Banner Before Header

Korapsyon sa BOC, “nagagamot” na ni Comm. Jagger?

0 317
SA nakaraang mga pagdinig ng Kongreso at Senado hinggil sa isyu ng korapsyon sa mga ahensiya ng gobyerno kasama na ang walang katapusang isyu ng smuggling, may “napansin” tayo, mga kabayan.

‘Yun bang… hindi na ngayon “mainguso” ang Bureau of Customs (BOC) bilang “dahilan” kung bakit talamak pa rin ang smuggling.

Halimbawa sa mga naging pagdinig ng ‘House Ways and Means Committee’ noong Marso at noong isang linggo, ang pagdinig ng ‘Senate Committee of the Whole’ sa isyu ng suplay ng karneng baboy sa bansa, mismong ating mga mambabatas na, DOF secretary, Carlos Dominguez, ang “kontra” sa “ipinipilit” ng mga korap at mga “tolongges” na opisyal ng Department of Agriculture (DA) na BOC ang dapat “sisihin” sa smuggling mga karneng baboy at iba pang mga ‘agri products.’

Anila, kung may problema sa smuggling, ang problema ay wala na sa BOC, bagkus, sa mga sablay na polisiya at mga “kalakaran” sa loob ng DA!

Dangan nga naman kasi, “sino” ba ang dapat mag-inspeksyon at dapat magbigay ng ‘clearance’ sa mga dumarating na importasyon ng karneng baboy, manok, bigas, sibuyas, etc.?

Hindi ang BOC, bagkus ang DA.

Kaya nga, sa pagdinig ng Senado noong isang linggo, hindi tayo nagtataka kung “palihim” na “napapangiti” si Comm. Jagger Guerrero, dahil ang “nagtatanggol” sa kanyang ahensiya sa “pang-iintriga” ng DA ay ang ating mga senador, hehehe!

Pansinin na sa mga nakaraang pagdinig ng Senado at Kongreso, kulang na lang ay “pawisan ng gamunggo” ang mga opisyales ng Customs dahil baka matanong ng “alangan” at hindi sila makasagot, eh, malaking problema, hehehe!

Komento pa nga ni SP Tito Sotto, “matapang” humarap sa kanila ang ‘Team Jagger’ sa kanilang mga pagdinig dahil alam ng mga ito na wala silang ginagawang sablay.

Hmm. Lumalabas tuloy na “nagbubunga” na ang mga reporma at pagiging isnabero, err, istrikto ni Comm. Jagger kaya tumataas ang tiwala sa Aduana ng Senado at Kongreso, ganun ba ‘yun, DCI Raniel Ramiro?

Bagaman, marami pang dapat gawin si Comm. Jagger para tuluyang “bumango” ang pangalan ng BOC at maalis na rito ang “mantsa” bilang ‘one of the most corrupt agencies of the government.’

At kasama siguro rito ay palaging “pagsabihan” ang ilan niyang mga bataan na tigilan na ang pagiging mga “burukrata-kapitalista” kung ayaw nilang masibak sa puwesto.

‘Yun bang… ginagamit ang posisyon sa Aduana para magnegosyo. Oops! ‘Bad’ yan, mga bosing!

Abangan!

Leave A Reply