MISTULANG nanood ng teleserye sa Netflix ang mga madadaldal dito sa atin dahil sa pinalabas ng mainstream media na kalahating dosenang serye ng isang “nakasisindak” na palabas na suportado ng news network sa Kanluran at pinagbidahan ng mga opisyal at pulitikong Pilipino.
Ang nakasisindak na palabas na dapat pinamagatang “From Bogeyman to Coup Plot” ay nagsimula noong Marso 20 at natapos noong Abril 18, 2021.
Ang sinasabing bogeyman ay ang 220 barkong pangisda ng Tsina kung saan sinabi naman ng Task Force-West Philippines Sea (TF-WPS) na pinaniniwalaang lulan nito ay mga Chinese militia na nakaangkla sa Union Banks’ Whitsun Reef’s lagoon (Julian Felipe). Kahit ito ay ispekulasyon na gawa ng imahinasyon lamang ay ginawa pa ring balita ng mainstream media.
May ilang bahagi ang pagpapaikot sa nasabing balita: nagsimula sa may mga barkong pangisda ang Tsina na “CMM” (Chinese Maritime Militia) at nagpatuloy hanggang sa natapos ang agit-prop (agitation and propaganda) operation noong Abril 18, 2021 nang magsalita ang mga opisyales ng tanggulang pambansa na sina Lorenzana and Sobejana sa social media na walang “AFP officials’ withdrawal of support” kay Pang. Duterte.
Sa simula, ang dating 220 barkong pangisda ng Tsina na naka-angkla sa Whitsun Reef ay biglang naging kuyog (swarm).
Sa katotohanan hindi naman napakalaking bilang ang 220 at hindi rin ito kakaiba. Ayon sa SEAFDEC, ang Pilipinas ay may kabuuang 250,000 na barkong pangisda na maliliit at di gaanong kalakihan (medium) samantalang ang nakarehistro bilang barkong pang-komersyo ay nasa 4 na libo.
Ang Tsina ay may 700,000 na barko na nakakalat sa loob at sa kanilang baybaying-dagat at sa buong mundo kaya hindi malaking bagay ang 220 barko lamang.
Kapansin-pansin na pinalaki ng media dito ang isyung ito sa kanilang agit-prop na nakatutok sa kaisipang laban sa Tsina at ito ay walang kinikilalang hangganan sa kapasidad na manira.
Kahit noong una pa lamang ay ipinaliwanag na ng embahada ng Tsina na ang 220 barkong pangisda ay sumisilong o naka-angkla sa Whitsun Reef’s lagoon dahil sa masamang lagay ng panahon.
At ito nga ay napatunayan ng American NOAA (National Oceanography and Atmospheric Administration); ayon sa aking pagsasaliksik, hindi maganda ang lagay ng panahon sa bahaging iyon ng Whitsun Reef noong Marso 24, 2021.
Kahit anong paliwanag ng embahada ng Tsina ay patuloy na pinalaki ng mainstream media ang isyu at giniit pa rin na ito ay mga “militia ships” at handang manakop hanggang sa magtayo ng mga istraktura (kuno) sa nasabing bahura (reef). Kahit isa sa mga nabanggit ay walang nangyari makalipas ang isang buwan.
Ano ang nangyari? Noong sinabi ni H.E. Huang Xilian, ambassador ng Tsina ang masamang lagay ng panahon ay tinuring ito ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na isang insulto at nagalit pa sa Chinese ambassador.
Hindi dapat ito ang ginawa ni Lorenzana bagkus ay pinadaan niya sa Department of Foreign Affairs at malinaw din na ang kanyang reaksyon ay walang batayan ng kaalaman sa larangan ng mga barkong pangisda.
Kung akala natin na dito natapos ang kabanatang ito, may kasunod pa – ang aksyon serye ni Chiara Zambrano na hinabol o humabol daw sa barko ng Chinese Coast Guard.
Ang aksyon na palabas ay naging katawa-tawa dahil isa lamang malaking kasinungalingan ang naganap na insidente sa pagpapaliwanag ni Atty. Sal Panelo, base sa ulat ng DND.
Ang mahabang salaysay na ito na tumagal ng isang buwan ay maliwanag na pang-aabuso sa mentalidad ng tao kung paano nila ito hinubog sa gusto nilang isipin na reyalidad na malaking sabwatan ng mainstream media, pulitiko at burukrata at pakikialam ng US gamit ang kanyang mga tuta sa Phil. Navy, DND at AFP.
“Sa loob mismo ng Philippine Navy lang ay may mga nagsasalita tungkol sa Tsina na hindi sang-ayon kay Duterte.
Gaya ng dati, wala na munang mananagot sa mga nangyaring pinsala at dapat ay pokus tayo sa pakikisama sa kabutihan ng mga bansa at sa ating pambansang kalagayan.
(Herman Tiu Laurel is an author, writer and founder of the Phil-BRICS Strategic Studies think tank. Join his: “Power Thinks” with Ka Mentong Laurel and guests – Every Wednesday 6pm Live on Global Talk News Radio [GTNR] on Facebook and Talk News TV on YouTube; and Every Sunday 8 to 10am on RP1 738 on your AM radio dial.)