Banner Before Header

Mga siyentipiko, hindi sundalo ang “panlaban” sa gutom at COVID-19

0 1,026
MGA PINOY lang ba ang nakararanas ng gutom, gawa ng masamang epekto ng COVID-19?
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong Setyembre 17, mayroon daw na 30.7 porsiyento, katumbas ng 7.6 milyon pamilyang Filipino ang nakaranas nang di-inaasahang gutom sa loob ng tatlong buwan ngayong 2020.

Mas mataas ito ng 2.4 milyon mula Hunyo; 22 porsiyento o 5.5 milyong pamilya ang nakaranas ng bahagyang pagkagutom (minsan sa loob ng nakaraang tatlong buwan habang 2.2 milyon pamilya ang dumanas ng sobrang pagkagutom.

Sabi pa ng SWS ang trend ay pataas simula pa noong Mayo 2020.

Tingnan natin ang ulat ng pagkagutom sa buong mundo:

Ayon kay Maximo Torero Cullen, chief economist ng Food and Agriculture Organization (FAO) ng United Nations, simula nang manalasa ang COVID-19 pandemic, umabot na sa 80 hanggang 130 milyong tao ang nakaranas ng matinding gutom.

At ito ay madaragdagan pa ng 10 milyon sa isang taon at aabot hanggang 60 milyon sa susunod na 15 taon.

Una pa rito, 2 bilyon na tao sa buong mundo, ang kapos o nakakaranas ng matinding gutom; 746 milyon mga tao sa mundo ang wala talagang sapat na makain.

Sa kontinente ng Africa, nasa 200-M ang madalas makaranas ng gutom, sabi ni David Beaseley ng World Food Program, magdaranas pa ng malawak na pagkagutom sa bilyon-bilyong tao sa buong mundo.

Noon lamang 2018, nakapagtala ng 10 milyon ang nakaranas ng gutom sa buong mundo, ayon sa pa sa FAO report.

***

Sa kaso ng Pilipinas, bunga ng istriktong pagpapatupad ng lockdown quarantine simula nang Marso ngayong taon, milyon nga ang dumanas ng gutom at kawalan ng sapat na pagkain.

 

Marami ang nawalan ng trabaho bunga ng pagsasara ng maraming industriya at negosyo sa paghahangad ng gobyerno na mapigil ang mabilis na pagkahawa at pagkalat ng COVID-19.

Kinailangang magbigay ng ayudang salapi, pagkain, gamot, vitamina at iba pang tulong ang gobyerno na umabot ng daan-daan bilyon-bilyong piso na pinondohan ng Kogreso at Senado sa bisa ng batas na Bayanihan to Heal As One Act at Bayanihan Act 2.

Sa mga ulat, umaabot na trilyon- trilyong piso ang ginastos ng gobyerno na nagmula sa inutang sa mga lokal na bangko at World Bank, at bukod pa rito ang mga tulong na salapi at donasyon mula sa gobyerno ng China, US, Canada, Japan, Australia at iba pa.

Bunga ng krisis na dala ng pandemyang COVID-19 na naglugmok sa estado ng ekonomiya, negosyo, at kalusugan ng bansa, madalas na inuupakan na walang silbi at inutil ang gobyerno upang matulungan ang mamamayan.

Sabi ng mga kritiko, wala umanong direksiyon at “magulo” ang mga hakbang ng gobyerno na imbes na makatulong sa pagpapagaan ng buhay ng karaniwang pamilya, ang bilyon-bilyong pisong ayudang Social Amelioration Program (SAP), ito ay lalong magpapalubha sa trilyon-trilyong utang ng administrasyong Duterte.

Upak ng mga kritiko, habang nagtatagal, ang paulit-ulit o pabago-bagong istriktong lockdown quarantine sa mga komunidad na marami ang COVID cases ay lalong mahihirapan ang buong

May mga kumokontra sa lockdown quarantine, kabilang ang Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDC-PH) na hiniling na alisin na ang mahigpit na health protocols, buksan ang mga negosyo at industriya at patindihin ang maagap na paggamot sa mga mahahawahan at magkakasakit ng COVID-19.

Ayon sa CDC-PH, may mabisang gamot na panlaban sa sakit na ito – ang Hydroxychloroquine (HCQ)– na ginagamit ng maraming doktor sa ibang bansa na nagpakita ng magandang resulta at malaki ang ibinaba ng mga kasong COVID-19.

Hiniling na ng CDC-PH kay Presidente Rodrigo Duterte na bigyan sila ng pagkakataong makausap upang maipaliwanag ang kanilang mga mungkahi, at magabayan ang IATF-EID at kung maaari, maisama sa taskforce laban sa COVID-19 ay mga dalubhasang doktor, epidemioligist at siyentipiko na may malawak na kaalaman at karanasan sa paglaban sa nakahahawa at nakamamatay na mga sakit.

***

Mga doktor, siyentipiko, mga dalubhasa sa sakit na nakamamatay ang dapat na isagupa sa giyera laban sa virus at mikrobyo.

Sila na tao ng siyensiya at medisina ang panlaban sa COVID-19, hindi mga sundalo.

Aabutin pa ng maraming taon, pinakamaaga ay katapusan pa ng 2022 maaaring masubukan ang bisa ng (mga) bakunang idinadaan sa experimento upang ganap na malupig ang COVID-19.

Maagap na tugon, mabisang taktika at maagap na gamutan lamang ang makapipigil sa kagutumang nararanasan, hindi lamang ng milyon-milyong Filipino kundi, ang bilyon-bilyong tao sa buong mundo.

(Para sa inyong suhestiyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com)
Leave A Reply