Banner Before Header

Mga ‘mahimalang’ nagawa ni Isko sa Maynila!

0 774
NATANDAAN pa ba ninyo ‘nung kastiguhin ni Pang. Duterte ang Philippine Air Lines, Mighty Corporation at iba pang oligarko kung saan katakut-takot na mura ang ipinaligo sa kanila nito? At sa malaking kahihiyan ay napilitang magbayad sa bilyon-bilyong tax debts sa gobyerno?

I wonder, bakit ang tahimik ng ating gobyerno sa hindi makolektang mahigit sa P203-billion estate tax sa pamilya Marcos?

(Ang ‘estate tax’ ay dapat bayaran ng mismong may-ari nito at hindi ng tagapagmana maliban na lang kung patay na; batay sa RA 11213, pinalawig ang pagbabayad ng estate tax hanggang Enero 24, 2023– Editor)

At ang wonder of all wonders, kinampihan pa ng Alfonso Cusi wing ng PDP-Laban ang kandidatura ni Bongbong Marcos Jr. na sabi nga ni Ernest Ramel na chairman ng Aksyon Demokratiko ay “sino” ba si Bongbong aka BBM?

Walang karakter si BBM kasi, sa halip na tuparin ang pangako na ipinag-utos ng Korte Suprema na bayaran nila ang tax liabilities, aba, nangangatwiran pa na ‘fake news’ daw iyon.

Sa ating mga dugyot, ang ‘utangero’ ay tinatawag nating ‘estapador’ at super balasubas.

Kayo, dear readers, boboto ba kayo sa isang ‘estapador?’

***

Sinabi ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na kung siya ang sakaling mahalal na pangulo sa Mayo 2022, sa awa ng Diyos at tulong ng mamamayang Pilipino, hindi niya tantanan ang pagsingil sa P203-B na estate tax ng mga Marcos.

At ipapakumpiska niya, ipale-levy at ipapasubasta ang makikita na iba pang pag-aari ng mga Marcos para makuhanan ng pambayad sa kanilang mga utang sa ating mamamayang Pilipino.

Sabi nga ni Yorme Isko sa ‘Serve the Nation presidential interviews’ sa TV5, pati ang mga jewelries, mamahaling paintings na nakaimbak lang at iba pang mga gamit sa vault ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ipabebenta niya.

Basahin ninyo ang ‘massive ill-gotten jewelry collection’ na nakuha sa pamilya ni BBM, na ang tantiyang halaga ay  P1 billion:

  1. Diamonds studded tiaras, necklaces, brooches, earrings, belts, at super mamahaling relo na tulad ng Patek, Philippe, Rolex, at Cartier.
  2. Jewelry na gawa ng Bulgari, Van Cleef and Arpels, and Bucellatti, at 25-carat pink diamond na pinakapambihirang alahas sa buong mundo.
  3. Obramaestrang paintings tulad ng “Madonna and Child” paintings by Michelangelo; “Femme Au Chapeau,” “Paysage,” “Jeune Femme En Rouge,” “Coupe De Fleurs,” five “Vase De Fleurs,” “Panier De Fleurs” and “Jeune Femme Shabilant” by Paule Gobillard; and a Picasso replica brass strokes.
  4. Iba pang paintings ng iconic artist na sina Van Gogh, Picasso, Monet, Pierre Bonnard, and Michelangel at iba pang masterpieces.

“Paktay” na nga raw kapag si BBM ang nanalo, babala nga ni Ramel, goodbye na ang multi-billion pesos na utang nila sa gobyerno at kawawa tayo, mamamayang Pilipino.

***

Kung makokolekta ang bilyong-bilyong piso na utang ng pamilya ni BBM, malaking ginhawa sa dugyot nating buhay at kabuhayan.

Kaya nga suportahan natin ang apila ng ating chief campaign strategist Lito Banayo at Ramel kay Finance Secretary Carlos Dominguez na utusan ang BIR na kolektahin na ang P203-B Marcos debt para may maiayuda na sa naghihirap na magsasaka, mangingisda,  PUV drivers, at karaniwang mamamayan na super kuba na sa sobrang taas ng presyo ng pagkain, at iba pang bilihin.

Kung mapagbabayad sa utang ang mga Marcos, mabibigyan ng buwanang ayuda na P4K bawat isa sa 4.2 million workers na pinerwisyo ng pandemya at pagbagsak na ekonomiya.

Kung totoo ang sinasabi ng tropa ni BBM na kailangan natin ay ‘Unity’ para makabangon ang Pilipinas, aba, magkaisa na kayo, na pagbayarin ng P203-B ang mga Marcos nang guminhawa ngayon pa lang ang madlang pipol.

Kaso, sabi nga ng netizens na nababasa ko sa social media, ano raw ang mga Marcos … mga magnanakaw cum laude, hehehe.

***

Hindi po fake news kasi, final and executory na utos ng Supreme Court na may utang nga na dapat bayaran ang pamilya Marcos.

At noong Dsiyembre 2, 2021, nagpadala uli ang BIR ng demand letter na ipinaalaala kina BBM na bayaran na ang P203-B na utang sa madlang Pilipino people na dinededma lang ni Bongbong at itinatangging ‘fake news’ daw?

Kung ang karakter ng isang kandidatong presidente ay magaling magsinungaling,  mahusay na tumambling para makaiwas magbayad ng utang, at ayaw sumunod sa batas at utos ng Supreme Court, ano ang maaasahan mo kung siya ang maging pangulo ng Pilipinas?

Aba, kungdi pa kandidato ay nambabalasubas na, eh ano pa kung pangulo na?

***

Ito po ang sabi ni Ernest Ramel: “Ikaw na po ang nagsabi noong Biyernes, G. Marcos na tatalima ka anuman ang iutos ng korte. Sir, the Supreme Court had already spoken in 1997. Hinihintay naman po namin kung kailan kayo magbabayad ng buwis na umabot na sa P203-B. Tama na po ang pagtatago sa mga mamahaling abugado na mahilig lamang lituhin ang taumbayan. Malinaw po at ang katotohanan ay nasa harapan na po nating lahat.”

Kayo na po, bayan ang humatol kung dapat o hindi dapat na iboto si BBM na pangulo sa Mayo 2022.

***

Kung ano ang ginawa ni Yorme Isko sa Maynila, aba, ito rin ang gagawin niya sa buong bansa, at ito ang proofs sa mabilis na aksiyon ng kandidatong pangulo ng Aksyon Demokratiko.

Dating dugyot na kalye ng Maynila, ngayon ay cute, pati na ang mga parks at landmarks tulad ng Manila Zoo.

Daming iskwater sa ibang siyudad ang inggit na inggit kasi may pito (7) na pabahay sa Maynila, world-class na Ospital ng Maynila at tatlong (3) 10-storey  fully-airconditioned public school buildings.

Eto pa de-kalidad na COVIDd-19 field hospital na itinayo sa loob ng 52 araw;  24/7 na libreng testing at bakunahan kabilang ang drive-thru sa Luneta.

Libreng mga gamot versus COVID sa lahat, Manilenyo ka man o taga-bundok; ayudang food sa mahigit 700,000 na pamilyang Manilenyo sa loob ng anim na buwan na nagawa sa gitna ng krisis sa loob lamang ng 2 taon.

Sa mahimalang ginawa ni Yorme Isko, ewan ko na lang pag hindi ka bumilib sa kanya, kesa sa ilang kandidatong ang dalang tulong ay media, kamera, post sa social media na kuno kahit wala pa ang giyera sa Marawi, e nandun na siya at unang lumulusong sa baha at bagyo, nauuna pa sa mga pulis at sundalo.

At ang hilig na magbuhat ng sariling bangko, magaling magnakaw sa magandang nagawa ng iba,  pero ang bilis tumanggi at magparatang ng fake news, at magpa-photo shop ng mga rally (daw) at caravan, gayong laging lutang lang sa lobo, bulaklak, payong ang kuha ng drone at hakot-hakot ang dalang bayarang tagasigaw.

Ay, ang lutang at ang magnanakaw ng kredito at kilos dorobo.

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com).

Leave A Reply