Banner Before Header

Rehistro ng botante, posibleng lumobo

0 232
NOONG nakaraang eleksyon, 2019, ay umabot ng mahigit 61 milyon ang rehistradong botante sa buong bansa bagaman marami na rin naman ang natanggal sa listahan.

Sila ay ang mga namatay at pati ang mga hindi bumoto ng sunod na dalawang halalan – 2016 at 2019 elections.

Pero naniniwala tayo na posibleng “lumobo” ang bilang ng  mga  botante para sa halalan sa susunod na taon.

Bakit? Marami na ang gustong magparehistro.

Mautak na kasi ang mga politiko, lalo na sa mga probinsiya at ito ay hindi dahil naging ‘politically mature’ na ang mga Pinoy at gusto pa nilang aktibong makilahok sa ating pulitika at demokrasya.

Dati rati kasi, lahat ng pumupunta sa bahay ng isang kandidato ay inaabutan ng pang-kape o pang-merienda.

Ngayon, kung wala ka sa master list ng mga botante ay sori ka na lang.

Ang ibig sabihin nito ay hindi ka kasali sa budget.

Kaya ngayon, marami ang gustong magpa-rehistro.

Malaking problema ito ng mga taga-Comelec.

Alam naman natin ang mga Pinoy, kung kailan malapit na ang deadline ng pagpaparehistro ay saka nagkukumahog. Hindi na tayo nagbago.

Doon lang tayo gagalaw kapag huling araw na ng pagpapalista.

Ang samang ugali!

***

Ayon sa mga ulat, may mga lugar na tumataas na ang bilang ng mga nagkakasakit ng Dengue.

Ito ay nakakaalarma dahil ang Dengue ay isa ring nakamamatay na sakit kagaya ng Covid-19.

Nakukuha ang Dengue sa kagat ng lamok na dumarami kapag tag-ulan.

Kaya nga usong-usong ang salot na sakit tuwing panahon ng tag-ulan.

Ang mga lamok ay naninirahan sa tubig.

Kaya kailangang laging maglinis ng kapaligiran upang huwag pamugaran ng mga lamok.

Ang problema nga lang, hindi basta nakalalabas ang tao upang maglinis dahil sa Covid-19.

Paano na lang kapag dumami pa ang kaso ng dengue, ubo, pagtatae at leptospirosis?

Talagang malaking problema!

***

Peke na smuggled pa! Grabe na talaga ang mga nagpupuslit ng sigarilyo.

Wala silang pakialam basta kumikita ng paldo-paldong kwarta.

Iyon nga lang, problema nila ay nakahanda rin sa kanila ang mga tauhan ni BoC Chief Rey Leonardo Guerrero.

Noon ngang Mayo 28 ay nakakumpiska ang mga taga-Port of Subic ng mga peke at puslit na sigarilyo.

Nagkakahalaga ng P66.2 milyon ang mga sigarilyo ay nakalagay sa dalawang 40-footer containers.

Ang mga pinekeng brand ng sigariyo ay ang Marvel Menthol at Filter, Two Moon Menthol at Filter, Fort Menthol 100’s, Mighty menthol Champion at Jackpot.

Agad ding inisyuhan ang nasabing shipment Warrant of Seizure and Detention ni District Collector Maritess Martin kaugnay ng Paglabag sa National Tobacco Administration Memorandum Circular No.03, Series of 2004,NTA Board Resolution No. 079-2005, Section 155 of R.A. 8293 at Section 1400 in relation to Section 1113 of RA No. 10863, Customs Modernization and Tariff Act .

Sinabi ni Collector Martin na gumagana ang pagtutulungan ng partner agencies para masugpo ang ismagling sa bansa.

At kung hindi rin ba naman “bopols” o “malas” ang mga ismagler na ito? Hindi ba nila alam o, ayaw nilang maniwala na pagdating sa “pagbabantay” sa mga isgmaler, isa si Coll. Martin sa hinahangaan at inirerespeto natin at Comm. Jagger?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Leave A Reply