Banner Before Header

Sino ang dapat “sisihin?”

0 192
BAGO ang lahat, ‘belated happy birthday’ muna sa aking Tito Renato P. Mejico, ng San Miguel, Bulacan, na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Pebrero 9 subalit ginanap ang simpleng selebrasyon noong Linggo, Pebrero 12.

Isa si ‘RPM’ sa mga tumulong sa inyong lingkod na makapasok at magkaroon ng regular na trabaho sa isang malaking kumpanya noong bago pa lang tayong graduate, taong 1988 kaya naman sadyang malaki ang utang na loob natin sa kanya.

Happy birthday ulit, Tito Rene and God bless you more!

***

Sa okasyon nang ika-121 anibersaryo ng Bureau of Customs (BOC) noong Pebrero 7, “tahimik” na hinuli, SOJ Boying Remulla, nang iyong mga tauhan sa National Bureau of Investigation (NBI) si Bernie Anabo, isang local media practitioner na kumukuha rin ng mga balita sa BOC.

Hinuli si Bernie sa loob ng BOC habang nagkakape kasama ang ilan pang mga kasapi ng media sa bisa ng isang warrant of arrest sa kasong “libel.”

Hindi naman nagawang “awatin” ng mga kasamang reporter si Bernie dahil ang pinalabas ng mga kasapi ng NBI Anti-Organized Transnational Crime Division (AOTCD), hinuli si Bernie dahil sa kasong “estafa.”

Kumbaga, dahil ‘not job-related’ sa pagiging reporter ni Bernie, wala nga namang pakialam ang mga reporter na manghimasok sa pag-aresto sa kanya. Kumbaga, estilong ‘accomplishment arrest’ ang nangyari dito, SOJ Boying dahil nga may warrant of arrest itong si Bernie, hehehe!

Agarang dinala si Bernie sa NBI headquarters, pinagsuot pa nga ng damit bilang isang detainee at ang litrato ay kumalat kasama na ang press release ng NBI.

Pero, eto ngayon ang “problema,” NBI director Medardo Lemos, SOJ Boying at CHR chairperson, Richard P. Latoc, dahil ‘bailable offense’ naman ang kasong libel, naghanda siyempre ng kanyang piyansa itong si Bernie.

Ang problema, nung “mahalukay” ang rekord ng kanyang kaso, aba’y “dismissed,” as in, “absuwelto” pala sa nasabing kaso itong si Bernie, hehe, ayy, huhuhu! Sa madaling salita, anong kaso ang pipiyansahan niya eh wala naman pala, hihihi!
‘Case dismissed,’ pero may ‘standing warrant?’ Mayroon palang ganern, hehehe, ayy, huhuhu ulit! What is happening to our criminal justice system, ‘di ba, mga kabayan?

Sa kuwento pa ng isang miron, nauwi sa “sisihan blues” ang ‘twist’ ng istorya dahil ayon (daw) sa NBI, ang may “kasalanan” nito ay ang Branch 7 ng Manila RTC na ‘nag-certify’ na kasama si Anabo sa warrant sa nasabing kaso (Criminal Case 10-280271) na nagsimula palang dinggin noon pang 2010.

Oh well, sino nga ba ang dapat sisihin sa sablay na ito, dear readers? At ano naman kayang “resbak” ang gagawin  ni Bernie sa nangyaring pagyurak sa kanyang karapatan na wala naman palang batayan, aber?

At teka pala, hindi ba ang ‘accomplishment arrest’ ang isa sa mga kinayayamutan ni Bossman Boying Remulla?

Abangan!

Leave A Reply