Banner Before Header

Kudos kay Comm Rubio at Customs Intel Group!

0 133
SANLIBONG saludo sa makikisig, masisipag at matatapat na opisyal at kawani ng Bureau of Customs (BOC).

Nitong Miyerkules, October 4, nasabat ng tropa ng Customs Intelligence and Investigation Services-Manila International Container Port (CIIS-MICP) sa pamumuno ni Intelligence Officer Alvin Enciso at Jan Adan Mose ng XIP (X-Ray Inspection Project) ang tinangkang palusutin na na P2.2 bilyong halaga ng shabu. At siyempre,  ito ay malaking tagumpay sa War on Drugs ng BOC at pamahalaang Marcos, sa pamumuno ni Commissioner Bienvenido Rubio!

Sabi nga, matalino man ang matsing, mas matalino ang mga ahente ng CIIS-MICP nang ma-detect ang mga nakasupot na ‘dried beef’ kung saan “nakahalo” ang tinatayang mahigit sa 324 kilos ng methamphetamine hydrochloride na mas kilala natin na shabu.

Opo, nakagugulat ang dami ng kinumpiskang iligal na droga na naipresenta sa media sa  loob ng Designated Examination Area (DEA) Container Facility Station 3 (CFS3) ng Manila International Container Port.

Hehehe, akala ng mga hindoropot na drug traffickers, mapalulusutan nila ang mga tao ni Commisioner Rubio, lagot kayo kasi, totohanan ang kampanya ni Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na maipakukulong kayo.

Grabeng kasalanan ito sa bayan,  sa 324 kilo ng shabu na ito kung naikalat sa bentahan, libo-libong kabataang Pinoy na naman ang mabubuwang at magko-contribute ito sa karumaldudmal na krimen.

Opo, nakagugulat ang dami ng nasabat na droga na itinago, isinilid sa laminated “beef jerky” na di nakaligtas sa matatalas na lente ng x-ray machine at ng di-matitinag na katapatan ng mga tao ng DEA-MICP personnel.

Sa imbestigasyon, lumalabas na mula sa Mexico ang kontrabandong droga na dumating noon pang Pebrero 24 ngayong taon sa DEA-MICP.

Upang maitago sa mata ng Customs, idineklarang “Laminated Beef Jerky at Carne Seca,”  ang kontrabado na ang consignee ay  “Salesbeat Within OPC” by Logistica Integral Aduana Meyma and Aime Express Logistics SA DE CV.

Pinupuri natin ang tropa nina MICP Intelligence Officer Alvin Enciso at Jan Adam Mose ng XIP at iba pang mga kasama na naging alisto at maagap sa pagsabat ng droga.

Kaya, isang napakainit na pagbati, cheers, congratulations sa matatapat na mga tao ni Comm. Rubio.

They deserve our thousand salutes and I hope, commendations for them are in order.

Kudos po sa magagaling na BOC officers!

***

Sa wakas, pinangalanan na ni PBBM ang mga rice hoarders, profiteers at rice price manipulators, at hinihikayat natin sina Speaker Martin Romualdez at Senate President Miguel ‘Migz’ Zubiri na hindi lang usigin ang mga economic saboteurs kungdi pati ang kanilang mga kasabwat ay mahubaran ng maskara.

At madaliin na ang mga batas na magbibigay ng mabigat na parusa sa mga lintik na mananabotahe ng ating ekonomya.

Sana, makasuhan ang mga tiwaling negosyante, at hindi na sila makapagnegosyo pa at maipabilanggo nang habambuhay.

Salamat at hindi lang sa West Philippine Sea conflict nagpapakita ng tapang si PBBM; matapang din siya sa pagpapatalsik sa mga walang kuwentang miyembro ng kanyang Gabinete na puro lang salita, pa-PR pero wala namang talagang ginagawang solusyon sa lumalalang krisis sa kabuhayan.

Aba, dahil sa mga inutil na tao niya sa Malakanyang at sa Gabinete, hayan, mabilis na bumababa ang approval and trust rating sa madlang bayan.

Pakiusap po, Mr. President, pakisipa na ang mga inutil mong Gabinete, at makinig ka naman sa magagandang payo ng iyong ate Sen. Imee Marcos.

Tunay ang malasakit ng ating Senadora sa kapakanan ng ating mamamayan, at nakikita niya — close-up — ang mga pabigat sa inyong administrasyon, Pangulong Bongbong.

***

Dura Lex Sed Lex – mula ito sa wikang Latin na sa English ay “It si harsh, but it is the law.” (Malupit ito, pero ito ang batas).

Ibig sabihin, kung ang isang tao ay may ginawang kasalanan, at ang katapat na parusa ay malupit, mabagsik o marahas, walang dapat na gawing pag-iwas at ito ay dapat na ipatupad, dahil iyon ang iniuutos ng batas.

Dura Lex Sed Lex sa mga maliliit at mga walang ranggo at walang malaking pangalan.

Dura Lex Sed Lex… sa kaaway lang yun, pero sa kakampi, okay lang.

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com).

Leave A Reply