Banner Before Header

Sa Bagong Bukas ng Pag-unlad

0 280
Paalam, farewell, huling pahimakas, Dilawan, 

Pulahan, ayaw ko na, ‘wag ka nang babalik, ha?

Goodbye, yes, paalam,

30 taon ng pamamahala na puno ng kamkam,

Pahirin na ang luha, tatapusin na ang dusa ng bayan,

Aalisin na ang mga multo ng nakaraan;

Babangon espiritu ng katotohanan, ng kaunlaran,

Wag kang babalik, Pulahan, Dilawan,

Gising na ang bayan,

Ah, wag maghinagpis, Dilawan,

Ngipin wag itagis, Pulahan. 

Dumating na ang tamang panahon,

May tutubos na sa pagkagumon,

Mga kulay ng watawat, iwawagayway

Pagkat bagong pag-asa ay isisilang

Ibabangon sa lugmok na duyan

Tatayo, maninindigan sa tagumpay

Ng lalaking mula sa Maynila ay sumigaw:

Isang Bangka ang Pilipinas, ating isagwan

Sa Bilis-Kilos, tamang solusyon ibibigay

Diyos ang gagabay, kapit-kamay ng mamamayan,

Lahat ng pagsubok, haharapin, pagtatagumpayan,

Dahil ang kasama’y pagtitiwala ng bayan,

Mula sa Maynila, ititindig ang watawat

Ng Pilipinas sa bagong bukas ng pag-unlad.

***

Lalong tumaas ang tiwala ni Aksyon Demokratiko standard bearer Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na sa mga huling araw bago ang eleksiyon sa Mayo 9, dadami ang grupong susuporta sa kanyang kandidatura.

Nitong nakaraang Martes, Abril 12, 50 opisyal ng Marcos Pa Rin (MPR) at ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ay nagkaisa na sumanib sa Visayas for Isko-Sara Alliance (VISA) at idineklara ang malakas na suporta sa kandidatura ni Yorme Isko at ni Davao City Mayor Sara Duterte na katiket na bise presidente ni dating Sen. Bongbong Marcos Jr.

Inihayag ng bagong alyansa ang suporta kina Isko at Inday Sara sa pinirmahang manipesto sa  Zuri Hotel sa Iloilo City.

Sa manipesto, nanindigan ang MPR, PFP at VISA na sina Isko at Sara ang dapat na suportahan dahil sa kapwa sila ‘top performing mayors’ at kapwa , matapang at may pusong maka-Diyos, at dahil kapwa anak ng Bisaya.

Tubong Allen, Northern Samar si Rosario Moreno, at mula sa Antique si Joaquin Domagoso, ina at ama ni Yorme Isko, at kahit ipinanganak, lumaki at naging alkalde ng Maynila, 100 porsiyentong dugong Bisaya si Moreno Domagoso.

“Henceforth, (we) commit ourselves to work together and ensure its victory in the May 9 National and Local Elections,” sabi ng grupo sa manipesto.

Iba pang samahang bumubuo sa VISA na inilunsad noong Pebrero 18, 2022, sa Cebu City ay ang sumusunod: SIMBA, Partido Pananghiusa, Inisyatiba Makabayang Pagbabago, Isulong Serbisyo sa Katawhan nga Organisado (ISKO) Alang Isko, Ikaw Muna Pilipinas, Ordinaryong Lungsoranon, Task Force Crusaders, Duterte Riders Team, F4, Samar Group for Isko, CIGOTON, Isko Na Bai, Blue Ladies for Isko at Women for Isko.

Sa okasyong ito, sinabi ni Jose Daluz, pangulo ng Partido Panaghiusa, “pag-ibig sa bansa ang nagbuklod sa alyansa ng iba-ibang partido politikal upag suportahan sina Moreno at Duterte”.

“Isko will be a very good president for the next six years especially if his vice president is Sara Duterte. They’re both Bisaya. We cannot deny that they have done a lot in their cities,” sabi ni Daluz.

***

Samantala, ipinagdiinan ni dating Agrarian Reform Sec. Atty. John Castriciones na ninakaw lang ni BBM ang PFP.

Sa paliwanag ni Castriciones, naitayo ang PFP noong Oktubre 5, 2018, kasama ang iba pang kasapi ng Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Council (MRRD-NECC) – na malaki ang naitulong sa pagpanalo kay Duterte sa panguluhan noong 2016.

Kasalukuyan pa ring presidente ng MRRD-NECC si Castriciones at panauhing kandidatong senador ng Aksyon Demokratiko, kasama sina Samira Gutoc, Dr. Carl Balita at Jopet Sison.

Sa paliwanag ni Castriciones, “ninakaw” ni Marcos Jr. ang pamumuno sa PFP.

“Alam ninyo ang partido ni Bongbong Marcos na PFP, ang dapat chairman niyan ay si chairman general Mangelen. Kaso, ninakaw nila,” sabi ni Castriciones.

Ani Castriciones, nanumpang chairman ng PFP si Marcos Jr. noon lamang Oktubre 2021, isang araw matapos magharap ng kandidatura para presidente.

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com).

Leave A Reply