Banner Before Header

Sec. Remulla, suportado si BOC Comm. Bien Rubio

0 150
SERYOSO ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na papanagutin ang lahat ng mga lumalabag sa customs laws, rules and regulations.

Matatandaan na ang mga unang marching order ni Pangulong Marcos sa pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) ay ang pagpapaigting pa sa kampanya laban sa mga ismagler.

Lalo na ang mga ismagler ng ipinagbabawal na gamot, partikular ang shabu, at produktong agrikultura, kagaya ng bigas, mais, isda, bawang sibuyas at iba pang gulay.

Batid kasi ni Pangulong Marcos ang labis na paghihirap ng mga magsasaka at mangingisda kaugnay sa pagbaha ng mga puslit na produktong agrikultura sa bansa.

Kamakailan nga lang ay nagpulong na sina Justice Secrtetary Jesus Crispin “Boying” Remulla at Customs Commissioner Bievenido Y. Rubio para pag-usapan ang DOJ-BOC Task Force.

Hangad ng dalawang opisyal ni Pangulong Marcos na lalo pang ma-enhance ang mga measure “in the prosecution of cases” sa tinatawag na “snake-infested waterfront.”

Sa pahayag pa rin ng BOC, “Remulla and Rubio revisited several policies and circulars to resolve bottlenecks and streamline communications and procedures for case processing.”

Ito ay para mapabilis ang pagsasampa ng kaso laban sa mga taong pinaghihinalaang sangkot sa ismagling at iba pang katarantaduhan sa Aduana.

Iminungkahi rin ni Commissioner Rubio, tubong Batac, Ilocos Norte, na magkaroon sana ng isang BOC-DOJ Legal Summit.

Ito ay para i-renew ang “commitments and boost the understanding and capabilities of the bureau in areas of prosecution and the DOJ in customs processes.

Ang mga bagay na ito ay “indispensable” para maging tagumpay ang prosecution ng mga kasong isinasampa ng gobyerno laban sa customs law violators.

Nangako naman si Secretary Remulla na susuportahan ng kanyang departmento ang BOC para ma-uphold ang “accountability at transparency.”

Siniguo pa ng kalihim na taga-Cavite ang “efficient administration of the criminal justice system” sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos.

Pagkatapos ng “fruitful meeting” nina Remulla at Rubio, marami ang naniniwala na lalong magiging agresibo ang prosecution” ng mga kaso sa Pilipinas.

Sinabi pa ni Commissioner Rubio na lalo pa nilang i-intensify” ang kanilang border protection efforts para pangalagaan ang interests ng mamamayang Pilipino.

Hindi papayagan ng mga taga-BOC, sa pangunguna ng Ilokanong komisyuner, na makapasok sa bansa ang mga “unsafe foods” at ibang kontrabando.

Kahit limitado ang manpower at financial resources ng BOC, determinado itong ipatupad ang mga customs laws, rules and regulations sa buong bansa.

Of course, sa tulong din ng taumbayan, local government units at iba pang concerned government offices and agencies, kasama na ang PNP, PCG, NBI, DTI at AFP.

Ang pinaigting na kampanya laban sa ismagling ay isang “bad news” sa mga taong iligal na nagpapasok sa bansa ng mga kontrabando.

Kulong sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City ang naghihintay sa inyong lahat.

***

Maraming Pilipino ang may cardiovascular diseases o problema/sakit sa puso.

Ang masakit, kailangan pang pumunta sa Quezon City ang mga may sakit sa puso para magpagamot sa bantog na Philippine Heart Center (PHC) na ipinatayo noon ni yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Kaya nga biglang nagpalakpakan ang sambayanang Pilipino kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. dahil magpapatayo siya ng isang PHC Annex sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Kapag natapos na ang PHC Annex sa Pampanga, dito na lang magpagamot ang mga pasyenteng manggagaling ng Central Luzon, Northern Luzon, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

Napili ang Clark Freeport Zone na pagtatayuan ng annex ng Philippine Heart Center dahil may international airport ito at madali itong marating ng taumbayan dahil magaganda na ang mga daan patungo sa lugar.

Ang totoo niyan, maluwag ang mga daan dito at hindi kagaya sa Metro Manila na laging problema ang traffic congestion.

Ang pagpapatayo ng annex ng PHC sa Pampanga ay nakapaloob sa Executive Order No. 19 na pinirmahan ni Pangulong Marcos noong Marso 8, 2023.

Timely ang pagpapagawa ng unang PHC Annex sa Clark dahil ang cardiovasular disease ngayon ang nangungunang sanhi ng kamatayan sa ating bansa.

At sana makapagpatayo rin ng gobyerno ng kaparehong ospital sa Visayas at Mindanao bago matapos ang termino ng administrasyong Marcos sa Hunyo 30, 2028.

Puwede ba, Pangulong Bongbong Marcos Jr. at Vice President Sara Z. Duterte?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawaf o mag-text sa#0917-8624484/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).

Leave A Reply