Banner Before Header

Kudos kay Atty. Des Mangaoang at mga kasama

0 163
BINABATI natin sina Atty. Ma. Lourdes ‘Des’ Mangaoang, Atty. Marlon Miranda Agazeta at Atty. Tristan Armando Ferry Langcay sa matagumpay na ‘book launching’ ng kanilang inakdang aklat, ang ‘Compendium on Customs Seizure and Forfeiture Proceedings.’

Ang launching na ginanap noong nakaraang Hulyo 19, 2021 sa NAIA, ay dinaluhan pa mismo customs commissioner, Rey ‘Jagger’ Guerrero.

Si Atty. Des ay Deputy Collector for Passenger Service ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport at isa sa mga hinahangaan at inirerespetong opisyal sa Aduana.

Ang libro ay nilimbag ng CENTRAL BOOKS at mabibili sa halagang P1,620.00 (hardbound)

Maraming pakikinabangan at matutunan sa nasabing aklat, lalo na ang mga opisyal, empleyado, broker at importer sa BoC.

Sa mga hindi pa nakakuha ng libro, bilisan na ninyo.

Ang balita natin, first edition pa lang ay nagkaka-ubusan na ng kopya!

Muli ang ating pagbati kina Atty. Des, Atty. Marlon at Atty. Tristan.

Mabuhay!

***

Ano ba ang natutunan natin sa malagim na pagbagsak ng isang C-130 cargo plane ng Philippine Air Force (PAF) sa Patikul, Sulu kamakailan?

Sa tingin ng marami ay ipinakita ng trahedya ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga sibilyan sa lipunan.

Kung hindi sa mga Muslim civilian responder ay mas marami pa sana ang namatay sa pagbagsak ng eroplano.

Mahigit kalahati ng siyamnapu’t anim na sundalong sakay ng C-130 ang namatay.

Dalawampung sundalo ang inalis ng mga Muslim responder sa nasusunog na eroplano.

Ang mga responder ay mga miyembro ng 8th Civilian Active Auxiliary Company.

Dahil sa kanilang kabayanihan, ay inirekomendang tumanggap ng AFP Bronze Cross Medal ang 27 Tausug responders.

Ang medalya ay ibinibigay sa mga sundalo at sibilyan “for their voluntary action in the face of great danger above and beyond the call of duty.”

Mismong si AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana ang nagbigay pugay sa mga responder.

Sinabi ni Sobejana na ipinakita ng mga responder ang kanilang “solidarity with us in one of the most tragic accidents in our organization.”

“We thank you wholeheartedly and vow to repay your kindness,” dagdag pa ni Sobejana.

***

Nananawagan sa publiko si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na tumulong sa gobyerno para bigyang solusyon ang COVID-19.

Magagawa ito ng taumbayan sa pamamagitan ng pagbabakuna laban sa Covid-19.

Ginawa ni Yorme Isko ang kanyang panawagan sa kanyang facebook post noong Lunes, Hulyo 19, 2021.

Sa kanyang pangatlong State of the City Address (SOCA), sinabi ni Isko na “Manila holds the national record for the highest single day vaccination” sa buwan ng Hunyo at Hulyo.

Noong Hulyo 5, umabot sa 43,011 ang nagpa-bakuna sa Manila.

“Vaccination should be faster than infection,” diin ni Moreno.

Sinabi ng alkalde ng Maynila na ang pagpapabakuna ang solusyon sa pandemya.

Sa tingin ng marami ay nagbago na ang tingin ng taumbayan sa pagpapabakuna.

Dahil siguro sa takot sa mga bagong variant ng COVID-19 na sinasabing “mas mabilis” makahawa.

Ang problema ngayon ay ang kakulangan ng suplay ng bakuna.

Dahil sa bagsik ng ‘Delta variant’ ay nag-uunahan ngayon ang mga bansa sa pagbili ng mga bakuna.

****

Good news ito sa mga importer, broker at kawani ng Bureau of Customs (BoC).

Bakit sila masaya?

Ang Pilipinas ngayon ang pangatlong bansa sa Southeast Asia kung ang pag-uusapan ay trade facilitation.

Nakaungos lang sa atin ang Singapore at Thailand.

Ang Pilipinas ay nakakuha ng score na 86.02 percent sa implementation ng trade facilitation.

Ang Singapore at Thailand ay may iskor na 95.7 percent at 87.1 percent, ayon sa pagkakasunod.

Nakuha ng Pilipinas ang rating sa global survey on digital and sustainable trade facilitation na isinagawa ng United Nations.

Ang magandang record na ito ay pagpapatunay lamang na nasa tamang landas si BoC Chief Jagger Guerrero.

Congrats, Sir Jagger!

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/tingnannatin08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Leave A Reply