Banner Before Header

Panahon nang kumalas sa mga ‘di pantay na kasunduan

0 298
SA LARANGAN ng diplomasya at pakikipagmabutihan sa iba’t ibang bansa, hindi kaaya-ayang mabansagan ang mga Pilipino na tuta ng mga Kano dahil pumapayag tayo na gamitin bilang piyon kung magkakaroon ng kaguluhan sa rehiyon. Ang mga “Amboys” (American boys) lang ang umaayon sa ganitong sitwasyon.

Ang mga walang kwentang oposisyon ang malimit na nagdidiin kay Pangulong Duterte na mas pumapabor daw tayo sa Tsina sa lahat ng aspeto ng ating foreign policy.

Kung sususmahin, hindi naman nagtayo ng base militar sa ating tunay na teritoryo ang Tsina at walang mga kasunduang pang-militar tayong pinasok sa kanila.

Sa katotohanan ay tayo ang ginagamit ng US bilang cannon fodder na handang mapatay sa gitna ng malawakang giyera dito sa Asya-Pasipiko.

Posibleng mangyari ito dahil nga sa pagkakaroon natin ng mga kasunduan na pumapayag sa mga tropang militar ng US na gamitin ang ating teritoryo at mga mamamayan nito sa digmaang hindi natin kagustuhan.

Sa matagal na panahon na narito ang mga tropang militar ng Kano, sa loob ng mga base-militar man o pansamantalang pagbisita ng kanilang tropa, ang mga Pilipino ay lagi nang nalalagay sa peligro.

Napapanahon na upang tumindig tayo at talikuran ang di makatarungang mga kasunduan na nagbibigay ng kalasag para sa kanila.

Ngayon na ang tamang panahon na ang kalasag ay para sa proteksyon ng lahat ng Pilipino at hindi sa banyaga.

(Samahan si Ka Mentong Laurel at mga panauhin sa “Power Thinks” tuwing Miyerkules @6pm Live Global Talk News Radio (GTNR) sa Facebook at sa Talk News TV sa You Tube; at tuwing Linggo 8 to 10am sa RP1 738khz AM sa radyo.)

Leave A Reply