Banner Before Header

Operasyon kontra ismagling, pinaigting pa ng BoC-NAIA

0 236
Sa iba’t ibang collection district ng Bureau of Customs (BoC), isa na ang Port of NAIA sa mga madalas mabanggit sa mga balita.

Maging sa mga dyaryo, radyo at telebisyon, ang Port of NAIA ay “mayaman” sa balita.

Laging may “aksyon” sa PoN na pinamumunuan ni District Collector Carmelita ‘Mimel’ S. Manahan-Talusan.

Kamakailan nga ay nakasakote na naman ang mga taga-NAIA ng 38 parcels na naglalaman ng mga kontrabando.

Ang anti-smuggling operation ay isinagawa sa Central Mail Exchange Center (CMEX) sa Pasay City.

Coordinated sa Philippine Postal Corporation (Philpost) ang naturang operasyon.

Sa inspeksyon ay nakakita ang mga examiner ng 75 poker chip-sets, dealer chips at iba pang gambling paraphernalia.

Ang kontrabando ay walang import permit mula sa PAGCOR.

Kasama sa operation ang taga-CIIS, ESS at X-Ray Inspection Project.

Ayon kay Ma’am Mimel, ang walang humpay nilang operasyon ay bilang pagsuporta sa kampanya ni BoC Chief Rey Leonardo Guerrero laban sa ismagling.

***

Noong isang linggo naman ay nakasabat ang mga taga-BoC ng mga puslit na “live/aquarium fish” sa subport of Mactan.

Galing Taiwan, ang mga isda ay walang clearance mula sa Bureau of Fishery and Aquatic Resources (BFAR).

Ang mga isda ay dumating sa Mactan-Cebu International Airport noong Nobyembre 25.

Ang inspeksyon ay isinagawa nina Acting Warehouseman Nina Cheza Dela Peña at BFAR Quarantine Officer Ronald Cabiles.

Nag-isyu na si Port of Cebu Acting District Collector Charlito Martin Mendoza ng Warrant of Seizure and Detention laban sa shipment.

Pinayuhan naman ni Subport of Mactan Collector Gerardo Campo ang mga importer na kumuha ng mga kaukulang clearance bago ang shipping ng mga inaangkat na produkto.

Ito ay upang hindi magka-problema pagdating ng kargamento.

Ayon nga sa ating mga miron sa pantalan, huwag na silang magtangkang magpalusot.

Dahil malamang sa hindi ay malalambat sila.

Mahigpit ang pagbabantay ng ginagawa ngayon ng mga taga-BoC, lalona’t papalapit na ang  pagtatapos ng  administrasyong Duterte.

***

Dahil sa walang tigil na paghaba ng trapiko sa North Luzon Expressway at kawalan ng konkretong aksyon ng pamunuan ng Metro Pacific Tollways Corp. (NLEX toll operator), ay sinuspinde ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian ang operasyon nang nasabing tollway.

Ito ay matapos ang deadline na ibinigay ni Mayor Gatchalian upang ayusin nga ang matinding trapiko kaugnay ng pagpapakabit ng RFID sticker ng mga motoristang gumagamit ng NLEX.

Marami tayong tinatanggap na suhestiyon mula sa ating mga mambabasa na dapat daw ay ipaubaya na lang ang pagbebenta ng RFID sticker sa mga teller ng toll gate.

Sigurado namang iingatan daw ng mga makakabili nito ang pagkakabit nito dahil ayaw siyempre nilang maaksaya ang kanilang P500 load kung masisira at hindi nila ito magamit.

Sa ganito nga namang paraan ay maiiwasan ang pagsisikip ng trapiko sa NLEX dahil parang tumatanggap lang ng “cash payment ng toll” ang mga teller.

Kung tutuusin, hindi naman na talaga kailangang kunin ang detalye ng mga sasakyan.

Ang importante ay mapatupad na ang “cashless” transaction sa ating mga expressway.

Ang hindi kasi maintindihan ng ating mga kababayan, bakit kung anu-anong pahirap ang ginagawa nitong mga operator ng expressway sa mga motorista.

Sa totoo lang, kahit sa mga mall, gas station at iba oang lugar ay pwede naman nilang ipabenta ang RFID sticker, lagyan lang nila ng instruction ng tamang pagkakabit nito.

Ano sa tingin niyo?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tawag o mag-text sa #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Leave A Reply