Banner Before Header

Lahat ng Pilipino, mahalaga kay Isko!

0 272
TUTUTUKAN natin ang mga kandidatong bise presidente, kasi equally very important sila.

Sa mga bagong senador at mambabatas, rebisahin ninyo ang batas, itulad sa US, kung sino ang nanalong Pangulo, automatic, panalo rin ang katiket na Pangalawang Pangulo.

At isa sa tungkulin ng Bise, kundi automatic na cabinet member ay iupong Senate President.

Sa atin kasi, spare tire o reserbang gulong ang Bise, at kung hindi kapartido, ayun, madalas kaysa hindi, imbes na tumulong, nagiging “panggulo” sa programa ng gobyerno.

Sa mga kandidatong Bise, para sa akin, da best si Dr. Willie Ong na katiket ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.

Wala tayong maipipintas kay Doc Willie na isang kilala at magaling na cardiologist, tulad din ng misis niya, si Dr. Liza Ramoso-Ong na laging pagtulong sa kapwa ang ginagawa.

Eh, itong si Sen. Kiko Pangilinan na VP candidate ni Madam Leni, ay sa social media, mabibilang ang pumuri sa kanya, mas maraming natawa sa kanyang”Sana All” speech.”

Dramang-drama ang dating, masyadong emosyonal, wala namang appeal sa publiko.

Alam kasi ng madlang pipol kung sino si Kiko – isang trapo, inside and out.

Inaasahan na mamahalin si Kiko ng mga taga-showbiz, pero “nakakaiyak” ang mga upak sa kanya, nadamay tuloy si Ate Shawie.

Eto ang makirot na post ng sikat na entertainment writer-radio-TV host na si Jobert Sucaldito.

“Wala kaming matandaang tumulong ang mag-asawang Kiko at Sharon sa entertainment media na kinasasakupan namin.

“Much more sa taumbayan tila nagpayaman lang ito sa pulitika kaya big NO siya sa aming hanay.

“Nitong whole time of pandemic deadma talaga sila sa amin. Dito nagkamali ang Dilawan sa pagpili kay Sen. Kiko as VP Leni Robredo’s running mate. Instead na makatulong sa koponan tiyak hihilahin lang sya nito pababa. That’s for sure.”

Tama si Jobert, si Kiko ay isa sa mga senador na bumoto ng “NO” sa Bayanihan 2.

Ayaw ni Kiko na mabigyan ng ayuda ang mga Pilipino na hanggang ngayon ay naghihirap gawa ng pandemyang COVID-19.

***

“Sana all, may trabaho,” sabi ni Kiko. Sana all daw ay may sariling tahanan, Sana all daw ay ligtas, sana all daw ay makapagtapos ng pag-aaral, etcetera, etcetera.

Hehehe, sana, hindi katulad mo, Kiko, sana hindi ka korap, sana hindi ka mapagpanggap.

Sana may hiya ka, sana hindi makapal ang iyong mukha.

***

Ano raw ang plano ni Yorme Isko sa war on drugs, kung siya ang Pangulo?

Kontra siya sa EJK, at ang kanyang national anti-drug campaign ay ibabase niya sa batas at sa due process.

“Igagalang ko ang human rights,” sabi niya.

Naniniwala si Yorme Kois, bawat tao ay may karapatan na ipagtanggol ang sarili sa harap ng hukuman.

Priority niya ang pagsugpo sa ilegal na droga, pero gagawin niya ito, sabi ni Isko sa pagkilala sa karapatan ng bawat suspek sa makataong trato at paniniwala na hanggang hindi nahahatulan na nagkasala, ipapalagay na ang isang akusado ay walang kasalanan sa harap ng batas.

“Hindi ko ito-tolerate ang EJKs.

***

Kaya tumatakbong Presidente si VP Leni para raw mapigilan ang pagbabalik ng mga Marcos.

Kung hindi pala nagdeklarang tatakbo rin sa Panguluhan si dating Sen. Bongbong Marcos, talagang hindi tatakbo si Madam Leni?

Napilitan lang siya, kasi gusto niyang talunin si Bongbong, at iyon lang ang dahilan niya: wala nang iba pa.

Kaya tama si Yorme Isko nang kantyawan si Madam Leni na paano naman ang milyon-milyong Pilipino?

Paano ang mga walang trabaho, ang mga nagdidildil ng asin, ang tao na walang inaasahang magandang inaasahan sa buhay?

Bakit Marcos na naman ang isyu?

E, kasi nga utak Dilawan pa rin si Madam, kahit na Pink na raw raw siya ngayon.

Para nga siyang itlog na maalat, pink sa labas, pero dilaw na dilaw sa loob, sanabagan!

***

Kay Yorme, lahat ng Pilipino ay mahalaga, maka-Marcos man sila, anoman ang kulay sa politika.

Okay sa kanya ang Dilaw, basta handang sumama sa kanyang pagnanais na maibangon sa lugmok na buhay ang mga Pilipino.

Okay sa kanya ang Pula, kung ang nais ay kapayapaan at katahimikan ng bansa.

Okay sa kanya kahit ano pa ang kulay, dahil ang gagawin niya ay pagkaisahin ang bansa, ang lahat tungo sa iisang diwa.

Iisang layunin at hangarin.

Gagawin niyang buklod-buklod ang mga Pilipino, tulad ng kulay ng ating bandila!

Iisang Bangka, Iisang Bansa!

Pilipinas, God First!

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com).

Leave A Reply