Banner Before Header

‘Maruming Pulitika’

0 398
KAMAKAILAN, nagkaroon tayo ng pagkakataon na “makadaupang-palad” si Biñan City councilor, Jose Francisco ‘Cookie’ Yatco.

Napadaan kasi tayo sa isang gasolinahan si SLEX na pag-aari pala ng kanyang pamilya at “tiyempo” naman na ‘andun siya kaya lakas-loob tayong nakipaghuntahan sa kanya.

“Interesado” tayong maka-usap si ‘Konsi’ dahil may kumalat na “alingasngas” sa Biñan na may nagreklamo sa kanya, isang babae, sa lokal na pulisya.

Higit 2 dekada na rin tayo sa pamamahayag at kasama sa panahong ‘yan yung pagiging police reporter na ang “iniikutan” natin ay ang buong Calabarzon/Southern Luzon, kasama na ang Biñan, bago pa man ito nadeklarang isang “lungsod” noong 2010.

Dahil dito, “karakas” pa lang, may “vibes” na tayo kung “masama” o “mabuti” siyang tao, kung siya ba ay “bolero” (translation: “sinungaling”), partikular na kung isa siyang lingkod-bayan.

At dito kay Konsi Cookie, aber, “magaan” agad ang ating “pakiramdam” sa kanya!

Magalang magsalita at prangka na hindi bastos ang dating and yes, may “tindig.”

Kumbaga, kapani-paniwala itong si Konsi Cookie.

Binanggit natin ang mga napansin natin na mga katangian niyang ito hindi dahil gusto nating “sumipsip” sa kanya—ano bang mapapala natin eh, hindi rin naman ako residente ng Biñan at mga ‘national news’ na ang ibinabalita natin.

Binanggit natin dahil matapos matawag ang ating pansin sa “ginawang” isyu sa kanya, “hinalukay” din natin ang ‘Facebook’ para naman tingnan kung may “batayan” ba ang bintang sa kanya na “pangmomolestiya” nung babaeng nagkrelamo sa pulisya.

Bilang police reporter, isa sa mga ‘unwritten rule’ sa ganitong mga balita ay “pumanig” sa biktima.”

“Suwerte” naman na nakita natin ang ‘profile’ nung nagreklamo at, “pasantabi” lang muna, dear readers, eh, dalawang bagay lang: “lasing” at “wala sa huwisyo” itong si Konsi Cookie o kaya naman, wala siyang “taste” o “panlasa,” huhuhu, ayy, hehehe!

Habang papalapit ang eleksyon, dapat alam na nating lahat na dadami rin ang mga bintang at “eksena” upang sirain ang pangalan at reputasyon ng isang kandidato, katulad ni Konsi Cookie.

Kunsabagay, “ibang klase” rin kasi ang pulitika dyan sa Biñan, batay na rin sa ating naging karanasan.

Sa kaso ni Konsi Cookie, mas dapat paniwalaan ang nasabi niyang “maruming pulitika” ang nasa likod ng paninirang-puri sa kanya.

At dahil ‘below the belt’ ang ginawang upak sa kanya, abangan naman natin ang “resbak” na iminumungkahi sa kanya ng kanyang mga abogado!

Abangan ba? Eh, di… abangan!

Leave A Reply