Banner Before Header

PNP: Gawin ang trabaho ng matino, huwag “mang-abala”

0 202
“Balik-lockdown” na naman ang Metro Manila (ECQ) at mga karatig-lugar ng Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite epektibo ngayong Biyernes, Agosto 6, 2021. Tatagal ang lockdown hanggang Agosto 20.

At bago pa magsimula ito, nagsimula naman madaling araw noong Linggo, Agosto 1, 2021, ang ‘strict border control’ (translation: police checkpoints) papasok sa NCR at sa mga karatig-probinsiya.

Ang direktiba ay galing mismo kay DILG secretary, Eduardo M. Año.

“Bilang tugon sa kautusan ng ating SILG Eduardo Año, kinausap ko na ang JTF COVID Shield Commander, ang NCRPO Director at iba pang commanders para sa pagpapa-igting ng ating checkpoints.

“Ito ay paghahanda na rin natin sa nalalapit na implementasyon ng ECQ sa Metro Manila,” ayon pa dito sa ating kaibigan.

Para naman sa kabatiran ng lahat, partikular sa hanay ng ating mga pulis, may mahalagang mensahe si Chief PNP Guillermo Eleazar: gawin ng pulis ng maayos at matino (read: propesyunal) ang kanilang trabaho sa mga checkpoints at higit sa lahat, “huwag mang-abala,” partikular na sa mga ‘delivery trucks’ na nagdadala ng mga pagkain at mga produkto papasok at palabas ng Metro Manila.

Paalala pa ni Chief PNP, kasama rin sa mga hindi dapat inaabala o “binubusisi” ng ating mga pulis ay yung mga ‘APOR’ (authorized persons outside of residence) na ang mga ID at ‘QR Code’ ay nasa kanila na noon pang nakaraang taon.

And take note, mga bosing, kasama ang media sa mga APOR, bukod sa mga tinatawag na ‘essential workers,’ hane?

Siyempre, alam ni Chief PNP ang kanyang ginagawa, partikular sa implementasyon ng mga regulasyon hinggil sa lockdown at checkpoints upang makatulong labanan ang pagkalat ng COVID-19.

Siya kasi ang orihinal na kumander ng ‘Task Force Covid Shield’ ng PNP nung binuo ito noong isang taon.

Eh, wala na tayong masasabi kundi “ibang klase” talagang public servant itong si Gen. Guillor, hindi ba, mga kabayan?

Basta serbisyo-publiko, may hihigit pa ba sa ating Chief PNP ngayon?

Mabuhay ka, Gen. Guillor!

Leave A Reply