NOBYEMBRE 13, Sabado, pormal nang nagretiro sa serbisyo si PNP Chief Gen. Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar.
Kahit anim na buwan lang na naging hepe ng PNP si Eleazar ay naging “mabunga” naman ang kanyang panunungkulan.
Ipinamalas niya ang kanyang “brand of leadership” na nagpalapit sa kanya sa taumbayan mula pa noong pumasok siya sa serbisyo noong l987.
Sa totoo lang, isa si Eleazar sa mga heneral ng militar at pulis na “Darling of the Press.”
Isa siyang “fair and just” na lingkod-bayan.
Para sa kanya ay patas ang pagpapatupad ng batas.
Walang mahirap, mayaman, malakas o mahina kung ang pag-uusapan ay pagpapatupad ng mga batas.
Mahirap sigurong makalimutan ng taumbayan ang kanyang malasakit sa mga naaaping kababayan natin.
Kung may mang-aabusong pulis o militar ay hahanap-hanapin si Eleazar.
Alam kasi ng taumbayan na may kalalagyan kay Sir Guilor, ang mga abusadong “men and women in uniform.”
Pero baka sandali lang magpahinga si Gen. Eleazar.
Hindi malayong may nakahandang civilian post sa kanya—puwede rin siyang senador!
Mabuhay ka, Heneral Guilor!
***
Unti-unti ng bumabalik ang dating sigla ng ating ekonomiya.
Kaya lang, hindi natin dapat biglain ang pagluwag sa mga restriction dahil sayang naman kung bigla na namang pumalo ang bilang ng mga tatamaan ng COVID-l9.
Kapag nangyari ito, mahihirapan na tayong bumangon.
Ubos na kasi ang pera ng gobyerno sa dami ng mga pinagkakagastusan natin.
Kagaya nang lagi nating sinasabi, pagtuunan natin ng pansin ang pagtuklas sa gamot laban sa COVID-l9.
Nandiyan na ang sakit na ito. Kagaya na ito ng iba pang sakit na laging nagpapahirap sa atin.
Kailangang bigyan natin ng “pabuya” ang makakatuklas ng mabisang gamot sa COVID-l9
para mahikayat natin ang marami na sumali sa paghahanap ng lunas.
Dito sana tumulong ang malalaking pribadong kumpanya.
Sila ang magbigay ng malaking pabuya para mapadali ang pagtuklas sa gamot laban COVID-l9.
***
Sa Lunes, Nobyembre l5, ay malalaman na natin ang mga siguradong tatakbo sa pagka-presidente at bise presidente sa Mayo 9, 2022.
Pagkatapos nito ay magsisimula na ang totoong “pukpukan.”
Kahit sa Pebrero pa ang simula ng opisyal na pangangampanya ay talaga namang hindi na mapigilan ang matinding batuhan ng putik.
Sana nga, hanggang sa balitaktakan na lang at huwag mauwi sa sakitan.
Eleksyon lang ito. hindi pa naman katapusan ng mundo sakaling matalo.
Puwede naman maging fiscalizer ang mga matatalo para mabantayan ang mga nasa puwesto.
O puwedeng sumama sa mga mananalo kung may offer sa ruling party.
Ang mahalaga ay magtulong-tulong tayo dahil hindi biro ang kalagayan natin ngayon.
Bagsak na bagsak ang ating ekonomiya at kailangan nating ibangon.
Tama ba kami, Pangulong Duterte?
(Para sa ibyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #(0969) 037 7083/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)