Banner Before Header

‘Task Force Vs. ‘Pekeng Pinoy

0 162
KUNG ilan na ang nai-deport na Chinese workers sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na sinimulan noong Oktubre 2022, wala pang opisyal na report ang Department of Justice (DoJ).

Ito ay kasunod ng utos na ipasara na ang operasyon ng 175 POGO sa bansa na tinatayang nag-eempleyo ng mahigit 300,000 Chinese nationals.

Bawal kasi ang sugal sa China, kaya naisip ng ilang negosyante na dito itayo sa atin ang POGO — na totoong nagsampa ng bilyon-bilyong pisong tax sa kaban ng gobyerno. Subalit, ang naging kapalit nito ay ang pagtaas ng mga ‘POGO-related crimes’ na marami ay kagagawan ng Chinese nationals sa kanilang kababayan.

‘Yung mga sugarol na Chinese na hindi nakabayad ng utang, pinapatay at kinikidnap ng kapwa nila Chinese na may kasabwat na mga Pinoy.

Mas naging korap ang ating law enforcement agencies (LEAs) dahil sa malaking salaping suhol mula sa sindikato ng mga Chinese gangsters na malayang nakapasok sa bansa para dito gumawa ng krimen.

May naparusahan na ba sa pastillas gang ng Bureau of Immigration (BI) na malayang nagpapasok kahit kriminal na Chinese kapalit ng kimpal-kimpal na salaping suhol?

Wala tayong narinig o nababasang report mula sa DoJ kaya puwede bang mag-ulat naman ang ating Justice spox Jose Dominic ‘Mico’ Clavano IV?

Balita rin na yung mga Chinese POGO workers ay nagtago na, ang marami ay nagawang makapag-secure ng pinekeng birth certificate, may nakapag-process pa ng PH passport.

Hanep, ang gagaling nyo, huh, at siyempre, maraming nagkapera sa mga local civil registry office, na ginamit ang birth certificate ng mga Pinoy na namatay na o mga Pinoy na pumayag maduplika ang kanilang birth certificate kapalit ng daan-daan libong piso.

Kapag gipit nga, kahit sa patalim ay kumakapit.

Ngayon, “lehitimong” nakapamumuhay ang mga Chinese na pekeng Pinoy na nagawa nang makasunod sa ating ugali, natutong magsalita ng wika natin at ang marami ay nakapagtayo ng negosyo, at/o kaya ay nakapag-asawa na.

Milyong Pinoy ang naagawan ng trabaho ng mga Pekeng Pinoy na ito — na pag nagkaanak, dagdag sa bundat na populasyon ng Pilipinas na aagaw sa mga kapos na serbisyong medikal, pagkain, trabaho, pag-aaral, at iba pang kakumpitensiya ng ating kabataang Pinoy.

Kay Justice Sec. Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla — na bespren ng media noong ito’y kongresista pa — sana ay “mapatino” mo ang mga tampalasan sa Bureau of Immigration.

Sana makita natin ang galing mo at sa tulong ng ating makikisig na opisyal at tauhan ng National Bureau of Ivestigation (NBI), katuwang ang Philippine National Police (PNP), ‘yung mga takas na kriminal sa China na nakapasok sa bansa ay madakip at maipatapon pabalik sa kanilang bansa.

Marami na tayong kriminal dito, dagdag ang mga Chinese na ito na ang dala ay perwisyo, kamatayan at salot sa bansa natin.

Kung ang Bureau of Customs (BoC) ni Commissioner Bienvenido Rubio ay may anti-smuggling task force, ay ano ba naman kung magbuo ng TF laban sa Chinses fugitives, pekeng Pinoy at mga kasabwat nila?

Makatutulong ang media, lalo na ang mga tropa mo sa National Press Club (NPC) na mga naka-jamming mo noon.

***

Nitong Pebrero ay kumolekta ang BoC ng P63.02 bilyon bilyon, kaya, congratulations!

Pag ang mga boss nyo sa Aduana ay pursigidong kumolekta nang matapat at maayos at di inuuna ang kanilang mga bulsa, at mahigpit ang laban sa mga engot at korap, abah, titino ang Customs, di po ba Ka Rene?

Muli, ang ating mainit na pagbati kina Commissioner Bienvenido Rubio, Depcom Atty. Vener Baquiran, Depcom Atty. Edward James Dy Buco, Depcom Juvymax Uy, Assistant Commissioner and Spox Atty. Vincent ‘Jet’ Maronilla, Enforcement Security Service (ESS)

Director Isabelo ‘Butch’ Tibayan, and Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Director Verne Enciso.

Mabuhay kayo, mga bossing!

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com).

Leave A Reply