Banner Before Header

Sino ba talaga ang NBI director natin?

0 329
MATAPOS ang pagreretiro ni NBI director Dante Gierran bilang “director” ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Pebrero 2020, pinalitan siya sa puwesto, bilang ‘officer-in-charge’ ng isa pang “beterano” sa ahensiya, si Dir. Eric Distor.

Maayos naman, sa opinyon ng mga miron, ang pamamalakad ni Dir. Distor sa ahensiya, bagaman, pansin nila, may “kabagalan” sa ilang isinasagawang imbestigasyon katulad ng madugong ‘shootout’ ng mga elemento ng QCPD at PDEA sa isang shopping mall sa Commonwealth Avenue noong Pebrero kung saan tatlo ang namatay.

Ano na nga ba ang nangyari dito? Talaga bang “sasadyain” na “ibaon na lang sa limot” ang insidente? Hmm.

Sa kabila nito, maganda at maayos ang relasyon ng NBI sa iba pang ahensiya ng gobyerno, partikular na sa Bureau of Customs (BOC), kung saan marami silang naisagawa—at isinasagawa—na mga ‘joint operations.’

‘Yun nga lang, may mga nagtatanong kung “sino” ba raw talaga, kasamang Marlon Purificacion, ang “director” ng NBI?

Noon kasing Mayo 20, 2021, isang ‘joint operation’ ang isinagawa ng BOC at NBI sa isang ‘warehouse’ ‘dyan sa Don Galo, Parañaque City, batay sa ‘LOA’ (Letter of Authority) na pirmado ni BOC commissioner ‘Jagger’ Guerrero.

At susmarya, mistulang pupunta sa giyera ang dami ng mga tauhan ng NBI, Customs at PCG na hindi magpapatalo sa kalaban dahil umabot sa 58 katao ang pangalan na nakalista sa LOA, talaga rin naman, hehehe!

Sa inilabas na ‘press release’ ng NBI na agad iniulat ng ‘mainstream media’ sumunod na araw, aabot sa P7 milyon ang halaga ng mga ‘face shields’ galing China ang kanilang nakumpiska.

Nagtataka naman ang mga miron dahil hindi sila makapaniwala na hindi alam ng BOC at NBI na ang ‘face shield’ ay HINDI KASAMA sa mga ‘PPEs’ (personal protective equipment) na ‘regulated’ ng FDA (Food and Drugs Administration).

Yes, dear readers, ‘exempted’ ang mga face shields sa mga gustong pagkakitaan, ehek, ma-regulate ng FDA.

Ayon naman sa ilang opisyal na nakausap natin, naglabas ng LOA si Comm. Jagger batay sa kaptritso, ehek, sa kahilingan, ng NBI dahil mayroon daw “nagreklamo.”

Aber, ganyan na lang ba ‘yan dear readers, dahil lang may “nagreklamo,” hindi na muna iimbestigahan ang reklamo kung ano ang batayan at tunay na motibo? Paano kung… ‘business rivalry’ lang talaga ang ugat ng reklamo?

‘Yun bang… ginagamit ng ilang korap na negosyante ang kanilang koneksyon sa NBI at BOC para lang “perwisyuhin” ang kanilang kalaban sa negosyo?

At hindi ito “bago,” bagkus, “panis” na itong estilo, mga kabayan dahil ilang beses na natin itong nasaksihan

Dito naman ngayon pumapasok ang ating tanong, kung “sino” ba talaga ang NBI director ngayon?

Dangan kasi, nalaman natin na isang Fil-Chinese na lumilingon kapag sininghalan, ehek, tinawag mo na, ‘Henson T!’ ang nasa likod ng baluktot na operasyon ng NBI—kung saan “nagamit” pa si Comm. Jagger at BOC– sa Parañaque City noong nakaraang Huwebes, Mayo 20, 2021.

Ayon pa sa sumbong sa atin, “notoryus” na itong si Director Henson, ehek, Mr. Henson T. sa ilang negosyante sa Binondo dahil “bagyong Yolanda” raw umano ang dating nito sa mga operatiba ng NBI. Aber, ‘feeling director’ talaga siya, hindi ba, NBI director, Eric Distor?

Kung bakit naman parang mga ‘Doberman’ sa pagsunod ang mga taga-NBI sa bawat “inguso” sa kanila nitong si Henson T. eh, kailangan pa bang i-memorize yan, hehehe!

Abangan!

Leave A Reply