raval. Mabuhay ka, Depcomm. Raval!

***

Sa susunod na Huwebes ay Oktubre 1 na.

Mayroon na lang tatlong buwan ang mga opisina ng gobyerno para magpakitang gilas.

Kailangan kasing magbigay sila ng annual report tuwing katapusan ng taon.

Sa report, kailangang ilahad ang mga nagawa nila sa buong taon.

Sa aduana, binabantayan ng taumbayan ang revenue collection ng Bureau of Customs.

Sa tingin ng marami, hindi lang maaabot ng BoC ang 2020 target collection.

Malalampasan pa ito dahil hindi nagpapa-apekto sa Covid-19 ang mga taga-BoC.

Lalo pa silang nagpupursige para maabot at malampasan ang assigned tax take nila.

***

Wala talagang magagawa kundi unti-unting luwagan ang mga quarantine protocol.

Bagsak kasi ang ekonomiya at maraming walang trabaho.

Ang kailangan lang naman talaga ay suporta ng taumbayan.

Huwag tayong pasaway at laging sumunod sa mga health protocol.

Kahit walang pulis, dapat lagi tayong may face mask,face shield. Para sa kabutihan din naman natin ang pagsusuot ng mga ito.

Laging maghugas ng kamay at huwag kalimutan ang social distancing.

Huwag nang lumabas ng bahay kundi rin lang kailangan.

Tama ba kami, Health Secretary Francisco Duque?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Leave A Reply