Banner Before Header

Si Sec. Art at Sec. Bebot, bow!

0 394
IPINAGDIWANG noong Lunes, Hulyo 12, nang Philippine Ports Authority (PPA), ang ika-47 anibersaryo nito.

At bilang isang ahensiya na nasa ilalim ng Department of Transportation (DOTr), ‘special guest,’ siyempre, si senatorial wanabe, agh, Sec. Arthur Tugade, na nangampanya, err, nagyabang, ahayy, nagkuwento na rin ng mga ‘accomplishments’ ng DOTr sa kanyang talumpati.

Yes, Comelec spokesman, James Jimenez, “putok” sa lahat ng ahensiya sa ilalim ng DOTr ang “plano” ni Sec. Tugade na tumakbong senador sa 2022 election.

Kumbaga, pareho lang sila ng “ambisyon” ni DOLE secretary, Silvestre ‘Bebot’ Bello, tama ba kasamang Rolly Francia? Aber, mga campaign videos pa nga si Sec. Bebot at mga ‘posters’ na nagkalat na rin ngayon!

Kung mananalo naman sila, eh, ibang usapan ‘yun, hindi ba, dear readers?

Kung sa bagay nga naman, sakaling mag-file sila ng CoC (certificate of candidacy) para sa Senado, aba’y “naganap” na ang kanilang ambisyon na tumakbong senador!

‘Yun nga lang, tumakbo na ngang senador, gusto pa nilang manalo? Hmm. “Sobra” na ‘yan, hehehe!

Kantyaw naman ng mga “tahiran” na ‘self-proclaimed political analysts,’ mas mataas ang “tsansa” ng dalawang kalihim na manalong senador KUNG sa Estados Unidos sila tatakbo dahil 50 ang senador doon, hahaha!

Ayon naman sa mga miron, dumating at umalis ang butihing kalihim ng DTOr na, wala lang, hehe, as in, wala namang nabanggit tungkol sa benepisyo at kapakanan ng mga maliliit na kawani ng PPA, aray!

Eh, muli, ayon pa rin sa mga miron, walang pinag-iba si Sec. Tugade kay Sec. Bebot na bagaman talagang ‘pro-labor,’ eh hindi naman umano ‘pro-employee’ ng DOLE, hihihi, ayy, huhuhu!

Aber, “kanya-kanya” nga raw ng gastos sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 ang mga karaniwang kawani ng DOLE, “hinagpis” sa atin ng ilang miron. Totoo naman kaya ito?

***

Sa nasabi pa ring anib ng PPA, “nagbunyi” rin umano ang mga kawani ng mamahagi ng mga kulay puti (white-colored) na ‘polo shirt’ sa kanilang with matching ‘47th anniversary logo’ dahil “akala” nila, galing ito sa “bulsa” ng ahensiya o ni Sec. Art!

‘Yun pala, “donasyon” ng oligarkong si Enrique Razon, nyeh!

At bakit hindi naman hindi magiging “bukas-palad” ang may-ari ng ICTSI sa PPA, samantalang ‘handpicked,’ ni Razon, err, si Razon umano ang “nagrekomenda” sa puwesto kay PPA general manager, Jay Daniel Santiago.

Para sa kaalaman ng lahat, ang PPA, na isang ‘GOCC’ (government owned and controlled corporation) sa ilalim ng DOTr, ang tumatayong ‘regulator’ ng mga ‘arrastre operator’ katulad ng ICTSI basta kuwarta ang pinag-uusapan.

Marahil, sadyang ‘very close’ si GM Santiago sa ICTSI kaya hindi niya napansin na “masagwang tingnan” ang “donasyon” ng ICTSI?

Oh, ayan, Sen. Manny Pacquiao at PACC chair, Greco Belgica, pasok, hehehe!

Abangan!

 

Leave A Reply