Banner Before Header

‘Tandem’ Para sa Kapayapaan at Kaunlaran

0 271
NAKARARANAS ng kapayapaan ang mundo sa ngayon dahil sa pandemya.

Kung mayroon man na kaguluhan, ito ay nakasentro sa loob ng isang bansa.

Hindi na kakayanin pa ng sangkatauhan ang malawakang kaguluhan sapagkat daang libo na ang namamatay sanhi ng hindi nakikitang kaaway.

Ang mga bansa ay nakatuon sa pagsasagawa ng malawakang pagbabakuna upang mabawasan ang pagkalat pa ng nakahahawang sakit.

Sa kasamaang-palad, may iilan pa rin na ang nais ay maghasik ng kaguluhan sa ating rehiyon sa paggawa ng mga isyu na walang katuturan upang gumawa ng tensyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.

Animo’y walang katapusan ang mga ‘fake news’ at binaluktot na mga balita simula ng ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ‘independent foreign policy’ na tahasang pagbitiw sa tanikala na naglilimita sa ating pakikipag-ugnayan sa mga bansa kagaya ng Tsina.

Marahil, hindi ito naging maganda sa panlasa ng mga tagatahol ng US dito kaya patung-patong na kasinungalingan ang ikinakalat nila.

Ilan sa mga isyu na ginagatungan at pinalalaki nila hanggang sa ngayon ay ang pagtaboy ng Chinese Coast Guard sa Pilipinong mangingisda malapit sa isla ng Pag-asa; ang pagpasok sa teritoryo sa karagatan ng Pilipinas ng Chinese dredger ng walang pahintulot sa nasasakupan ng lalawigan ng Bataan, at ang pagsasabatas ng Chinese Coast Guard Law na hayagang binabatikos ni Sen. Hontiveros.

Ang mga paratang na ito laban sa Tsina na pinalalaki ng iilang personalidad sa media at politika ay hayagag paninira sa magandang ugnayan ng Pilipinas at Tsina.

Malayo na ang narating ng pakikipagkaibigan ni Pangulong Duterte kay Pangulong Xi Jinping na sumasaklaw mula sa imprastraktura, kalakalan, teknolohiya, edukasyon at sa ekonomiya. Isama pa ang pagbibigay prayoridad ng Tsina sa pagbibigay ng bakuna sa Pilipinas sa mababang halaga, bukod pa sa donasyon na higit 500,000 bakuna na ang ibig sabihin ay “libre” o walang bayad.

Marami ang nabigyan ng trabaho dahil sa mga proyektong kasosyo ang Tsina para sa programang ‘Build Build Build’ ni Pang. Duterte.

Ang mga guro na nawalan ng trabaho ay nakakita  ng magandang oportunidad sa ‘51Talk’ ng Tsina. Ito ay ang pagtuturo ng wikang Inggles sa mga kabataan sa Tsina sa pamamagitan ng online learning.

Kasama rin ang mga hindi guro dahil sila ay bibigyan ng pagsasanay upang makaagapay sa pagtuturo sa mga kabataang Tsino.

Kahit sa gitna ng pandemya, ang pakikipagkalakan natin sa Tsina ay patuloy at dumarami ang mga produkto na iniluluwas natin sa kanila.

Umaani ng magagandang resulta ang independent foreign policy ni Pangulong Duterte dahil mas dumami ang mga oportunidad ang nabuksan upang makaagapay tayo sa mga suliranin dulot ng COVID-19.

***

Kaalinsabay ang mga batikos at paninira ng mga pakawala ng US upang pataasin ang tensyon sa pagitan ng magkaibigang bansa, lalo lamang tumatatag ang kanilang samahan dahil hindi nila ito pinapansin.

Mapapagod lang ang mga naninira sa relasyong Tsina at Pilipinas sapagkat mas maraming bagay na mas importante at dapat lang pagtuunan ng

Narito tayo na sumusuporta sa samahang Tsina at Pilipinas at sama-sama nating pagtulungang buwagin ang mala-demonyong kaisipan na nag-uudyok upang magkagulo sa ating rehiyon na payapa at naka-pokus sa pag-unlad.

Palawigin ang kapayapaan at makiisa sa kaunlaran.

(Samahan si Ka Mentong Laurel at mga panauhin sa “Power Thinks” tuwing Miyerkules @6pm Live Global Talk News Radio (GTNR) sa Facebook at sa Talk News TV sa You Tube; at tuwing Linggo 8 to 10am sa RP1 738khz AM sa radyo.)

Leave A Reply