Banner Before Header

Pres. Xi Jinping: Tagumpay Laban sa Kahirapan

0 228
INANUNSIYO ni Pangulong Xi Jinping ng China noong ika-25 ng Pebrero 2021, na naging matagumpay ang kanilang pakikipaglaban sa lubos na kahirapan (‘absolute poverty’) sa pamamagitan ng pag-angat sa estado ng pamumuhay ng may 770 milyong mamamayan ng Tsina mula sa kahirapan nitong nagdaang 40 taon.

Nasugpo na ang lubos na kahirapan sa bansang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo na nasa 1.4 na bilyon katao.

Sinabi ni Pang. Xi na lahat ng mahihirap sa kanayunan ay naialis na mula sa kahirapan.

Mula noong naging pangulo si Pang. Xi ay nasa 100 milyong Tsino sa kanayunan ang naialis sa lubos na kahirapan at ito ay isa sa mga polisiyang nakatatak sa kanyang liderato, ang pakikidigma sa kahirapan (‘war on poverty’).

Bukod sa mas maaga nilang natamo ang 2030 na binigay na deadline ng United Nations upang masugpo ang kahirapan, nasa mahigit 70 porsyento rin ang naialis na mahihirap sa buong mundo na nasa Tsina.

Ito ay malaking tagumpay upang ang UN ay makatulong naman sa ibang bansa na may malaking bilang ng mahihirap, katulad dito sa atin sa Pilipinas.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pang. Xi na naglagak sila ng 1.6 trilyong Yuan sa paglaban sa kahirapan sa nakalipas na 8 taon at dito ay binanggit din niya ang pangangailangang mapasigla ang kanayunan o rural areas upang mapaliit ang puwang ng pag-unlad sa pagitan ng urban at rural areas.

Isang magandang halimbawa ang patakaran o polisiyang ito ni Pangulong Xi Jinping – ang pagtutok sa kahirapan sa kanayunan sapagkat sila ang laging nahuhuli sa pag-unlad kumpara ng mga nasa kalunsuran.

Maaaring tularan ito ng ating bansa sa kadahilanan na sadyang marami ang mahihirap sa ating kanayunan at pilit na sumisiksik sa mga lungsod na lalong nagpapasama sa kanilang kalagayan.

Ang pagbuo ng National Administration of Rural Revitalization ng pamahalaan ng Tsina ay para sa mahabang plano ng mga solusyon upang makaakyat sa hagdan ng pag-unlad ang mga nasa liblib na lugar at mapaliit ang puwang (gap) sa pagitan ng urban at rural areas na masasabing nariyan pa rin.

Ang pagtamo ng US$1.90 kada araw na sinabi ng World Bank na batayan sa buong mundo na nakalaan upang mabuhay ang isang tao ay hindi na malayo.

Nasa 4000 yuan taunang per capita income ang batayan sa pag-angat sa kahirapan sa Tsina.

Ang pagsugpo sa kahirapan ay hindi katapusan ng pakikipaglaban, bagku, umpisa pa lang ng bagong buhay at pag-asa para sa mga darating pang hamon ng buhay.

(Ang PBrNS ay bagong Pilipino News Service para sa mga balitang BRICS).

Leave A Reply